211 Fuck Off

"Uwi na ko! Busog na ko eh!" Sabi ko ng matapos kong i-shot yung pinagkainan ko sa basurahan. Hinimashimas ko pa yung tiyan ko para ipakita sa kanya kung gaano kadami yung nakain ko.

"Sumakit sana tiyan mo!" Sagot ni Martin sa akin na nagmamaktol parin kasi nga kumain ako ng fast food at di ko siya pinansin kahit anong gawin niyang protesta.

Dinampot ko na yung bag ko na naka patong sa sofa.

"Saan ka pupunta?" Galit niyang tanong habang tinitingnan ako ng masama.

"Uuwi na!"

"Bakit ka uuwi?" Tanong niya sa akin.

"Bakit di ako uuwi?" Takang tanong ko din sa kanya.

"Wala akong kasama dito!"

"Anong wala? Daming Nurse dito saka at Doctor, Paano ka mawawalan ng kasama?" Habang kumakain kasi ako ilang nurse yung lumabas at pumasok sa kwarto niya para magcheck ng dextros, magpainom ng gamot at kung ano-anong test. Di ko nga lang alam kung neccessary ba yun or paraan lang yun ni Elena para di kami maiwan ni Martin.

Speaking of the devil siya na yung pumasok.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Very sweet niyang tanong kay Martin.

"Pwedi ba lumabas ka!" Anggil ni Martin na lalaong nagalit nung makita si Elena.

"I'm your attending Doctor kaya kailangan kitang bisitahin para masigurado kong okey ka at mamaya kasi kung ano-anong pagkain ang pinapakain sayo."

"Huh? Excuse me kahit humingi siya ng kinakain ko di ko siya bibigyan." Mayabang kong sagot na umani ng masakit na tingin mula kay Martin pero sa halip na matakot ako muli ko siyang dinilaan para lalong asarin.

Dahil nga bitbit ko na yung bag ko, agad na kong lumakad palabas ng pinto.

"Michelle!" Mabilis na tawag ni Martin sakin.

Nilingon ko lang siya at tuluyan parin akong lumabas pero bago pa ko maisara yung pinto ay may narinig akong kumalabog kaya muli akong lumingon at nakita ko si Martin na bumagsak mula sa kama niya.

"Anong ginagawa mo?" Sabay balik papunta sa kanya.

Nakita kong inalalayan siya ni Elena para sana makatayo pero agad niya itong itinulak at dahil nga naka takong yung isa agad itong tumumba. Marahil di niya na anticipate na gagawin iyon ni Martin kaya as in plaka siya ang masaklap lang dahil naka dress siya labas yung panty niya at para di yun makita ni Martin agad kong hinarangan yung view ni Martin at buti na lang din di man lang siya tiningnan nung isa.

"Ano bang ginagawa mo?" Muli kong tanong kay Martin habang niyakap ko siya sa baywang para maka tayo siya at maibalik ko siya sa kama.

"Saan ka pupunta?" Galit parin niyang tanong sa akin nung maka upo na siya sa kama. Dahil nga sa matagal siyang nawalan ng malay kaya medyo wala pang pwersa yung mga binti niya kaya siya natumba.

"Lalabas muna sana ako saglit para naman mabigyan ko ng pagkakataon si Elena na akitin ka!" Pagbibiro ko, actually wala naman talaga akong balak na umalis inaasar ko lang si Martin kung ano yung magiging reaction niya.

"Di nga niya ako naakit kahit pinainom na niya ko ng Sex drugs, ngayon pa ba na nadetox na yun sakin."

"Malay mo ba nilagyan niya yung dextros mo!" Pagbibiro ko uli habang inaayos ko siya para makahiga sa kama. Nag-uusap kaming dalawa na para bang yung taong pinag-uusapan namin ay wala sa tabi namin para siyang invisible saming dalawa ni Martin.

"Di ko yun ginawa!" Sigaw niya nung di na ata maka tiis. Agad ko siyang niligon, naka tayo na siya at naayos na rin niya yung sarili niya. Di gaya ko na parang walang paki ang turing kay Elena si Martin parang gusto na niyang patayin ito sa pagkakatingin.

"Yun naman pala Hon, di naman pala niya yun ginawa!" Bahagya ko pang hinampas yung braso ni Martin para mabaling yung tingin niya sa akin, kasi kahit alam kong galit yung nararamdaman niya para sa isa ayaw ko parin bigyan niya ito masyado ng pansin.

"Tama di ko yun ginawa!" Pagsang-ayon ni Elena sakin.

Di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak kasi napakababa ng EQ niya kaya muli akong nagsalita.

"Kaya nga eh niya yun ginawa kaya nga sinundan ka niya sa CR, akalain mo Hon kahit sa CR payag siya. Ew... kadiri paano kung may biglang pumasok dun di ka man lang dinala sa kwarto. Ang cheap mo Hon, pang CR ka lang! Haha...haha!"

Di ko mapigilan ang tawa ko kasi naiisip ko lang paano kung talagang pinatulan siya ni Martin talagang papayag na siya sa CR lang siya tirahin nito.

"Kadiri!" Sigaw ng isip ko.

"Asa naman siya na papatulan ko pa siya kasi kahit anung gawin niya di ko na siya babalikan." Comment ni Martin.

"Wala kayong ebedensiya kaya wag niyo kong paratangan!"

"Pasalamat ka na nga lang wala kaming ebedensya pero maghintay ka lang dahil sa oras na makakuha na ko ng patunay na ikaw ang may pakana nun titiyakin kong makukulong ka at patatangal ko talaga yang lesensya mo... DOKTORA!" Bangit ni Martin na nagpupuyos sa galit kung di lang talaga babae si Elena malamang nasuntok na niya ito. Tiningnan pa niya si Elena mula ulo hanggang paa habang pinagbabantaan siya.

Nakita kong nanginig si Elena dahil si sinabing iyon ni Martin, gusto pa sana niyang magpaliwanag pero bumuka lamang yung bibig niya at muli niya uling isinara. Tumulo yung mga luha sa magkabilang mata niya pero di man lang lumambot yung puso ni Martin sa halip muli lang siya nitong sinigawan.

"FUCK OFF!"

Kaya dali dali ng tumakbo si Elena palabas at muntik pa ngang matampilok. Di na niya nagawang isara yung pinto kaya ako na ang lumapit dun para isara iyon.

"Hays!" Buntong hininga ko.

Ganun ba talaga niya kamahal si Martin para magpakababa siya ng ganun. Marami pang lalaki sa mundo, bakit di kaya siya maghanap ng iba? Yun ang mga tumatakbo sa isip ko ng magsalita si Martin.

"Anong iniisip mo?"

"Huh? Ah wala naman!" Sabay ngiti ko sa kanya.

"Bakit andiyan ka pa rin sa pinto?" Doon ko naalala na nasa may pinto parin pala ako naka tayo habang naka sandal at nag-iisip.

"Balik mo na yung bag mo dun sa upuan." Utos niya sa akin. Kalmado na siya uli na parang di siya nagalit kanina.

avataravatar
Next chapter