webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

I'm the muse

"Mike! Wag mo ngang inaasar yung ate mo ng ganyan kahit di yan nag aayos tingnan mo naman napaka ganda niyan manang-mana sa akin." Malambing na sabi ni Papa sabay ngiti.

Di ko alam kung matutuwa ako o maiiyak kasi naman yung itsura ni Papa di naman siya pangit pero di rin guapo. Pano maitim si Papa mapagkakamalan mo ngang minsan si Binay ang pinagkaiba lang matangkad si Papa at di malaki ang tiyan. Nakuha namin ni Mike yung kulay namin kay Mama pati hugis ng muka samantalang ang mata namin kay Papa na bilugan. Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang tawa ni Mike.

"Hahaha...hahaha! Di tanggap ni Ate, Pa na kamuka mo siya!"

"Totoo ba yung Michelle?" Malungkot na tanong ni Papa.

"Pa... Alam mong mahal kita at walang duda yun at salamat at sinabi mong maganda ako at sympre wala ding duda dun. Pero wag mo na pong pagpilitan na kamuka kita magagalit si Mama!" Malumanay kong sabi habang nagpapacute kay Papa.

"Bastos na bata!" Sabay hampas sakin ni Papa na di ko inilagan kasi alam ko naman mahina lang iyon. Muli kaming nagtawanang tatlo. Yun kasi yung pang-asar sakin ni Papa ipipilit niya na kamuka ko daw siya.

Ibinaba ako ni Papa sa sakayan ng Bus papuntang Makati.

"Bye Pa! Ingat po!" Kaway ko kay Papa habang lumalayo yung sasakyan niya. Samantalang si Mike kanina pa namin ibinaba sa school niya.

Agad akong sumakay ng bus ng di ko na matanaw yung sasakyan niya. Tamang tama quarter to nine nasa baba na ko ng building namin na agad kong ikinatuwa kasi di ako late.

"Good Morning Ma'am!" Masayang bati sa akin ni Manong Guard.

"Morning din po Kuya!" Magiliw ko ding sagot sabay diretcho sa elevator nasa 5th floor yung office namin. Nagrerent lang si Boss sa building na ito. Pero sinakop naman niya yung buong floor. Kahit papano nasa one hundred fifty employees din kami sa kabuuan pero bihira kaming makumpleto yung iba kasi nasa field karamihan ang natitira sa office yung Admin, Accouting at Warehouse lang kaming mga technical at ang mga sales halos nasa field lagi.

Pag pasok ko sa Office namin agad akong binati ng aming receptionist na si Dina. Mag sing edad lang kaming dalawa. Actually sabay kaming pumasok sa company na ito kung baga batch mate kami kaya medyo close din kaming dalawa.

"Morning Michelle! Musta biyahe?"

"Naku nakakapagod! Siya nga pala pasalubong ko sayo!" Sabay abot ng Chitchacorn na hawak ko at isang key chain.

"Salamat!" Magalang niyang sabi habang tinatanggap yung bigay ko.

"Welcome!" Sagot ko naman habang naglalakad ako papunta sa department namin.

"Ay Michelle nakalimutan ko sabi pala ni Boss punta ka daw sa office niya."

"Ah...okey lagay ko lang gamit ko sa table ko. Salamat!"

Agad akong dumiretso sa lamesa ko pag dating ko andun na yung mga kasama kong mga engineer actually ako lang ang nag-iisang babae sa department namin lahat sila puro barako kaya sabi nga sa office namin

"I'M THE MUSE!"

At lumalapit na yung nagpapangap na escort ko si Alvin.

"Hello Michelle!"

"Hi!" Matipid kong bati sabay abot sa kanya nung pasalubong ko. Hinagisan ko narin yung iba ko pang kasama ng chitchacorn at sabay-sabay silang nagsabi ng Thank you.

"Ako Michelle di baleng wala ng pasalubong basta may kiss lang okey na ko!" Pagpapa-cute ni Alvin sa akin.

"Anong kiss baka gusto mo upakan kita diyan!" Pagbabanta ko!

"Haha...haha! Sabay-sabay na tawa ng iba naming kasamahan.

"Loko-loko ka talaga Alvin di ka pa nga pinapayagang manligaw gusto mo kiss pa!

Upakan mo na kagad Michelle!" Sulsol pa sakin ni Sir Dariel na aming Engineering Head.

"Wait ka lang sakin mamaya, pinapatawag lang ako ni Boss Helen." Pagbabanta ko kay Alvin na nakangiti parin sa akin na kala mo isang aso na nakakita ng buto. Agad akong lumabas para pumunta kay Boss malamang magtatanong lang naman iyon tungkol sa lakad ko.

"Knock... knock!" Katok ko sa pintuan ng opisina ni Boss Helen.

"Pasok!" Sigaw naman nung nasa loob kaya agad kong pinihit yung door knob para tuluyang makapasok.

"Morning Boss!" Magalang kong bati kay Boss Helen na naka upo sa executive chair sa gitna ng office table niya.

"Morning! Upo ka!" Sabay turo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Kamusta yung project sa Laoag?" Tanong niya sa akin nung makita niyang nakaupo na ko.

"Okey naman na po Boss na settle naman na po. Gagawin ko po yung report mamaya tapos submit ko nalang kay Sir Dariel." Agad ko namang sagot.

"Okey! Siya nga pala tumawag sakin si Martin kaninang umaga. Mag send daw siya sakin yung floor plan para dun sa may Pagudpod na project sayo ko na saiyo ko na iyon iaasign. Wait ko nalang yung email. Check mo kagad kasi according kay Martin rush yung project para makapag submit tayo kagad ng proposal."

"Pano po iyon Boss may Laguna po ako mamaya at sa tantiya ko baka abutin kami ng three to four days bago matapos sa site. Baka pwedi sa iba mo nalang muna siya ipasa" Agad kong tangi sa totoo lang kumabog yung dibdib ko ng banggitin ni Boss yung pangalan ni Martin. Pero ayaw ko na sanang magkaroon pa ng interaction sa kanya. Hanggat maari kung kayang iwasan pipilitin kong iwasan. Mahirap na kasing umasa.