135 I'm 100% VIRGIN

"Gusto mo Ma breakan ko na lang si Martin para di ka na mag-alala?" Naka ngiting tanong ko kay Mama pero di ako dun seryoso pinapagaan ko lang loob niya.

"Di naman sa ganun anak, hayaan mo na nga lang! Wag mo na kong pansinin" Sabay tayo niya para sana lumabas na pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.

"Ma... alam mo naman diba wala akong ginagawang masama kaya wag mo ng isipin yun. Normal na lang sa kapitbahay natin na manghusga hayaan mong lumawit ang dila nila sa kakadaldal basta ang importate sakin ikaw si Papa at si Mike alam nyo na di ako ganun, diba Ma?"

"Tama yun anak, kaya kahit anong marinig mo wag mo silang pansinin ha!" Sabi ni Mama sakin habang hinaplos niya yung buhok ko.

"Opo Ma!" Magalang kong sagot sabay ngiti.

"Pero sa susunod sabihan mo si Martin ha na wag na masyadong mag-abala pa. Kahit di na siya magregalo okey lang naman samin. Boto na kami sa kanya."

"Hay naku Ma! Lalaki na ulo nun kapag narinig ka niya!"

"Di naman niya ako naririnig!" Ganting asar ni Mama na parang bata.

"Sasabihin ko!"

"Di ko naman aamini!"

"Para kang bata Ma!"

"Ikaw ang parang bata!" Sabay pingot sa akin.

"Aray ko naman! Asaran lang kasi walang sakitan!" Reklamo ko habang hinahaplos ko yung tengga ko. Minsan talaga nagiging sadista ito si Mama eh.

"Isang bagal lang Michelle ang paki usap ko wag kang humingi kay Martin okey lang kusa siyang magbigay wag ka lang magdedemand." Muling pangaral niya.

"Opo Ma! Tatandaan ko po!" Naka simangot kong sagot.

"Eh bakit parang tagos naman sa ilong yang sinasabi mo?"

"Paano balak ko pa naman sanang humingi ng house and lot sa forbs tapos isang sports car yung red! Paano ko yun gagawin kung ayaw mo kong humingi!"

"Ikan na bata ka ano na lang iisipin ng pamilya ng nobyo mo kung malalaman nila yang hihingin mo!" Sigaw ni Mama sa akin habang kumukuha ng walis.

"Mama naman binibiro lang sineseryoso!" Reklamo ko sabay iwas sakanya kasi alam ko talaga hahatawin niya ako eh.

"Eh bakit ka tumatakbo?"

"Manghahampas ka eh!"

"Magwawalis lang ako!"

"Naku Ma, tigilan mo ko alam ko yan! Kilala na kita ever since haha...haha.. akala mo maiisahan mo ko!" Sagot ko sa kanya habang nasa may pintuan na ko ng kwarto ko.

"Ah ganun... halika nga ditong bata ka ano yang nasa leeg mo?" Tanong ni Mama sakin habang iwinawasiwas yung walis papunta sakin.

"Wala ito Ma! Kinamot ko lang ito wag ka ngang tamang hinala! Ma....!" Sabay takbo pababa hanagdan samantalang si Mama ay naka sunod sa akin. Mabilis akong pumasok sa kwarto nila ni Papa para magpakampi kay Papa.

"Ano bang kalokohan nanaman yan?" Galit na tanong ni Papa dahil nga naistorbo ang pagtulog niya.

"Si Mama pa basta na lang namamalo!" Mabilis kong sumbong.

"Tingnan mo yang nasa leeg ng anak mo!" Singhal ni Mama sa akin.

"Ano bang nasa leeg ko?" Pa inosente kong tanong pero sa loob ko minumura ko na si Martin dahil nga sa pagmamadali ko kanina di ko yun napansin. Pero sobrang di halata siguro napansin ni Mama nung magkalapit kaming dalawa.

"Maang-maangan ka pa may kiss mark ka sa leeg!" Sigaw ni Mama parang mababasag yung ear drum naming dalawa ni Papa sa sigaw niya. Mabilis akong tiningnan ni Papa na para na rin niya ko lulunukin ng buo.

"Kinamot ko nga lang ito Ma! Saka pano mo nasabing kiss mark ito binigyan ka din ba ni Papa nito dati?" Pagrarason ko.

"Manahimik ka nga diyan Michelle! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo!" Sabi ni Mama sa akin pero parang kumalma siya ng kaunti.

"Paano naka kita lang na may pula sa leeg kiss mark kagad!" Protesta ko na parang aping-api.

"Tingnan ko nga kung kiss mark!" Singit ng magaling kong kapatid na sumali narin sa usapan namin marahil narinig niya yung sigaw ni Mama kaya pumunta na rin dun sa kwarto. Agad ko siyang tiningnan ng masakit pero parang di naka intindi lumapit pa sakin at sinisilip yung leeg ko dahil sa inis ko tinadyakan ko yung paa niya.

"Sasali ka pa talaga ha!"

"Aray ko bakit kaba nanakit? Ako nga magpapatunay na tama si Mama!" Sambit ni Mike.

"Ah ganun tama si Mama halika rito tatamaan ka sakin!" Muli kong sipa ka Mike.

"Ma... oh si Ate nanakit nanaman!" Reklamo ni Mike sabay tago sa likod ni Mama kasi dun lang ang safe heaven niya dahil bubugbugin ko talaga siya.

"Michelle!" Muling sigaw ni Mama.

"Ma, gabi na nakakahiya sa tao wag ka ng sumigaw!" Pagmamaka-awa ko.

"Magsabi ka ng totoo may nangyari na ba sa inyo ni Matin?"

"Wala Ma!"

"Magsabi ka ng totoo?" Muli niyang sigaw.

"Nagsasabi nga po ako ng totoo walang nagyari samin." Naiiyak kong sagot kasi yun naman ang totoo wala naman talaga diba. Natutulog lang naman kaming naka hubad and kini-kiss lang naman niya ako all over my body pero buo parin naman yung Hymen ko yun ang importante.

"Sigurado ka?"

I'M 100% VIRGIN!" Sigaw ko. Natahimik si Papa, Mama at Mike sa sagot ko.

"Bumalik na kayong dalawa sa kwarto niyo at gabi na may pasok pa bukas!" Sabi ni Papa. Nung marining ko yung agad akong kumaripas ng takbo baka mamaya sabihin ni Mama "Sige maghubad ka nga tingnan ko katawan mo" Eh di patay ako kasi virgin pa yung ***sy ko pero puro kiss mark ang dibdib ko. Kaya pagkakataon ko na yun para makatakas kaya agad akong sumunod.

Pagdating ko sa kwarto agad kong ni-lock ang pinto para siguradong di makaka pasok si Mama baka mamaya mag interrogate naman siya patay na talaga ako. Pero di muna ako umalis sa may pintuan at pinakikinggan ko baka umakyat uli siya pero ng makalipas ng ilang minuto wala naman umakyat malamang pinatulog na ni Papa.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil naka ligtas ako. "Humanda lang talaga itong Martin na ito bubugbugin ko talaga ito habang hinahanap ko yung sinasabi ni Mamang kiss mark. Nilagay pala ng ungas sa may ilalim ng tenga ko. Kung ilulugay ko lang ang buhok ko di siya mapapansin pero dahil nga pinulupot ko yung buhok ko na parang korona kitang-kita siya lalo pa kung titingnan mo ko ng naka side view.

avataravatar
Next chapter