272 Beautiful Dream

"Sino yung king?" Tanong ng lahat. Doon ko lang naalala yung baraha ko di ko papala nasisilip.

"Ako yung King!" masaya kong sabi. Sakto naman si Lucas yung naka kuha ng ace na flower. Kaya mabilis ko siyang tinanong.

"Truth or dare?"

"Dare!" mayabang na sagot ni Lucas.

"Sige kiss mo!" Diretso kong sabi sabay nguso ng labi ko para halikan niya.

Biglang natigilan si Lucas di alam yung isasagot dahil dun ay inilapit ko yung muka ko sa kanya ay siya namang paglayo niya pero lalo akong lumapit sa kanya. Siguro nasa isang dangkal nalang yung pagitan ng muka namin ni Lucas ng biglang may bumagsak na bote.

"Crunch!" Tunog ng boteng bumagsak kaya agad kaming napalingon sa pinanggalingan nun. Nakita kong naka tabingi na yung lamesa di ko alam kung sinipa ba yun o itinulak para bumagsak yung bote na nakapatong dun.

"Sorry nasipa ko!" Pag-amin ni Martin habang naka tingin sakin na para bang nagsasabi na pagpatuloy mo yan di lang yan sisipain ko.

Muli kong binalingan si Lucas na parang takot na takot.

"Sige na nga uminom ka nalang ng alak, ayaw mo naman akong kiss!" nagtatampo kong sabi. Mabilis naman sumunod si Lucas at tinungga yung isang basong alak.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalaro sa huli ako naman yung naka bunot ng ace of flower kaya mabilis kong hinanap kung sino yung naka bunot ng King pero kung mamalasin ka nga naman si Martin ang naka bunot nun.

Muling nanamang tumahimik yung paligid na parang handa nanaman silang manuod ng nakaka exite na palabas.

"Dare ako!" Mabilis kong sagot para matapos na. Iniisip ko kasi kapag nag truth ako baka mamaya tanungin niya ko kung mhal ko parin siya baka di ako makapag sinungaling at bigla kong aminin.

"Kiss mo ko!" Diretso niyang sabi.

"Huh? Asa ka!" Sagot ko sakanya na may halong pang-iinsulto pagkatapos nung ay mabilis kong inabot yung isang basong alak at walang kagatol-gatol kong tinungga.

Di maipinta yung muka ko dahil dun para biglang umikot yung paligid. Bigla kong naalala hard nga pala yung di kagaya ng bear na kahit buttoms up mo, okay lang.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zaida sabay abot sakin yung fruit platter. Agad akong dumampot ng masanas para mawala yung pait sa bibig ko.

Muli silang nagpatulog sa paglalaro pero di na ko sumali. Tumayo ako at lumipat malapit sa videoke kasi parang gusto kong kumanta. Ang bigat nanaman kasi ng dibdib ko. Feeling ko kasi pinaglalaruan ako ni Martin.

Pinili ko yung someday na kanta ni Nina, feeling ko kasi bagay na bagay yung sakin.

"Someday, you're gonna realize

One day, you'll see this through my eyes

By then, I won't even be there

I'll be happy somewhere

Even if I can't

I know you don't really see my worth

You think you're the last guy on earth

Well, I've got news for you

I know that I'm not that strong

But it won't take long, won't take long

'Cause someday, someone's gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday, someone's gonna take your place

One day, I'll forget about you

You'll see, I won't even miss you

Someday, someday..."

Emote na emote pa naman ako ng biglang namatay yung videoke. Pagtingin ko si Martin yun hawak-hawak yung saksakan pagkatapos mabilis na umalis palabas kaya agad sumunod si Elena. Dahil nga patay na wala na kong nagawa di ko na sinaksak, tumayo nalang ako at dumiretso sa bar at doon naglasing.

"Ano ba naman yan Michelle, bakit ka naman naglasing ng todo!" Naririnig kong sabi ni Zaida habang inaalalayan ako makatayo. Paano nakatulog na ata ako bar. Dinala niya ko sa sofa at dun ako humiga.

"Kainis ka naman eh!" reklamo uli ni Zaida habang inaayos yung laylayan ng suot kong dress. Halos nagsipag-uwian na din yung mga bisita ni Lucas. Iilan nalang kami natira.

"Pahatid mo na ko kay Mang Kanor!"

"Paano kita papahatid eh kanina pa umalis si Mang Kanor hinatid na si Martin."

"Sakay mo nalang ako ng taxi!"

"Paano kita sasakay ng taxi sa ganyang kalagayan mo? baka gusto mong patayin ako ni Martin."

"Bakit ka papatayin nun eh wala namang paki yun sakin?" sabi ko habang tumutulo na yung luha ko.

"hay naku Michelle kung alam mo lang! Oh ayan na si Lucas. Kaya ka pa kaya niyang buhatin eh lasing din itong isa!" reklamo ni Michelle

"Check-in mo nalang ako sa hotel kung walang maghahatid sakin." sabi ko habang naka pikit kasi nga umiikot parin paningin ko.

"Kaya mo bang maglakad Michelle?" tanong ni Lucas sakin nung makalapit siya.

"Dito nalang ako matutulog!" sagot ko habang tumagilid ako para maging kumportable ako sa pagkakahiga. Bigla akong nagulat ng may bumuhat sakin kaya nagmulat ako ng mata.

Muka ni Martin yung bumungad sakin pero dahil nga di ako maka paniwala ay muli akong pumikit pero si Martin parin talaga yung nakikita ko. Di ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko o sadyang lasing lang talaga ako kaya siya na yung nai-imagine ko.

"Humawak ka baka malaglag ka!" Utos niya sakin kaya agad akong kumapit sa leeg niya habang pinagmamasdan ko yung muka niyang mabuti pero dahil nga sa sobra kong kalisingan ay muli akong napapikit at naka tulog.

"Lakas na ng loob mong magsuot ng ganitong damit at makipag flirt sa ibang mga lalaki, dapat sayo tinuturuan ng leksyon eh!" Naririnig kong may nagsasalita habang hinhubad yung damit ko. Gusto ko mang magmulat ng mata ayaw niyong makisama.

Maya-maya naramdaman ko may basang dumadami sa muka na para bang pinupunasan ako pero nanatili akong naka pikit.

"Ewan ko nalang makapag-suot ka pa ng backeless!" Muli kong naring na sabi ng isang lalaki. Di ko alam pero feeling ko may kumakagat sa likod ko.

"Hon, I love you!" Muling narinig ko kaya pinilit kong imulat yung mata ko. Nakita ko si Martin naka higa sa tabi ko wala siyang saplot na pang-itaas yakap-yakap niya ko habang naka higa ako sa braso niya. Nakikita ko sa mata niya yung pagmamahal niya sakin kaya masayo ko siyang sinagot.

"I love you too!" pagkarinig niya sa sinabi ko ay halikan niya ko sa labi na bukal sa puso kong tinangggap at kung panaginip lang iyon sana di na ko magising kasi yung ang Beautiful Dream ko. Dahil wala akong pinangarap at gustong mapanaginipan kundi ang makasama niya.

avataravatar
Next chapter