178 Chapter 206

"Kanina pa tayo dito?" Tanong ko kay Martin nung maibaba ko yung phone.

"Di naman mga half hour."

"Bakit di mo ko ginising?" Reklamo ko habang tinatanggal na yung seatbelt ko.

Tiningnan ko muna yung muka ko sa may front mirror para masiguradong wala akong muta or tuyong laway sa gilid ng labi ko. Nag-aaply na rin ako ng powder at lip balm para kahit papano di ako mukang haggard.

Sa halip na sagutin ako ni Martin ay agad niya kong hinila papalapit sa kanya at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Bakit?" Takang tanong ko nung maglayo yung labi namin.

"Bakit masama bang halikan yung fiancee ko?" Balik na tanong niya sa akin habang naka tingin parin sa muka ko at di ako binitawan.

"Di naman kaya lang kasi baka may inaalala ka nanaman!' Sagot ko sa kanya habang hinawakan ko yung dalawang pisngi niya at pinisil iyon.

"I love you!" Bulong niya sa akin.

"I love you too! Don't think to much!" Sabi ko sa kanya at tuluyan na kong lumayo sa kanya.

"Tara na at gagabihin na tayo!" Yaya ko sa kanya habang binubuksan ko yung pinto ng kotse para lumabas at agad naman siyang sumunod.

Magkahawak kamay kaming dalawang pumasok sa loob ng shop.

"Good Evening po Sir and Ma'am!' Masayang bati ng receptionist sa amin.

"Good Evening may appointment kami kay Ms. Zaida." Sagot ni Martin hawak parin ang kamay ko.

"Anong name po nila?"

"Paki sabi si Martin."

"Ah okey po! Upo muna po sila at tatawagin ko lang si Ms. Zaida." Paalam nung Receptionist sa amin.

Kami naman ni Martin ay umupo sa mahabang upuan habang hinihintay yung taong dapat naming kausapin.

"Martin!' Sigaw ng babaeng lumabas sa isang pintuan kung saan pumasok yung Receptionist kanina.

"Malamang yun na si Zaida na sinabi ni Martin kanina." Sabi ko sa isip ko.

Agad itong lumapit sa amin at bumeso kay Martin at hinayaan naman niya ito.

"This is Michelle?" Tanong iya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis niya ko.

"Yes, this is my Fiancee Michelle!" Pakilala sa akin ni Martin.

Nagulat lang ako kasi agad akong niyakap ni Zaida na parang tuwang-tuwa.

"Cousin ko siya sa mother side kapatid ni Lucas." Paliwanag ni Martin.

"Ah kaya pala walang sense of urgency si Martin sa meeting namin kasi pinsan naman pala yung kakausapin namin." Sabi ko sa isip ko.

"Sigurado ka na ba na gusto mong pakasalan yung pinsan ko?" Masayang tanong ni Zaida sa akin.

"Zaida....! Galit na saway ni Martin.

"Bakit tinatanong ko lang naman siya baka kasi pinipilit mo lang." Depensa ni Zaida habang hinila ako papunta sa office niya kung saan merong din sofa sa loob kung saan kami pweding mag-usap ng medyo private.

"So sabihin mo sakin Michelle, Sure ka naba?" Ulit na tanong ni Zaida sa akin habang hawak yung dalawa palad ko at pagka-upo namin sa sofa na magkaharap.

Di niya pinansin si Martin na naka sunod sa amin na madalim ang muka.

"Tigilan mo nga yung fiancee ko kung ayaw mong ipasunog ko itong shop mo!" Pagbabanta ni Martin habang umupo sa pagitan namin dalawa at walang kagatol-gatol na itinulak si Zaida para umalis sa upuan.

Walang nagawa yung isa kungdi lumipat sa single na upuan na malapit sa akin.

"Hmmp... takot ka lang marinig na sabihin ni Michelle na pinilit mo siya!" Comment ni Zaida habang kinukuha yung mga magazine sa ilalim ng lamesa at iniabot sa akin.

"Yan yung mga sample wedding motif, pwedi ka diyang pumili." Sabi ni Zaida sa akin.

"Wag ka diyan pumili, kung anong gusto mo sabihin mo lang bahala na siya mag-isip kung paano yun sasakatuparan." Sabay hablot sa mga magazine na ibinigay ni Zaida at inihagis sa lamesa.

Nagkatinginan lang kami ni Zaida at nginitian ko lang siya.

"Hmp...arte!" Comment ni Zaida at tumayo papunta sa office table niya para kumuha ng notebook niya. Ako naman inabot ko yung isang magazine para tumingin ng pweding pagbasihan.

"Wag mo ng tingnan yan!" Muling saway ni Martin.

"Wag ka ngang magulo diyan!" Mahina kong sabi sa kanya habang inalayo yung magazine na balak niya sanang hablutin.

"So ano bang gusto mong wedding church, garder or beach?" Tanong ni Zaida na muli ng umupo sa upuan.

"Ganda nito ah!" Nasabi ko.

Agad silang dumungaw sa tinitingnan ko sa magazine kung saan na feature yung carousel wedding ng isang sikat na artista sa Holliwood.

"Gusto mo yan Hon?" Tanong ni Martin sa akin.

"Naku ang hirap niyan need nating umupa ng carousel" Reklamo ni Zaida.

"Gusto ko may ferris wheel saka roller coaster saka bump car. Lagyan mo din nung larong kinukuha yung mga staff toys! Ano nga bang laro yun sa amusement park?" Exited kong sabi.

"Crane games?" Tanong ni Zaida.

"Oo tama yun nga, tapos lagyan mo din ng shooting then dart. Mas okey sana kung may pool din tapos may mga clown then mga animals na nagpeperform." Habang sinasabi ko yun nakikita ko yung muka ni Zaida na nagbabago ang kulay. Iniisip niya siguro paano niya gagawin yun.

"Seryoso ka diyan Hon?" Tanong ni Martin sa akin.

"Oo!" Mabilis ko namang sagot.

Parehas kaming napa tingin sa direksyon ni Zaida nung parang umubo siya.

"Kailan niyo ba balak magpakasal?"

"Sa July!" Sagot ni Martin.

"Sa July so December na ngayon, January, February, March, April, May, June, July, seven months mula ngayon!" Sagot ni Zaida habang binibilang din ang mga daliri habang sinasabi yung buwan ng taon.

"Oo!" Sagot ko.

"Saan niyo gusto sa enchanted kingdom, star city or sa sky ranch magpakasal?"

"Bakit dun?" Tanong ni Martin.

"Eh bakit hindi dun eh yun yung gusto ng fiancee mo iniisip ko pa nga kung paano ko palalagyan ng pool yung mga yun eh para ma meet yung expectation niya."

Biglang napaisip si Martin sa sagot ni Zaida kaya muli silang napatingin sa akin na muling tumitingin sa magazine.

"Hon!" Tawag niya sa akin.

"Hmmm... Yan ba talaga gusto mo?"

"Oo!" Simple kong sagot.

"Okey then yan ang masusunod!" Sagot ni Martin na may conviction.

"Maghanap na lang kayo ng ibang wedding planner!" Sagot ni Zaida sabay tayo.

avataravatar
Next chapter