277 Fun

"Buti naman naka balik na kayo, tara na!" sabi ni Nina ng makita kami at agad na silang tumayo ni Analyn.

"Wait lang di pa nga tapos yung iniinom niyo!" Sabi nung isang lalaki na may katabaan na hinawakan pa si Analyn para di maka alis.

"Oo nga sayang naman ito! Isa pa binayaran na namin ito kaya sana ubusin niyo!" sabi ng lalaking pandak na mukang buda sa laki ng tiyan.

"Pasensya na po ah, malayo pa kasi kami kaya di pweding magpakalasing!" Naka ngiti kong sabi pero alerto na ko kasi mukang gulo yung dala nila samin.

"Don't worry babay hatid nalang namin kayo kaya kahit magpakalasing kayo okay lang!" Sabi nung lalaking nagrequest ng kanta sakin ang masaklap pa ay gusto akong akbayan at dahil nga mas matangakad siya madali lang iyon sa kanya pero di ko siya pinagbigyan, bago pa dumapi yung kamay niya sa balikat ko ay mabilis akong yumuko at umiwas.

"Sorry pero kailangan na naming umalis! tara girls!" sabi ni Anna na mabilis kaming senenyasan.

"Tara!" sagot ko pero mukang di nakaka intindi yung mga lalaki at agad kaming hinarang.

Nagkatinginan kaming apat, nakita kong kumuha na si Analyn at Nina ng bote ng beer sa lamesa dahil abot nila yun. Kami naman ni Anna ay nanatiling naka tayo ng tuwid at nakikiramdam kung anong balak nilang gawin.

"Girls wala naman kaming intensyong masama, we just like to have fun." sabi ng lalaking pinaka pangit sa kanilang lahat pero sa tingin ko siya yung pinaka mayaman base sa suot niyang damit at alahas sa katawan.

"Sorry boys pero tapos na kaming magsaya and we need to rest so if you don't mind will you excuse us!" Masungit ko ng sabi.

"Di ganun kadali yun babe lalo pa nga at ininom mo na yung regalong beer namin sa inyo!"

"Haha... haha... kung yan ang dahilan para bulabugin niyo kami, kaya namin yang bayaran kahit isama pa yung alak na ininom niyong anim!" mayabang na sagot ni Anna.

"Mukang mayabang ka ah, buti nalang sexy ka kundi naku!" sabi ng mukang goons kay Anna habang sinisipat siya muka ulo hanggang paa.

Dahil nga medyo sulok yung table na napili namin kanina di pansinin yung nangyayari pero sa dami ng tao malamang kahit papano may tutulong samin if ever magsimula yung gulo at humingi kami ng tulong.

"Alam niyo girls di naman kailangan maging harsh kayo samin. Andito lang naman kami to have a friendy chit-chat. Alam mo naman gusto din namin makipag kwentuhan sa mga magagandang dalaga!" sabi nung pina mayaman sa kanila.

"Pasensya na po, sadyang kailangan na namin umuwi at dahil tumatawag na yung anak ko at hinahanap na ko!" sabi ni Nina sabay pakita ng picture ni Robie na karga-karga niya.

"Ah okay, so pwedi ka ng umuwi!" sabi ng mukang goons.

"Thank you!" sagot ni Nina, sabay hila kay Analyn.

"Wait!" sabi uli ng leader nila.

"Bakit?" takang tanong ni Nina.

"Sabi ko ikaw lang pweding umuwi at di mo sila kasama!" paglilinaw ng lalaki.

"Di naman pwedi yun, kasama ko sila pumunta dito kaya dapat kasama ko rin silang umuwi!"

"Eh di sumama ka narin!" sagot nito sabay tayo, pagkatapos nun ay agad nila kaming hinawakan pero mabilis akong naka iwas at ganun din sila Anna, Analyn at Nina.

"Takbo!" Sigaw ni Anna kaya mabilis kaming kumaripas pero dahil nga medyo tumaba na si Nina at malamang di narin nag eexercise kaya ayun nadapa nung sumabit yung paa sa upuan.

"Nina naman!" tanging nasabi ko habang tinutulungan ko siyang makatayo. Yung dalawa nauna na samin biglang huminto para sana balikan kami pero agad ko silang sinenyasan na magpatuloy para maka hingi ng tulong kung sakali pero di nila ako naintindihan at mabilis na bumalik.

Nagkagulo na kasi pagbalik ng dalawa agad silang hinarang ng dalawang lalaki at dahil nga ayaw nila magpasakop agad silang lumaban. Nakita kong may binayagan si Anna sa isa sa mga lalaki, napapikit ako kasi nga malamang sobrang sakit nun.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng lalaki samin at pinalibutan na kami kasama yung iba pang dalawang kasama niya ni Nina nung makatayo na kaming dalawa.

"Uuwi!" naka ngiti kong sabi. Tatlo-tatlo ang labanan. Tatlo samin at tatlo din kina Anna at Analyn.

"Alam mo babe wag na natin palalain yung sitwasyon, masasaktan lang kayo!" sabi nung pinaka leader nila sakin.

"Di ba napaka sagwa naman ng ginagawa niyo na pinagtutulungan niyo yung mga harmeless girls na kagaya namin?" pangungunsensya ko.

"Oo nga mga Sir, hinahanap na po ako ng anak ko!" pagdadrama rin ni Nina.

Samantalang sa kabilang grupo nagbabakbakan na si Analyn kasi is black belter at kahit si Anna meron ding alam sa self defence. Tiningnan ko si Nina na nanginginig na yung kamay alam kong kinakabahan na siya.

"Paalisin niyo na yung kaibigan ko!" sabi ko kasi kung wala si Nina mas madali lang sana.

"Binigyan na namin siya ng chance kanina pero di siya umalis kaya sorry babe di na kita mapapagbigyan." habang nagsasalita yung leader ay dahan dahan siyang lumapit sakin.

"Bahala na!" tanging nasabi ko bago ko siya itinulak ng buong lakas papunta sa dalawa niyang kasama at pagkatapos nun agad kong hinawakan si Nina para makalayo pero mabilis yung pagkilos nung isa at nahawakan ako sa braso.

"Tulong!" sigaw ni Nina.

"Sorry sweetheardt walang tutulong sa inyo dito! Alam mo bang ako ang boss dito!" sabi nung pinaka leader na itinulak ko.

Ngayon ko lang napagtanto kaya pala ang lakas ng loob ng mga pangit na ito mangulo.

Napa tingin ako sa dereksyon nila Anna at Analyn. Hawak-hawak na ng isang lalaki si Anna, samantalang si Analyn ay nakikipag balyahan parin.

"Bwisit!" tanging nasabi ko.

"Michelle!" tawag sakin ni Nina na nasa likod ko habang naka kapit sa damit ko.

"Don't worry ako, makakaalis tayo!" sabi ko kay Nina.

Palapit sila ng palapit samin habang kami ni Nina at patuloy na umaatras. Nag-iisip ako ng pweding gawin para maka-alis pero napaka layo namin sa pintuan. Paglingon ko sa paligid ay unti-unting pinapalabas ng mga waiter yung ibang mga nasa loob kaya lalo akong kinabahan.

"Come on babe let's have fun!" sabi ng leader at sabay-sabay ailang nagtawanan.

"Fun with your self!" sagot ko sabay bato ko sa kanya ng nahawakan kong bote ng beer.

avataravatar
Next chapter