61 I Have My Ways

"Yun yung lalaking pumunta kanina sa office diba?" Inosenteng tanong ni Dina habang siniko ako para kunin yung atensyon ko.

"Oo!" Sapilitan kong sagot.

"Ang guapo nun ah, swerte mo Michelle!" Muling siko sa akin ni Dina halatang kinikilig. Napailing nalang ako pero di na ko sumagot.

"Mas guapo ako dun noh!" Sagot naman ni Alvin na nasa kaliwa ko. Nasa gitna kasi ako ni Dina at Alvin samantalang nasa harapan ko naman si Sir Anthony at Sir Dariel.

"Parang di naman!" Pang-aasar ni Dina.

"Di naman crush mo nga ako eh!" Pagyayabang naman ni Alvin. Sabay na nagtawanan yung mga tao sa lamesa namin. Samantalang ako sinipa ko si Alvin. Pano ba naman mukang napahiya si Dina dahil nga namula ang pisngi. Pano alam naman ng buong department namin na talagang may crush si Dina sa kanya pero di na niya kailangang ipangalandakan yun samin lahat.

"Dati yun ngayon si Sir Martin na crush ko! Mas hamak na mas guapo siya sa iyo at mas mayaman wala ka sa kalingkingan noh!" Sagot naman ni Dina. Agad kong tiningnan si Dina para siguraduhin kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Mukang naramdaman niya yung tingin ko kaya agad siyang kumapit sa braso ko sabay sabi na,

"Michelle, Type mo ba si Sir Martin?" Di ako nakasagot sa tanong ni Dina kasi ako mismo sa sarili ko di nga ako sure sa nararamdaman ko para kay Martin. Naguguluhan pa ang puso at isip ko.

Peroo tinake ni Dina na "Hindi" yung pananahimik ko kaya agad siyang nagsalita ng:

"Dahil di mo siya type pakilala mo naman ako! Malay mo ito na pagkakataon kong magka boyfriend!" Nagpupungay na mata na sabi ni Dina.

"Okey!" Matipid ko naman sagot. Sa tingin ko naman kasi bihira ng bumalik si Martin sa office if ever pakilala lang naman wala naman siguro akong magiging problema tungkol dun.

"Tama yun pakilala mo si Dina para magdouble date tayong apat." Naka ngising sabi ni Alvin.

"Double date mo muka mo!" Pagalit ko namang sabi. Kahit kailan itong si Alvin ang lawak ng imahinasyun di pa nga ako pumapayad na ligawan niya ko mag double date pa kami. Di sinakal ako ni Martin kapag nakita niya ko nakikipag date sa harapan niya. Muli kong naalala yung sinabi niya sa akin kanina sa conference room bawal na daw akong makipag flirt. Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaki sarap pag-untugin.

"Pwedi kayong magdouble date pero malamang si Michelle at si Sir Martin ang pares at kayo naman ni Dina!" Nakatawang sabi ni Sir Anthony. Muli akong napatingin kay Sir Anthony na natatawa sa akin.

"Bakit kami ni Dina at si Michelle at Sir Martin?" Agad na protesta ni Alvin.

"Pano kasi sa pagkakaintindi ko lang ha, mukang type ni Sir Martin si Michelle eh!" Paliwanag ni Sir Anthony.

"Naku swerte pala ni Michelle pag nagkataon magkaka boyfriend ng mayaman!" Sulsol rin ni Sir Dariel na sumali narin sa asaran.

"BIG TIME! Yan lang ang masasabi ko tungkol kay Sir Martin, kaya wag mo kaming kalimutan Michelle ha!" Sabay tapik sa braso ko ni Sir Anthony.

"Ewan ko sa inyo!" Tanging nasabi ko sabay tayo. Tapos na ko kumain kaya iniwan ko na sila. Ayaw ko ng tinatakbo ng usapan nila.

"Michelle!" Narinig kong tawag ni Dina sa akin. Humahangos siya patakbo sa akin.

"Di mo ba talaga type si Sir Martin?" Inosenteng tanong niya sa akin habang papasok kami sa elevator.

"Wag mo saking sabihin na papalitan mo na yung crush mo!"

"Haha... haha..., actually yes! Pano ba naman ikaw lang ang crush ni Alvin. Malay mo naman may pag-asa ako kay Martin."

Napa iling nalang ako sa sinabi ni Dina, "Pano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ako rin ang type ni Martin". Di ko na siya sinagot tamang tama naman na bumukas na yung elevator kaya nauna na kong lumabas.

"Michelle!" Muling tawag ni Dina.

"Madami pa kong gagawin, kwentuhan nalang tayo sa susunod!" Sabay lakad papuntang table ko.

"Basta pakilala mo ko ha kapag bumalik siya uli dito!" Sigaw niya uli.

"Okey!" Matipid kong sagot. Pagbalik ko sa table agad kong sinimulan ang trabaho. Mabilis na umandar yung oras di ko na namalayan na nagpaalam na yung mga kasamahan ko pero di parin ako tumayo sa lamesa ko hangang tumunog yung cellphone ko.

"Hello!"

"Di ka pa ba baba?"

"Huh?" Pagtataka ko sa sinabi ng tumawag. Dahil nga sa busy ko sa pagtatype sa keyboard ng laptop ko di ko na tiningnan kung sino yung caller. Nung tingnan ko number lang siya kaya tinanong ko.

"Martin?"

"Bakit may iba pa bang sumusundo sayo?" Pagalit niyang tanong din sa akin. Dahil dun napatingin ako sa relo mag seven na pala ng gabi, nawili nanaman ako sa trabaho.

"Wait lang pababa na!" Sagot ko nalang.

"Nasa may east wing parking lot ako. Hintayin kita dito!"

"Okey!" Sagot ko sabay baba ng phone. Agad kong inayos yung mga kalat ng table ko. Nang masiguro kong okey na nagpaalam na ko kay Sir Dariel na di parin umuuwi.

Dumaan muna ako ng CR para mag toothbrust at mag ayos ng muka. Mahirap na baka ma-turn off sakin sabi ko sa sarili ko. Pagdating ko sa parking lot agad kong nakita yung sasakyan ni Martin.

Nang makita niya ko agad siyang bumaba kaya ako naman agad ding lumingon sa paligid pano baka mamaya may makakita sa amin buti nalang walang tao. Mabilis akong lumakad papalapit sa kanya at agad naman niya ko pinagbuksan ng pinto para makapasok ako.

Agad naman niyang sinira yung pinto at lumipat sa driver seat.

"Seat bealt!"

Agad naman akong sumunod.

Mabilis niyang pinaandar yung sasakyan at tuluyan na kaming umalis.

Agad kong tiningnan si Martin habang nag drive ng sasakyan. Nagpalit na siya ng damit naka polo shirt na siya ng puti lalo siyang nag mukang neat and clean. Parang ang sarap yakapit at halikan.

"Bakit?" Tanung niya sa akin nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Pano mo nalaman yung number ko?"

"I HAVE MY WAYS!" Madiin niyang sagot sa akin.

"Okey!" Tanging nasagot ko.

Sabay lingon ko sa may labas ng bintana. Doon ko lang napansin na papunta kaming Manila area na out of way sa akin.

avataravatar
Next chapter