149 Chapter 177

"Hoy @Michell asan ka na?" Message ni Anna sa akin di na kasi ako sumagot sa pang-aasar nila sa akin.

"Nag-iisip lang ako kung sino kukunin ko sa inyong bride's maid?" Reply ko.

"Hahaha... papasakal ka na talaga?" Si Annalyn ang sumagot.

"Eh sabi niyo kasi baka makawala pa." Reasoning ko.

"Baka naman guapo lang yan at walang trabaho?" Si Nina ang nagtanong.

"Di naman, may trabaho siya." Depensa ko.

"Anong trabaho?" Tanong ni Anna.

"Ang paligayahin ako! Haha...haha...!"

"Bwisit ka! Haha... haha...!" Reply ni Anna.

"Lakas mo girl!" Comment ni Analyn.

"Ang sweet..... kilig much!" Parang batang comment ni Nina. Sabagay saming tatlo siya naman yung sweet girl namin.

"Oo ang sweet niya tapos yun din ang ipapakain niya sayo, ewan ko nalang kung di kayo langgamin sa sobrang ka-sweetan niyo. Sana magkaroon kayo ng diabetes!"

"Bitter ka @Anna?" Comment ko.

"Tigang yan @Michelle haha...haha...!"

"Ay ganun ba @Annalyn, mukang di ko nasagap yung tsismis na yan ah!" Sa aming apat naman kasi si Anna ang di lapitin ng lalaki. Ewan ba namin maganda naman siya at sexy kaya lang kapag kami ang magkakasama mas pinipili ng lalaking ligawan si Annalyn at ako. Si Nina kasi given na may boyfriend na pero minsan nga may nagbibigay parin ng love letter sa kanya pero si Anna wala talaga. May lalapit man ay yung makikipaglandian lang paano naman kasi napaka daring na babae ni Anna pero di naman sa point na nakikipag sex siya kung kanikanino masyado lang talaga siyang open-minded kaya walang sumeseryoso sa kanya.

"Sorry focus lang talaga ako sa trabaho." Depensa ni Anna.

"Anong trabaho mo na ba ngayon?" Curios kong tanong.

"Sales Executive na ko, mas malaki kasi kitaan sa sales kaysa sa technical. By the way hiring kami baka gusto niyong mag-apply ng makarating naman kayo sa America." Wika ni Anna.

"@Analyn... Go!" Encourage ko.

"Bakit ako lang ikaw din dapat @Michelle!"

"Ayaw ni Michelle, paano nalang si guapong Bf kung sakali." Pang-aasar ni Nina

"Hindi naman dahil sa kanya lang sympre kahit papano ayaw kong mapalayo sa pamilya ko alam niyo naman family oriented ako." Pagdedepensa ko. Ako kasi yung type ng tao na inuuna yung pamilya ko sa lahat saka kahit papano kuntento pa naman ako sa kinikita ko dito sa Pinas kaya wala pa akong balak na mangimbang bansa.

"Try mo Analyn, wala namang masama!" Sabi ni Nina.

"Email mo sakin resume mo girl, malay mo swertihin ka di magkasama na tayo! Yaan mo na diyan si Michelle at masaya naman siya."

"Tama!" Pag-sang ayon ni Nina.

"Sige send ko sayo bukas at gabi na!"

"Oo nga gabi na, matulog na kayo!" Pagkumpirma ko. Mag ten na nga gabi, ang bilis ng oras.

"Umaga pa nga!" Reklamo ni Anna.

"Malamang maaga pa talaga diyan!" Comment ni Analyn. Sixteen hours behind ang California sa Philippines kaya kung ten na ng gabi sa Pilipinas malamang nine pa lang ng umaga sa kanya.

"Uy mauna na ko sa inyo ha, patulugin ko na si Robie."

"Okie Nina, goodnight!" Paalam ko.

"Night girl!" Comment din ni Analyn.

"Night din!" Si Anna. Tuluyan nang nag offline si Nina. Iba na talaga pagpamilyado ka na. Di na pwedi yung magpuyat dati kasi halos wala kaming tulugang apat kapag nagkwentuhan pero ngayon di na pwedi may kanya-kanya na kaming resposibilidad at lalo pa nga magkakalayo narin kami pero still were friends at naasahan parin namin ang isa't-isa.

"Sino kaya susunod na mag-aasawa?" Tanong ni Anna.

"Malamang si Michelle at malamang ikaw ang huli Anna... Haha...haha!" Pag-aasar ni Analyn.

"Wag kang papasigurado Analyn baka mauna pa ko sa inyong dalawa."

"Yan naman ang malabo Anna, ngi wala ka ngang boyfriend paano ka mauuna kay Michelle!"

"Don't estimate ay beuty girl, malamay mo may mauntog at bigla akong yayain magpakasal."

"Baka kamo mabuntis ka kaya napilitang pakasalan haha...haha...!" Pang-aasara ko.

"Gaga.... nag pills ako kaya malabo yun haha!" Proud pang sabi ni Anna sa amin.

"Masakit ba talaga kapag first time?" Curious kong tanong kasi sabi nga ni Mama magiging sakang ka kapag ginawa mo yun sa unang pagkakataon.

"Wag mong sabihing virgin ka parin hanggang ngayon Michelle?"

"Bakit akala mo kagaya mo si Michelle na basta na lang bubukaka kapag nakakita ng guapo?"

"Hoy Analyn tigilan mo ko ha, akala mo di ko alam na bumukaka ka narin!" Nagkakainitan nanaman yung dalawa. Pero sanay naman na ko kasi ganyan naman sila lagi bihirang magkasundo sa topic pero di naman umaabot na nag-aaway na sila.

"Tumigil na kayong dalawa!" Awat ko sa kanila.

"Atleast boyfriend ko yun!" Comment pa ni Analyn.

"Boyfriend mo nga, matapos mong bigay ang lahat at iniwan ka parin. Atleast ako katawan ko lang nakuha nila di kasama ang puso ko."

"Nag-uumpisa nanaman kayong dalawa!" Muli kong awat.

"Okey, balik sa topic. Tungkol sa tanong mo Michelle sympre masakit sa umpisa pero don't worry mapapa heaven ka naman na sa susunod!" Comment ni Anna. Parang nakikita ko na tumitirik nanaman ang mata niya nung sabihing heaven. Ganun kasi lagi niyang reaksyon kapag nagkwekwento tungkol sa sex experienced niya.

Saming apat ako na lang ang virgin. Dahil nga si Nina ay matagal ng commited kay Robert kaya second year college pa lang kami isinuko na niya yung bandera niya pero ang kagandahan naman kasi nun pinakasalan siya nito. Si Anna naman third year kami nung isinuko niya sa isang lalaking nakilala lang niya sa isang party na pinuntahan namin at ang tanging reason niya is ang guapo daw kasi nung guy at mukang malaki daw at di daw siya nagkamali kaya nung pumasok ng kina-umagahan halos di makalakad kaya tawa kami ng tawa sa kanya. Si Analyn last year na kami ng college ng isinuko niya sa first boyfriend niya, akala daw kasi niya yun na yung lalaki para sa kanya si Lester pero sa kasamaang palad naghiwalay sila bago kami magtapos at ang dahilan daw di satisfy si Lester sa kanya sa kama kaya naghanap ng iba.

Halos bugbigin namin nun si Lester nung i-text niya yun kay Analyn pero feeling namin di yun ang dahilan. Balita kasi namin meron siyang nabuntis na babae sa probinsya nila na kailangan niyang panagutan. Awang-awa kami nun kay Analyn pero wala ganun talaga ang buhay, simula nun parang naging man hater na siya.

avataravatar
Next chapter