388 Chapter 388

"Anong iinumin mo?" tanong ni Zaida sakin nung maka upo na kami sa upuan. Nasa ground floor lang kami kasi nga bagong bukas lang yung bar na ito ni Jerold kaya kami nandito para suportahan yung business niya.
"Beer nalang sakin!" mahina kong sagot pero kahit mahina lang iyon ay narinig parin ni Martin na nasa tabi ko.
"Anong beer? Bawal kang uminom!" mabilis niyang sagot sakin habang tinitingnan ako ng masakit.
"Kunti lang di naman ako iinom ng madami," palusot ko.
"Kahit madami yan o kunti bawal ka parin. Baka nakakalimutan mo na meron ka pa at masama sayo uminom ng malamig.
"Ano ka ba maganda nga yung beer kapag meron ka eh, di ba Zai?" hingi ko ng saklolo kay Zaida.
"Oo nga naman..., masama nga sayo yun Michelle!" panlalaglag sakin ni Zaida paano natakot sa tingin ni Martin.
Wala akong nagawa kundi irapan nalang si Zaida kasi di ko akalain na sasang ayunan niya yung asawa ko.
"Eh anong iinumin ko?" naka simangot kong sabi.
"Waiter paki bigyan nga ng juice itong asawa ko yung less ice please," sabi ni Martin sa dumaang waiter sa harap namin.
"Samaham mo ng mani," pahabol ko ng may mapaglibangan naman akong kutkutin.
"Sarap ng beer!" pang aasar pa sakin ni Zaida nung tunggain niya yung isang baso nito.
"Ewan ko sayo!" sabi ko kay Zaida bago ko siya tinalikuran at humarap nalang ako sa mga nagsasayaw sa dance floor.
Gusto ko rin sanang sumayaw kaya lang may kamay na naka pulupot sa baywang ko.
Busy si Martin at sila Jerold, Lucas at Bert sa pag-uusap regarding sa upcoming business nila. Balak kasi ni Martin na lagyan ng mga bar ang mga ibang hotel nila kaya yun ang nagiging topic nila. Samantalang kami ni Zaida ay paminsan minsang sumasagot pero more on batuhan lang ng mani yung ginagawa namin.
Lumipat kasi siya ng pwesto sa tabi ni Jerold kaya magkatapat na kaming dalawa.
"Tigilan niyo nga yang ginagawa niyo!" saway ni Martin ng tamaan siya ng mani sa ulo, umiwas kasi ako nung batuhin ako ni Zaida kaya siya yung tinamaan.
Natigilan kami ni Zaida na mabilis na tumayo para maka iwas sa panenermon ng isa. Samantalang ako, sinimsim ko na lang yung juice na nasa harap ko na kanina ko pa sinisimsim.
"Bakit di ka sumama kay Zaida dun sa dance floor," sabi ni Lucas habang tinuro si Zaida na nagsasayaw na sa gitna ng dance floor at umiindak na mag-isa.
"Strict yung parents ko!" sagot ko kay Lucas habang tinapunan ko ng tingin si Martin na nasa tabi ko na saktong naka tingin din pala sakin.
"Hays," butong hininga ko. Paano bored na bored na ko kasi naman si Martin busying busy sa pakikipag usap at ang tanging kakulitan ko iniwan na din ako. "Mukang pagkain lang ang mapaglilibangan ko," sabi ko sa sarili ko habang tiningnan ko yung mga pagkain na nasa pinggan ko na inilagay ni Martin kanina.
"Sige na sumunod ka na dun kay Zaida," bulong ni Martin sakin kaya bigla akong napatingin sa kanya para kumpirmahin kung seryeso siya at ng makita ko siyang tumango, agad akong tumayo para umalis ng bigla niya kong hawakan.
"Bawal kang makipag sayaw sa iba," paalala niya sakin.
"Noted, Sir!" sagot ko kay Martin at sumaludo pa ko para sabihing naiintindihan ko yung command niya.
Pagkatapos nun ay agad akong lumapit kay Zaida at sinabayan siyang sumayaw. Buti nalang talaga fitted ang jeans ko kaya kahit maglulundag ako di ako nangangambang tatagusan ako kaya wapak na wapak yung pagsayaw ko na para bang naka wala ako sa hawla.
"Hi, Miss!" nagulat ako ng may bumati saking isang lalaki.
"Hello but I'm no longer a miss but a missis!" tugon ko sa kanya bago ko siya tinalikuran para alam niya na di ako interesado sa kanya.
"Ang swerte naman ng napa ngasawa mo pero baka ikaw di swerte sa kanya." muling sabi niya sakin.
"Pwedi ba Mark, wag ka ngang magulo diyan at tigilan mo si Michelle!" sambit ni Zaida.
"Di naman ako nanggugulo ah, ang akin lang naman gusto kong makikilala yung magandang dilag na kasama mo na ang pangalan pala ay Michelle!" sabi nung Mark sabay kindat pa sakin. Para akong kinalibutan sa ginawa niyang iyon kaya agad ko siyang inirapan.
"Kung mahal mo pa yung buhay mo mabuti pa lubayan mo siya bago ka pa makita ni Martin," muling paalala ni Zaida.
"Bakit si Martin ba yung tinutikoy mong asawa?" baling sakin ni Mark.
"Siya nga," mabilis kong sagot.
"Haha...haha... mukang namamangka pala si Martin sa dalawang ilog kasi sa pagkakatanda ko engaged na siya pero di sa babaeng ang pangalan ay Michelle at sa halip sa babaeng ang pangalan ay Ellena!" Bigla akong natigilan sa narinig ko, doon ko lang naalala na totoo yung sinabi niyang iyon na na-engaged nga si Martin kay Ellena at di ko pa iyon nalinaw kay Martin.
"Huli ka na sa balita kasi kasal na siya ngayon at si Michelle na ang legal wife!" sagot ni Zaida.
Sasagot pa sana si Mark ng biglang natigilan kasi biglang nagsalita si Martin.
"May problema ba?" tanong nito.
"Wala naman, Hon!" sagot ko bago ako kumapit sa leeg niya kasi sakto naman na nagpalit na sweet music yung Dj.
"Wala naman pare, bilib talaga ako sayo!" sabi ni Mark na tinapik pa sa balikat si Martin bago umalis. Alam kong double meaning yung sinabi niyang iyon pero di ko na iyon binigyang pansin.
"Tapos na yung meeting niyo?" pagbibiro ko kay Martin na mapupungay na ang mga mata at halatang naka inom na.
"Tapos na!" sagot niya bago ako kinabig papalapit sa kanya para magdikit yung dalawa naming katawan.
"Sobrang lapit mo!" reklamo ko paano kasi halos idikit na niya ko sa katawan niya at di na kami makapagsayaw ng maayos.
"Ang daming lalaking naka tingin sayo kaya kailangan ipaalam ko sa kanila na your taken at ako yung nagmamay-ari!" sabi ni Martin sa akin bago niya ko dinampian ng halik sa labi.
"Sayo nga din ang daming babaeng naka tingin!" sagot ko sa kanya bago ko rin siya dinampian ng halik sa labi.
"So you also declaring that i was taken and you are also the owner?" naka ngiting tanong ni Martin sakin.
"Ofcourse, para mamatay sila sa inggit at hanggang tingin lang sila sayo!" proud kong sabi.
"Sakin kahit tingin bawal kasi akin ka lang!" sabi Martin bago niya isinunsob yung ulo ko sa dibdib niya para walang makakita sa mukha ko.
"Ano ka ba naman Hon, dapat nga matuwa ka kasi maraming taong nakaka appreciate ng beauty ko, ako nga proud na proud kapag napatingin yung mga girls sayo kasi kahit anong gawin nilang kakatingin sayo walang magbabago kasi sa akin ka lang, maliban na lang kung titingnan mo din sila! Ibang usapan na yun!" paliwanag ko kay Martin.

avataravatar