webnovel

Broken

"Michelle!" narinig ko pang tawag ni Martin pero dirediretso lang ako hanggang makalabas ng tuluyan.

Pinagtitinginan ako ng mga tao kasi nga di ko na napigilan yung pag-iyak ko pero wala akong pake kasi ang gusto ko lang maka alis sa lugar na ito. Naghahanap ako ng taxi na pwedi sanang mapara pero sa kasamaang palad wala akong makita.

"Michelle!" tawag sakin at paglingon ko si Zaida iyon na kararating lang at di pa nakakapag parada na ng sasakyan niya. Mabilis akong tumakbo papalapit sakanya at sumakas sa passenger seat.

"Alis na tayo!" sabi ko.

"Huh?" takang tanong niya.

"Please... huhu...huhu....!" Paki-usap ko habang umiiyak at dahil dun pinakinggan na niya ko at tuluyan kaming umalis sa lugar na iyon.

"Ano nangyari?" tanong niya sakin pero nanatiling tikom yung mga labi ko at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Kanina pa tumutunog yung cellphone ko at alam ko si Martin iyon pero wala akong lakas ng loob ng sagutin iyon.

"Hello!" Narinig kong sabi ni Zaida.

"Sa sasakyan mo ba sumakay si Michelle?" narinig kong sabi ni Martin naka loud speaker kasi yung cellphone ni Zaida kasi nga di niya ito mailagay sa tenga niya kasi nga nag da-drive siya.

Tiningnan muna niya ko bago siya sumagot ng "Oo."

"Ibalik mo siya dito ngayon na!" Sigaw ni Martin. Muli akong tiningnan ni Zaida pero umiling ako para sabihin sakanyang ayaw ko.

"Martin di ko alam kung anong nangyari pero hayaan mo munang kumalma si Michelle. Wag kang mag-alala sasamahan ko naman siya pag okey na tawagan kita saka mo siya sunduin." Paliwag ni Zaida.

Tumahimik si Martin sa kabilang linya na parag nag-iisip ng tama niyang gawin.

"Yaan mo muna 'tol!" narinig ko pang sabi ni Jerold malamang humabol din sila nung nakita niyang tumakbo si Martin.

"Katabi mo siya?" muling sabi ni Martin sa kabilang linya.

"Oo at naririnig ka niya naka loud speaker yung cellphone ko."

"Hon, okey lang yun wag mong isipin. Dun ka muna kay Zaida ha! Sunduin kita bukas. I love you!" pero lalo lang ako naiyak sa sinabi ni Martin paano magiging okey yung lahat kung napahiya ko siya sa maraming tao.

Nung maramdaman ni Zaida na wala akong balak sumagot siya na yung nagsalita.

"Sige na Martin, ako na ang bahala kay Michelle!"

"Hmmm!" pag-sang ayon ng isa bago niya ibinaba yung tawag.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makarating kami sa bahay ni Zaida.

"Bihis ka muna!" Sabi nito sakin sabay abot ng isang set na pantulog. Kasalukuyan akong naka upo sa kama ng guest room ng bahay niya.

"Salamat!" Mahina kong sabi.

"Sige na at magpahinga ka na!" sabi nito sabay tapik sa balikat ko. Tumango lang ako bilang pagsang ayon. Paglabas ni Zaida ay pumasok narin ako sa banyo pero bago ako maghubad tiningnan ko yung itsura ko sa salamin.

"Kahit pala gaano kamahal yung suot kong damit at sapatos wala paring magbabago ang tingin nila sakin ay isang mahirap na nangangarap na makapangasawa ng isang mayamang lalaki. Kahit pa magsuot ako ng mamahaling alahas at gumamit ng mamahaling make-up wala paring magbabago ganun parin ang status ko mababa sa paningin nilang lahat." muli akong lumuha at di na namalayan kung paano ako nakapagbihis at nakahiga sa kama kasi ang alam ko lang yung bigat na nararamdaman ko.

"Ito ba nag kabayaran kapag nagmahal ka ng di mo ka-level? Worth it ba?" yun ang tanong ko sa sarili ko.

Paggising ko ng umaga nasa baba na si Zaida at naghahanda ng almusal.

"Morning!" Bati niya sakin nung makita niya kong pababa ng hagdan.

"Morning!" bati ko rin.

"Okey ka na?"

"Okey na!"

"Mabuti naman! Andiyan na si Martin sa labas kanina pang madaling araw. Hays, sakit niya sa Bangs!" Reklamo ni Zaida.

Nginitian ko lang siya pero pumunta ako sa pinto para tingnan kung totoo yung sinasabi niyang nasa labas nga si Martin at totoo nga.

Naka sandal ito sa pintuan ng kotse niya at naka harap sa pintuan ng bahay ni Zaida. Suot parin nito yung maroon niyang amerika na suot niya kagabi. Nang makita niya ko agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Okey ka lang?"Tanong niya kagad sakin.

"Hmmm!" sagot ko naman at niyakap ko rin siya. Nung marinig niya yung sagot ko ay kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinagmasdan yung muka ko. Hinaplos niya yung mata ko na namamaga dahil sa pag-iyak.

"Sorry!" sabi niya habang hinahalikan yung mga mata ko.

"Diba dapat ako yung mag-sorry sayo kasi nasira ko yung birthday at Christmas party niyo?"

"Wala ka dapat ipag-sorry dun, ako ang may kasalan kasi di kita na protektahan!" Nagpupuyos sa galit na sab ni Martin. Naputol yung pag-uusap namin ni Martin ng sumigaw si Zaida.

"Hoy lovers pwedi ba dito kayo sa loob at bawal dito ang public display of affection baka madampot kayo ng baranggay!" kaya wlaa kaming nagawa ni Martin kundi maghiwalay at pumasok sa loob ng bahay.

"Mag-almusal muna kayong dalawa bago kayo makiskisan!" sabay patong ni Zaida ng sinigang na kanin, itlog at porkchop sa lamesa.

"Kayo na magtimpla ng kape niyo at di ko alam yung taste niyo." sabay upo sa lamesa at nagsandok na ng pagkain niya.

"Ako na magtitimpla!" presenta ni Martin, sabay punta sa kusina kaya ko ay umupo na sa tapat ni Zaida.

"Maganda ka naman dun sa video ah, at ang sexy mo pa and take note ang galing mong kumanta at sumayaw lalo nung nasa lyrics ka na ng If you still want me.. oh yeah! Panalo yun!" masayang sabi ni Zaida.

"Sana ganyan din mag-isip yung ibang tao!"

"Hay naku Michelle, not all people ay pwedi mong i-please ang importante si Martin hanggat napapaligaya mo siya okey lang yun Love conquer all!"

"Sana nga Zia ganun kadali!"

"Don't worry Hon, akong bahala!" sabi ni Martin na may dalang kape.

Nginitian ko lang siya at tinanggap ko yung inabot niyang tasa.

"Bakit di mo kasi sinuot yung regalo ko sayong damit!" sabi uli ni Zaida habang kumakain na kaming tatlo.

"Sabi tuloy nila dito nagmuka ka daw chipipay dahil sa suot mong damit."

"Saan yan?" Tanong ko.

"Dito sa group....!" Di na natapos yug sasabihin ni Zaida ng sigawan siya ni Martin.

"Zaida pwedi ba kumain ka na nga lang di yung ang daldal mo!"

Next chapter