74 I'M SORRY

Mabilis akong binitbit ni Martin papasok sa kwarto niya. Pag dating dun agad niya kong inihagis sa kama kaya di maiwasang mag bounced ako pero di naman ako nasaktan dahil sobrang lambot ng kama niya.

Nakatayo sa paanan ko si Martin habang naka tihaya naman ako na nakataas pa yung dalawang kamay. Para akong isang prey na handa ng salakayin ng predator.

Napaka intense ng pagkakatitig sa akin ni Martin kaya di ko mapigilan hilahin pababa yung polo shirt ko bahagya kasing umangat nung inihagis niya ko. Mahirap ng ma-provoke siya sa kunting balat na makita niya.

"Anong balak mong gawin?" Matigas kong tanong.

"Di ba gusto mong maki pag break sa akin?"

"So... Anong... gagawin...mo?" Pautal-utal kong tanong pano nagtangal na siya ng butones ng damit niya. Mabilis na ang tibok ng puso ko lalo na ng makita ko na yung dibdib niya.

"Dahil gusto mong maki pag break sakin may kailangan muna akong tikman!" Sabay hagod ng tingin sa akin mula ulo hangang paa.

"Anong titikman mo?... ah... Martin!" Di pa ako natapos mag tanong ng bigla niya kong patungan naka top less na siya Napakalakas ng sigaw ko buti na lang kami lang dalawa sa bahay niya kundi iisipin nila kung napapano na ako. Pero sabagay mukang may balak na masama si Martin sa akin kaya mabilis ko siya pinaghahampas sa dibdib sa braso ewan ko kung pati ulo niya natamaan ko paano naka pikit ako habang ginagawa yun pati paa ko nagpapadyak para lubayan niya ko.

Para mapigilan ako sa patuloy na pananakit sa kanya hinawakan niya yung dalawa kong kamay sabay taas sa uluhan ko. Kaya di ko mapigilang magmulat ng mata para tingnan siya.

"Martin anong binabalak mong gawin? Baka nakakalimutan mo nangako ka sa mga magulang ko na ihaharap mo ko sa simbahan ng malinis! Kaya tumigil ka na!" Pagbabanta ko sa kanya ginamit ko na yung magulang ko para kahit papano matauhan siya at di na mag isip ng kahalayan dahil na ngako siya sa kanila.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Michelle?"

"Anong pinagsasabi ko di ba balak mo kong rapen?"

"Anong rapen pinagsasabi mo!" Sabay pitik sa noo ko.

"Eh ano yung sinasabo mong gusto mong tikman saka bakit ka naghubad?" Mabilis kong tanong sa kanya habang pinasadahan ko ng tingin yung mala Adonis niyang katawan.

"Gusto ko lang tikma ito!" Sabay kabig ng ulo ko at hinalikan yung labi ko agad niya ibinuka yung bibig ko at ipinasok yung dila ko. Naramdaman kong sinisipsip niya yung laway ko na akala mo may gusto siya lasa dun. Nung matapos yung halikan namin agad siyang nagsalita.

"Masarap pala yung choco moose cake!" Sabay punas sa labi ko na basa pa ng laway na di ko alam kung sa akin ba o sa kanya.

"Baliw ka talaga! Kung sinabi mong gusto mong tikman yung cake di sana binigyan na lang kita. Hindi yung sa laway ko pa ikaw kukuha ng lasa!"

"Mas masarap kaya tikman sa labi mo! Bakit ano ba iniisip mo ha?" Pang aasar niya sa akin sabay kabig sa kin papalapit sa kanya.

"Eh... bakit ka kasi naghubad ng damit?Magbihis ka nga!"

"Nadumihan kasi kanina pag kain natin. Di mo ba napansin may patak ng sauce?" Mabilis niyang dinampot yung hinubad niyang damit at ipinakita sa akin ang dumi. Naka upo na siya sa gilid ng kama habang winawasiwas yung damit niya na parang nang aasar. Mabilis na rin akong tumayo at hinampas ko siya sa braso.

"Bakit kasi dinala mo ko dito sa kwarto? Kaya kung ano-ano naiisip ko!" Sabay muling hampas sa kanya. Bigla siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"Madumi lang isip mo! Gusto mo na kasing umalis kanina kaya dinala kita dito para di ka maka takas!" Iniwan niya akong naka upo sa kama at kumuha na siya ng malinis na damit sa aparador at nagsimula ng mag bihis.

"Sows... pwedi mo namang sabihing hintayin kita di yung bubuhatin mo ko na para kang gagawa ng kalokohan." Sagot ko naman sa kanya at muli akong humiga sa kama para di ko makita yung pagbibihis niya pano feeling ko inaakit niya ko.

"Pano mo ko hihintayin eh di ba nga gusto mo ng maki pag break sa akin? Oo nga pala Makikipag break ka sakin?" Tanong niya sakin habang bumalik sa pwesto ko naka tayo na siya paanan ko at naka hawak pa sa magka bilang baywang na parang tatay na nagmamando sa anak.

"Anong pinagsasabi mo?" Maang maangan kong tanong na parang di ko alam yung sinasabi niya.

"Anong pinagsasabi ko? Hindi mo alam!" Mabilis siyang yumuko sabay kiliti sa baywang ko.

"Martin... hahaha... hahaha... tama na! haha...haha!"

"Makikipag break ka pa sa akin?" Tanong niya sa akin habang patuloy akong kinikiliti.

"Hindi na! haha... haha...!

"Ano di ko marinig?"

"Hindi na nga di na ko makiki pag break! Tama na!" Sigaw ko sa kanya habang nagmamaka awa para tigilan na niya.

"Michelle!" Mahinang tawag sakin ni Martin habang naka titig sa mga mata ko.

"Hmmm!" Tanging sagot ko.

"Wag mo ng sasabihin yun uli ha! Yung pakiki pag break sa akin!"Sabi ni Martin sa akin na full of sincerity. Pinunasan pa niya ng hinlalaki niya yung namuong luha sa mata ko dahil sa katatawa kanina.

"I'M SORRY!" Sabi ko sa kanya sabay hawak sa dalawang pisngi niya para malaman niya seryoso din ako sa paghingi ng tawad. Inilapit ni Martin yun labi niya sa labi ko na agad ko namang tinanggap. Naghalikan kami ng halos isang minuto bago kami naghiwalay ang muka namin. Naka tukod yung dalawa niyang braso sa gilid ng ulo ko habang ako naka hawak parin sa dalawang pisngi niya.

"Masarap talaga yung chocolate moose cake na kinain mo kanina... sobrang sarap!" Pabiro niyang sabi habang paulit ulit akong hinahalikan. Agad akong napa ngiti dahil sa rason niya para lang maka halik.

"Magsawa ka sa katitikim!" Pag anyaya ko sa kanya kaya maka ilang beses niyang inulit yung pag smack sa labi ko. Nang mapagod isinubsob niya yung muka niya sa pagitan ng leeg at balikat ko

habang mahigpit niya kong yakap. Samantalang ako nakayakap yung isang kamay ko sa baywang niya at yung isa ay humahaplos sa buhok niya parang inaalo ko siya para mawala lahat ng alalahanin niya tungkol sa relasyon naming dalawa.

avataravatar
Next chapter