webnovel

Let's Continue

"Okey na… salamat!"

Wala na kong nagawa kundi tanggapin na lang para matapos na. Ayaw ko naman ng dahil dito ay magtatalo pa kami at lalo nga't kadarating lang niya at ako naman ay paalis pa. Pero tinggal ko parin yung sa pagkakasuot yung bracelet.

"Kala ko okey na bakit mo tinatanggal?"

"Baka mawala sayang."

Sabi ko habang ibinabalik ko yung bracelet sa box niya.

"Michelle naman gusto ko nga sana lagi mo yang isuot eh, tapos itatago mo lang."

"Anong gusto mo mapahamak pa yung buhay ko dahil dito?"

Medyo naiirita kong sabi habang inilagay ko na sa aparador yung bracelet for keep safe.

"Bakit ka mapapahamak?"

"Martin nagcocomute lang ako araw-araw plus masyadong takaw mata yung regalo mo. Gusto mo ba ma hold-up ako dahil sa regalo mo? Kaya hayaan mo na lang munang itabi ko if ever na magkasama tayo saka ko nalang isususuot para kung may magtangkang mang hold-up sakin atleast sabihin ko na ikaw na lang kasi mas marami kang pera sa akin!"

Pagbibiro habang muling umupo sa tabi niya.

"Ganun?"

Sabay yakap sa akin.

"Ikaw talaga napaka touchy feely mo!"

"Sympre girlfriend yata kita!"

Mayabang niyang sagot sabay patong na baba niya sa balikat ko.

"Sige na Girlfriend mo na ako at di ko naman yun itinatanggi ngayon dahil gabi na matulog na tayo kaya pumunta ka na dun sa kwarto ni Mike."

Pagtataboy ko kay Martin pero sa halip na kumilos lalao niya kong niyakap.

"Dito na ko matulog tabi na tayo!"

"Umayos ka nga! Gusto mo yatang mahambalos ng walis ni Mama kapag nahuli ka dito. Kaya tumayo ka na bilis!"

Sabay tayo ko at hila sa kanya pero talagang ayaw tumayo ni Martin sa halip kasi na siya ang mapatayo ako ang hinila niya pahiga ng kama. Nasa ilalim siya at ako naman ay nasa ibabaw bago pa ko makasigaw mabilis niya kong hinalikan.

"Martin… umayos ka nga!"

"Wag kang maingay baka marinig tayo ni Papa at Mama mo mapalo tayo! Sige ka!"

Bulong niya sa akin at muli akong hinalikan grabe talaga itong taong ito napaka shameless nakabukas pa naman yung pintuan paano na lang pag may nakakita sa amin.

"Tama na! Nakarami na kaya tumigil ka na at matulog na tayo!"

Saway ko sa kanya at tuluyan na kong tumayo sa pagkakadagan sa kanya. Inayos ko yung damit kong nalukot dahil sa pag entangle naming sa higaan kanina.

"Dito na ko matutulog!"

Pag mamatigas parin niya at dahil naubos na niya ang pasensya ko wala akong nagawa kundi pingutin yung tenga niya.

"Ikaw somosobra ka na! Kanina ko pa sayo sinasabi na di pwedi ang tigas ng ulo mo!"

"Aray Michelle masakit!"

"Talagang masasaktan ka pag di ka pa tumayo!"

Pagbabanta ko sa kanya habang patuloy ko paring pinipingot yung tenga niya. Kaya napilitan siyang tumayo sa kama para mabitawan ko yung tenga niya.

"Dalhin mo yung pasalubong mo kay Mike at ikaw na magbigay."

Agad naman niya itong dinampot at sumunod sa akin palabas. Malapit na kami sa kawrto ni Mike na muli siyang magsalita at magmakaawa habang nakakapit sa braso ko.

"Sige na dun na lang ako sa kwarto mo kahit sa sahig na lang ako tapos buksan natin yung pinto para di sila magisip ng masama."

"Tumigil ka na nga Martin! Wag matigas ulo mo mamaya pag narinig ka pa ni Papa at Mama mamaya palayasin ka ng wala sa oras kaya umayos ka at matulog na tayo. Sige na!"

Sabay tulak ko sa kanya ng bahagya para magpatuloy kami sa pagpunta sa kwarto ni Mike.

Pakatok na ko ng pinto ng muli niya kong hinalikan. Okey lang sana kung smack lang ang putik French kiss ang gusto.

"Martin!"

Tanging nasabi ko dahil di niya talaga nilubayan yung labi ko. Wala na kong nagawa kundi tanggapin yun sabi nga nila just go with the flow para matapos na. Pero biglang bumukas yung pintuan ni Mike na labis naming ikinagulat. Agad namula yung muka ko kaya mabilis akong lumayo kay Martin at yumuko na para bang walang nagayari.

"Wala akong nakita just continue!"

Maikling pahayag ni Mike at muling isinara yung pinto.

"LET'S CONTINUE!"

Sabi ni Martin habang naka ngiti at muling bumaling sa akin para halikan sana ako uli na parang walang nangyari.

"Tumigil ka na!"

Sagot ko sa kanya sabay sipa sa paa niya. Agad kong binuksan yung kwarto ni Mike at tuluyang pumasok. Nilingon ko si Martin na nasa pintuan pa at hawak hawak yung parte ng paa niya na sinipa ko.

"Doon mo na lang patulugin si bayaw sa kwarto mo ate! Wag kang mag-alala di ako magsusumbong kay Papa at Mama!"

"Isa ka pa Mike tatamaan ka din sakin mamaya!"

Pagbabanta ko habang tinitingnan ko siya ng masakit.

"Si Ate di na mabiro. Bayaw halika na matulog na tayo! Dito ka na sa kama ako na lang sa sahig! Pasok ka na bago tayo saktan ni Ate!"

Sabi ni Mike saka hinila si Martin papunta sa kama at pinaupo. Agad naman niyang inabot yung pasalubong niya sa isa na mabilis naman nitong tinanggap.

"Wow ang gaganda!"

Narinig kong sabi ni Mike habang inilahad yung tatlong klaseng damit na nasa loob ng paper bag makikitang puro branded ang mga iyon kaya di ko naiwasang mag side comment.

"Bakit ang dami mo naman binili? Kahit isa lang pwedi na!"

"Hay naku ate wag ka ngang ano diyan, Si bayaw nagbigay nito kaya wag ka na!"

"Anong sabi mo?"

Sabay anbang sisipain ko si Mike na mabilis naming nagtago sa likod ni Martin.

"Bayaw ganyan talaga yan si Ate napaka brutal ewan ko ng aba bakit mo yan nagustuhan."

"Oo nga di ko alam bakit mo ko nagustuhan sana si Mike na lang nagustuhan mo!"

Agad nagkatinginan yung dalawa at ubod np bilis naghiwalay silang dalawa dahil sa sinabi ko na akala mo na kuryente. Di ko naiwasang mapangiti dahil dun.

"Oh, siya matulog na kayo at ako'y matutulog narin dahil gabi na!"

"Michelle!"

Muling tawag ni Martin sa akin.

"Matulog ka na! Good Night!"

Pandidilat ko ng mata sa kanya na parang pinagbabantaan ko siya.

"Good night!"

Malumanay niyang sagot at tuluyan na kong lumabas. Sa totoo lang Nawala yung antok dahil kay Martin di ko maiwasang hawakan yung labi kong namamaga nanaman dahil sa ginawa niyang paghalik "kawawa kong labi naparusahan nanaman''.

Next chapter