148 I'm Feeling Insecure

Napa iling na lang ako at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Di ko lang akalain na may number si Martin ng bawat myembro ng pamilya ko.

"Nak, alam mo naman boto kami kay Martin para sayo. Kaya kung feeling mo na gusto mo ng bumuo ng sarili mong pamilya wala naman problema samin yun at susuportahan ka namin."

Pahayag ni Papa habang naka tingin sa akin.

"Parang gusto-gusto niyo na talaga akong umalis dito sa bahay!" Malungkot kong sabi. Feeling ko kasi pinagtatabuyan na nila ako.

"Obvious ba Haha... haha...!" Tuwang-tuwang sagot ng kapatid ko.

"Busog na ko!" Di ko na natiis at tuluyan na kong umalis. Di ko alam kung ginagayuma ba ni Martin yung pamilya ko na parang botong-boto sila sa kanya. Sinundan na lang ako ng tingin ng tatlong naiwan sa lamesa paakyat sa taas.

Muli akong nagkulong sa kwarto ko habang naka tingin sa puting kisame.

"Dapat na ba akong mag-asawa?"

"Si Martin na ba ang lalaki para sa akin?"

"Handa na ba akong bumuo ng pamily?"

"Kaya ko bang maki bagay sa mundo niya?"

Yan yung mga tanong ko sa sarili ko na di ko malaman kung anong sagot.

"Hays!" Buntong hininga ko. Dahil nga kagigising ko lang alang naman matulog ako uli kaya nag browse muna ako sa messager ko. Naisip kong kamustahin yung mga college friend ko pampalipas oras.

"Kamusta naman ang buhay-buhay?" Chat ko sa group.

Bale sa group na yun apat kaming member si Anna yung bestfriend ko at kapatid ng Ex kong si Christopher na kasalukuyan ng nasa America. Si Nina na happily married na at may isang anak. Si Annalyn naman single parin pero nasa Cebu siya ngayon naka distino kaya bihira kaming mag-usap apat.

"Ito sexy parin!" Message ni Anna.

"Buti ka pa!" Sagot ni Nina. Simula kasi nung nag-asawa ito medyo naging chubby na kaya medyo insecure na sa katawan pero sa ganda di parin papatalo.

"Atleast maganda ka parin @Nina!" Sagot ko naman.

"Naman @Michelle!" Sagot ni Nina sa akin.

"Anong meron at di ka ata busy @Michelle?" Tanong ni Annalyn sa akin.

"Pinag one week vacation ako ng Boss ko! Sobrang sipag ko na daw kasi kaya need ko daw munang magpahinga!"

"So... naalala mo lang kaming kamustahin dahil wala kang trabaho?" Nagsend pa ng sad emojies para imapkitang nalungkot siya.

"Drama mo!" Sagot ko naman.

"By the way what's new sayo inday @Michelle?" Tanong ni Nina

"Wala naman still the same!"

"Wag mong sabihing hinihintay mo parin yung Kuya ko Michelle?" Tanong ni Anna.

"Pwedi ba Anna may boyfriend na ko and take note masyado siyang guapo kumpara sa kapatid mo!" Pagyayabang ko.

"Woahhhh naka move-on na si Ateng! Cheerssss!" Reply ni Analyn.

"Naman.... MATAGAL NA!" Caps lock ko pa yung matagal na kasi yun naman ang totoo na naka move on na ko kaya lang kasi wala pa kong oras makipag relasyon kaya medyo matagal din bago ako nag boyfried masyado lang talagang persistent si Martin kaya nahuli niya ko.

'Congrats naman! Baka naman balak mong pakilala samin o kaya kahit patingin naman ng picture pasa masabi namin kung talaga bang mas guapo ka Christopher!" Pambubuyo ni Nina.

"Oo nga mahirap maniwala sa sabi-sabi patingin naman ng picture!" Sulsol din ni Analyn.

"Wag na baka main-love pa kayo! Haha... haha...!"Pang-aasar ko sa kanila.

"Style mo Michelle sabihin mo di mo pa talaga nakakalimutan si Kuya!" Wika ni Anna.

"Meron na talaga ako boyfriend!" Nahihiya kong sabi

"Anong name?" Tanong ni Nina.

"Oo anong name?" Segunda ni Annalyn.

"Martin yung name niya."

"Wow mukang yayamanin ang name ah!" Papuri ni Anna pero halatang nang aasar.

"Ilang buwan na kayo?" Muling tanong ni Nina. Mukang intresadong intresado siya sa buhay pag-ibig ko.

"Actually four months palang kami."

"Ah... talaga, okey na din! Pero patingin naman ng picture para makilatis ng mabuti." Pang-aasar uli ni Anna. Agad akong nag sroll ng mga picture ni Martin sa phone ko para sana send sa mga kaibigan ko para mawala rin yung mga pagdududa nila.

"Asan na?" Message uli ni Anna halatang naiinip

"Ang tagal ah!" Reklamo ni Annalyn.

"Wait lang nag photoshop pa ko! Haha...haha....!" joke ko pero wala pa kasi akong makitang picture na pweding send lahat kasi ng shot ni Martin sa phone ko ay puro magaganda kaya di ako makapili ng dapat i-send.

"Wag yung masyadong guapo baka agawin namin yan!" Pagbabanta ni Nina.

"Sumbong kita kay Robert hahahha!" Pang-aasar ni Anna. Si Robert yung asawa ni Nina ikinasal sila pagkatapos naming mag college. Since high school on relationship na silang dalawa, nakaka tuwa nga kasi nauwi sila sa kasalan at kasalukuyan ng may isang anak si Robie yung inaanak naming tatlo.

Dahil sa pag urge nila sakin kaya sinend ko nalang yung picture ni Martin na naka t-shirt ng puti at naka pantalon habang naka upo sa hood ng kotse niya may kausap siya nun sa phone. Stolen shot ko yun sa kanya nung lumabas kami minsan para kumain sa labas ng may biglang tumawag sa kanya kaya napilitan siyang lumabas dahil sa ingay ng restaurant para sagutin yun. Gustong-gusto ko yung picture niya na yun kasi nga bukod sa napaka guapo niyang tingnan dun eh napaka kalmado rin niya napaka manly at lahat ng babae sa paligid ay di mapigilan mapatingin sa deriksyon niya.

Pag send ko ng picture di kagad nag react yung mga girls mukang kinikilatis nilang mabuti yung picture ni Martin at hinayaan ko lang silang munang magreact.

"Kaninong profile pic itong ninakaw mo?" Bintang ni Anna sa akin.

"Anong ninakaw pinagsaabi mo? Bakit ang guapo ba?" Kinikilig kong sabi halatang proud ako sa boyfriend ko.

"Ang guapo girl!!!! Saan mo ito nakuha?" Tanong ni Nina halatang exited.

"Anong gayuma ginamit mo?" Message ni Annalyn.

"Grabe ha! Feeling niyo talaga wala akong karapatang mag boyfriend na ganyang ka guapo bakit pangit ba ko?" Pagdadrama ko. Naglagay pa ko ng crying emojie para malaman nilang nasasaktan ako.

"Di nga Michelle boyfriend o ito?" Muling tanong ni Annalyn.

"Oo nga boyfriend ko."

"Pakasalan mo na kagad Michelle baka mauntog!" Wika ni Anna.

Ayun nanaman ang salitang kasal. Alangan ba talaga ako kay Martin? Natanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa picture naming dalawa na nasa ibabaw ng side table ko. Kung pagbabasihan yung look okey lang kaming dalawa pero in terms of financial status, environment and group of people na nakakasalamuha magkalayo nga kaming dalawa.

Di ko tuloy malaman yung nararamdaman ko I'M FEELING INSECURE! kahit alam ko naman na binibiro lang ako ng tatlo.

avataravatar
Next chapter