webnovel

Chapter 195

Kinabukasan agad kaming nag check-out ni Martin sa hotel na tinutuluyan namin para pumunta sa Honda bay isaland kung saan mag spend kami hanggang Friday na.

Pinili naming mag commute papuntang north from the City Proper to Santa Lourdes Wharf (the jump-off point to Honda Bay) halos inabot din kami ng forty five minutes na biyahe sa pamamagitan ng jeep.

Nung una ayaw ni Martin na magcommute kami mag taxi nalang daw kami pero syempre di ako pumayag at ang dahilan ko is dapat matuto siya kahit papano sumakay ng jeep and other public transpo kasi paano nalang kung bigla kang maghirap at nawalan ka ng sasakyan paano ka nalang sabi ko sakanya.

At ang sagot ito, "Kahit kailan di yun mangyayari kasi gagawin ko lahat para mabigyan kita ng kumportableng buhay at ang magiging anak natin, kaya mag taxi na tayo."

"Sige mag-taxi ka ako mag jeep!" Sagot ko sakanya habang pumara ako ng tricycle para dalhin ako sa paradahan ng jeep kung saan magdadala saakin papuntang Sta. Lourder wharf.

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa akin at ang ending nagbus kami.

Pagdating namin sa Honda Island agad kong contact yung tour guide na makakasama namin sa island hoping bale may thirteen island na ka lista sa tour saktong three days kaya lang nga dahil kailangan naming bumalik ng Friday sa two day tour lang kami sasama.

Buti nalang naka pagpabook na kami ng cottage in advance sa Honday bay island kaya pagdating namin agad kaming nakapag check in.

Saktong nine ng umaga ng magstart yung tour and ang first drop is Starfish isaland.

Form the name itself puro starfish yung makikita mo. Snorkeling location siya at dahil super rich ng boyfriend ko ayaw niyang mag rent kami ng snorkeling gear dahil di namin alam kung sino-sino ang gumamit nun mamaya may sakit pa daw yun at dahil nga rick kid siya bumili kami at take note gusto pa sanang bumili ng full gear kung di mo pa pandidilatan di papapigil.

"Hon, upo ka dito picture kita." Utos sa akin ni Martin.

"Sige." Pagsang ayon ko.

Agad akong umupo sa gilid ng dagat kung saan katabi ko yung mga malalaking starfish. Ang gaganda ng kulay nila mamulamula na may batik na itim maganda lang silang tingnan pero di ko feel hawakan.

"Ikaw naman!" Utos ko sa kanya ng matapos niya kong kunan.

"Sama na tayong dalawa!" Sagot niya sa akin sabay poise ng selfie.

"Ganda?" Taning ko sakanya.

"Oo" Sagot niya sa akin habang hinalikan ako sa pisngi.

"Sexy nila oh!" Turo ko sa mga ibang tourist na naka swim suit.

Tinitingnan ko kung may reaction ba siya sa mga babaeng nagpapa cute sa kanya.

"Mas sexy ka diyan, pero sorry nalang yung mga boys na kanina pa sayo tumitingin kasi di nila masisilayan yun dahil for my eyes only yun."

"Snkling nalang tayo baka sakaling maka kita tayo ng gold dun!" Yaya ko kay Matin para matapos yung ka dramahan niya.

After namin sa Starfish island sa may Luli Island naman kami punta doon makikita mo yung beautiful sandbar that almost forms a perfect circle at low tide. Dito na kami mag lunch buffet with unli seafood.

"Walang spoon and fork?" Tanong ni Martin.

"Wala." Sagot ko naman sa kanya habang kinuha ko yung empty bottle ng mineral kania at nilagyan ko ng tubig para maka pag hugas ng kamay.

"Hugas ka ng kamay mo." Sabi ko kay Martin habang binibuhusan ko siya ng tubig.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Kakain tayo diba?"

"Yun nga kakain tayo tapos walang spoon and fork?"

"Kasi nga po seafood yung pagkain di mo kailangan ng spoon and form kaya magkakamay tayo."

"Pero di ako sanay kumain ng nagkakamay."

"Ah problema mo na yun." Sagot ko sa kanya sabay kuha na ko ng pagkain ko at agad naman siyang sumunod.

Medyo nahihiya siyang dumampot ng pagkain niya malamang si siya sanay sa ganung set-up kaya ako na yung naglalagay ng pagkain sa pinggan niya.

Nung makakuha kami ng pagkain naupo kami sa duyan kung saan nakatali sa poste ng isang kubo.

"Dito tayo kakain?"

"Oo!"

"Walang lamesa!" Muling reklamo niya.

"Yung buko mo lagay mo muna diyan sa baba tapos pwedi mong lagay yung plato dito sa lap mo or hawakan mo ng isang kamay mo so no need ng table."

Minestra ko sa kanya kung paano gagawin at agad naman niya kong ginaya.

"Tikman mo, sarap!" Sabi ko kay Marin habang inilapit sa labi niya yung inihaw na pusit.

Agad naman niyang bunuka yung labi niya para tangapin yung binigay ko.

"Baka masira ngipin mo." Saway ni Martin nung makita niyang kinagat ko yung galamay nung king crab.

"Di naman ganun katigas." Sagot ko sakanya habang kinukuha ko na yung laman nun.

"Hirap kumain ng ganito." Pagrereklamo niya.

"Cowboy ang tawag sa ganitong style ng pagkain, pero dahil nga anak mayaman ka di mo maiintindihan."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Naka taas niyang kilay na tanong sa akin.

"Ibig kong sabihin is kailangan pa natin mag adjust sa nature ng isat-isa kaya wag mong madaliin yung pagpapakasal natin." Paliwanag ko habang naka tanaw ako sa dagat.

"Maybe nga meron tayong differences in terms of ways and experienced pero di naman yun sapat na dahilan para di tayo pwedi para sa isat-isa ang importante is mahal kita and willing akong mag-adjust. Ikaw ba?" Balik na tanong niya sa akin.

"Syempre ganun din ako." Sagot ko sa kanya.

"Kung ganun wala tayong magiging problem. Isa pa ang pagsasama ng dalawang tao sa pamamagitan ng marriage is a life time commitment at pang habang buhay na adjustment sa bawat isa so kung papakasal tayo bukas, sa isang lingo, sa isang buwan or sa susunod na tao it just the same kay trust me Hon we will be fine kaya wag kang matakot."

"Sino naman nagsabi sayong natatakot ako?"

"So di ka natatakot?"

"Hindi noh!" Pagyayabang ko.

"Sige pakasal na tayo bukas."

"Next year nalang mahirap tahiin yung gown na gusto ko eh, saka walang Pari dito sa island."

"Magpapaunta ako ng Pari kung gusto mo."

"Kuha kita ng hipon!" Sagot ko sakanya sabay tayo.

Bumalik ako sa lamesa kung saan naka latag yung pagkain. Iniwan ko si Martin na naka ngiti. Alam ko naman kaya ni Martin na pakasalan ako kahit anong oras basta bigyan ko lang siya ng GO SIGNAL.

Next chapter