webnovel

Chapter 217

"Baka kasi ginayuma mo yan kaya naamoy ka kahit asan ka magpuna."

"Hindi noh! Wala nga akong ginawa diyan basta lang yan sumusunod sakin." Sagot ko kay Zaida.

"Anong wala kang ginawa nung Wenesday lang may ginawa ka sakin na di ko makalimutan." Sagot ni Martin.

"Anong ginawa?" Takang tanong ko.

Huminto si Martin at hinarap kami ni Zaida kahit nasa second floor na kami malakas parin yung music kaya di ko akalaing naririnig pala ni Martin yung bulungan naman ni Zaida.

"So gusto mong sabihin ko kay Zaida yung ginawa mo sakin habang naka patay yung ilaw tapos nasa ibabaw kita at B....!" Di na niya natapos yung sasabihin niya dahil agad kong tinakpan yung bibig niya.

"Hon naman!" Greeted teeth kong sabi sa kanya.

"So aminin mo na may ginawa ka sakin kaya nababaliw ako sayo!" Sabi niya sakin matapos niyang tanggalin yung kamay kong naka takip sa bibig niya.

"Oo na! May ginawa ako sayo at tirik na tirik yung mata mo!" Sabay tulak sa kanya at tuluyan na kong pumasok sa private room. Agad naman silang dalawa sumunod sa akin.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Lucas nung maka lapit kami sa kanila.

"Nagpapawis lang!" Sagot ni Zaida.

"Nagpapawis kayong tatlo?" Nanlalaki ang mata ni Jerold habang tinatanong yun.

"Wag mo kaming dinadamay diyan sa dirty mind mo!" Sagot ni Martin na may kasama pang batok kay Jerold.

"Joke lang yun pero kung maka physical ka wagas ha!" Sabay haplos sa parte ng ulo niya na hinampas ni Martin.

"Bakit saan kayo pumunta?" Tanong ni Lucas kay Zandra.

"Pumunta lang kami ng banyo tapos sumayaw sa dance floor!" Iretableng sagot ni Zaida.

"Bakit kasi sinama mo pa si Michelle? Kanina pa nagagalit si Martin."

"Hello, wala pa kaya kaming isang oras nawawala kung makapag react OA!"

"Basta sa susunod wag mong sasama si Michelle sa mga kalokohan mo!"

Nag-aaway na yung magkapatid kaya umupo na ko sa pagitan nila para matigil.

"Okey lang ako Lucas, wag mo ng sisihin si Zaida." Paliwanag ko.

Maya-maya sumiksik narin si Martin sa pagitan namin ni Lucas, balik pwesto gaya kanina.

"By the way dahil kumpleto na tayo umpisahan na natin yung exchange gift." Sabi ni Bert sa mic.

"Mabuti pa nga!" Sagot ni Nika.

"Ako na mag-umpisa!" Sabi ni Leslie na kinuha na yung regalo niya.

Ganun narin yung ginawa ko, inuha ko yung paper bag na bitbit kanina ni Marti sa ilalalim ng lamesa. Inabot ko sakanya yung para sa nabunot niya samantalang yung akin ay hinawakan ko na.

Ang nabunot ni Leslie ay si Bert na binigyan niya ng wallet. Samantalang si Bert ang nabunot niya ay si Jerold kung saan isang mamahaling t-shirt ang niregalo niya. Ang sumunod ay si Martin at ang bigay ni Jerold ay sumbrerong puti, lalo tuloy nag mukang bagets si Martin.

Nagulat lang ako na si Elena pala yung nabunot niya na agad naman tumayo ng banggitin ni Martin yung number na nakuha niya. Dahil nga kailangan mong isuot sa nabunot mo yung regalong binili mo, naghihintay si Elena na gawin yun ni Martin pero basta lang iniabot ng isa saka bumalik sa tabi ko.

Walang nagawa si Elena kundi buksan ang regalo niya at siya na lang ang nagsuot ng hikaw sa tenga niya.

"It's beautiful, thank you!" Malambing na sabi ni Elena habang naka tingin kay Martin.

"Hmp!" Tanging sagot ng isa na di man lang siya tiningnan.

"So, Sino nabunot mo?" Iretableng tanong ni Zaida.

"Number 7!"

"Kung mamalasin ka nga naman ako pa yung nabunot mo!" Padabog na tumayo si Zaida sa harap katabi ni Elena.

Mabilis niyang binuksan yung regalo niya na naglalaman ng relo. Mukang mamahalin ito pero di oto sinuot ni Zaida at di man lang din nagpasalamat. Di ko alam kung bakit di close yung dalawa na kung tutuusin ay lumaki rin sila halos na magkasabay.

"Number 12 yung nabunot ko!" Narinig kong sabi ni Ziada na halatang di na good mood.

"Ako yun!" Matipid kong sagot saka pumunta sa may gitna at kunuha ko yung regalo niya.

"Buti nalang ikaw nabunot ko, Sayang kasi itong regalo ko kung kanikanino lang mapupunta."

Tanging ngiti lang ang itinugon ko sa kanya at sabay bukas sa regalo. Tumambad samin ang isang knee lenght casual dress na kulay blue. Napaka simple ng design niya pero napaka ganda.

"Salamat!" Masaya kong sabi.

"You're welcome basta ikaw!" Sabay halik niya sa pisngi ko bagao ako tuluyang iniwan sa gitna.

"Number 18 yung nabunot ko!" Mahina kong sabi.

"That's me!" Masiglang sabi ni Lucas.

"Sana magustuhan mo! Si Martin ang pumili niyan!" Di ko naka limutang sabihin para kasi sakin di maganda yung necktie na yun.

"Kaya pala boring!" Sabi ni Lucas ng mabuksan niya yung regalo.

"Anong sabi mo?" Galit na singhal ni Martin.

"Wala! Suot mo sakin! Utos ni Lucas sa akin na bahagya pang yumuko.

Para sakin naman okey lang kaya agad kong itinaas yung kwelyo ng suot niyang polo para sana isuot ng biglang lumapit si Martin at hinablot sakin yung necktie.

"Di siya marunong!" Sabay buhol nito sa leeg niya medyo mahigpit nga lang ang pagkakatali niya kaya nasakal si Lucas at bahagyang naubo.

"Gusto mo ba akong patayin?" Reglamo nito habang niluluwagan yung necktie niya.

"Malapit na!" Pagbabanta ni Martin.

"Tara na nga! Ikaw talaga!" Sabay hila ko sa kanya pabalik sa upuan.

Nagpatuloy ang pagpapalitan ng regalo habang si Martin ay naka akbay sa akin at umiinom ng alak.

"Dahan-dahan!" Saway ko.

Di siya sumagot sa akin at tanging hinalikan lang ako sa pisngi. Nagpatuloy siya sa pakikipag kwentuhan sa mga kasama namin kaya muli kong binalingan si Zaida na busy na sa pagpindot ng cellphone niya.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya sabay siko ng bahagya.

"Hmmm!" Tanging sagot niya sa akin.

"Wag mong sabihin na nagmamaktol ka parin dahil di mo nakuha yung name at number nung hot guy kanina!" Pang-aasar ko.

"Oo, ikaw kasi!" Reklamo niya sabay tungga sa alak na nasa harap niya.

"Ano ka ba naman marami pa diyang iba, dito lang sa loob marami ng hot guy."

"Di nila ako pweding taluhin, baka gusto nilang bugbugin sila ng magaling kong kuya. Kasama pa yung magaling kong pinsan."

"Sama mo narin ako sa bubugbog sa kanila!"

"Dadagdag ka pa?" Nanlalaki niyang matang sabi.

Medyo liberated din kasi si Zaida kaya medyo strict sa kanya si Lucas pero di mo masisi yung Kuya patunay lang yun na mahal niya yung nakakabatang kapatid.

Don't be confuse sa chapter number nagkakaroon kasi ako ng adjustment sa nauunang chapter kaya nag aadjust ako.

Hope you don't mind.

Please vote!

Thanks!

pumirangcreators' thoughts
Next chapter