2 Chapter 01

Enjoy:>

"uy ang daming notebook dun!".sabi ni chloe saka tinuro kung nasaan ang sinasabi niya."mygosh naman bilisan nio maglakad!!!"inis na sabi nito.

hayst ano ba naman itong si chloe parang mauubusan ng notebook.Nasa mall pala kami ngayon para bumili ng gamit,pasukan na kase namin bukas.Excited na nga ako eh.Hihi

"hoy gaga wag kang sumigaw nasa mall tayo oh!wala tayo sa palengke".sigaw na sabi naman ni mira kay chloe.

"ay ano ba yan mag gagabi na,hindi pa kupleto binili natin"sabi ko bago ako umupo sa gilid.

Tinignan ako ng dalawa na parang may sasabihin nanaman sa akin.

"hoy kiara muka ka nanaman bata jan tumayo ka nga"sabi ni mira."bilis!,bibili pa tayo ng damit"saka niya hinawakan ang braso ko para makatayo ako ng maayos.

"anong sabi mo?!"

"ang sabi ko muka nanaman bata!"pag amin naman ni mira sa akin.

Aba nagsalita naman itong piling dalaga kahit na bata bata din naman.

"fyi hindi ako bata,dalaga na ako che!"

Tinaasan niya ako ng isang kilay at sinabing."are you sure ki".aba maka are you are you sure pa itong si mira,kala mo naman kung sino.

"uy girls malapit na magsara itong mall,wag na kayo magtalo diyan wala lang din naman mananalo sa inyo HAHAHA".tumatawa nanaman itong babae parang baliw.

Tinignan ko ng masama si chloe pati nadin si mira ganun din ang tingin.

"ay bat ganyan kayo sa akin,kung makatinigin naman kayo para niyo naman akong papatayin!"sigaw na sabi ni chloe sa aming dalawa ni mira.

__

Nandito nadin kami sa bahay kung saan sama sama na kami dito,si kuya kase sa school na siya natutulog.Si mama at papa naman nasa ibang bansa kaya ngayon kasama ko ang dalawa kong kaibigan dto sa bahay.Dito nadin sila tumitira para daw may kasama ako.

"Nakakapagod mag shopping".Binaba ko na lahat ng binili namin sa gilid ng kama ko.Hihiga na sana ako nang tumabi sa akin si chloe.

Umupo si chloe sa tabi ko at umusod naman ako,sigurado akong may sasabihin nanaman ito o kaya magkwewento nanaman tungkol sa crush niya.

Si mira naman nakahiga nadin sa kama niya,mukang pagod din siguro.

Bat ang tahimik ni chloe,may problema kaya siya hmm.Tinignan ko siya sa muka at malungkot ang itsura nito."chloe ok ka lang ba?"tanong ko sa kaniya,nagaalala na ako sa kaniya eh baka may problema siya tapos ayaw niyang sabihin.

Tumingin siya sa akin at bigla niya akong niyakap.Pagkatapos niya akong yakapin nagtanong naman siya."kiara ang kyut ng kuya mo noh?".Nagpuppy eyes at ngumiti pa ito sa akin.

Binato ko ng unan ang muka niya."hoy chloe nakyukyutan kana ba sa kuya ko ha?!".tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ko ito ng masama.

"ah ako?hindi ah,napopogian ako shunga".Tama ba narinig ko o baka nagkamali lang siya sinabi niya.

"Hoy ang ingay niyo naman!"Sigaw na sabi ni mira."matulog na nga kayo bukas na yung pasok tapos di pa kayo natutulog"sabi niya sa amin bago ulit natulog.

Alam ko bukas na bakit kailangan niya pa ipaalam di kaya ako makakalimutin.

Bago ako magsalita ay inunahan na ako ni chloe."Di ko siya magiging crush ok kahit na maging crush ko yun di niya ako icrucrushback."

Buti alam niya,dami na kayang nireject ni kuya ko."ok lang yan friend makakahanap ka ng iba,pasukan na natin bukas diba madaming gwapo dun".nakangiting sabi ko sa kaniya.

ngumiti naman siya yung ngiti niya parang nanalo sa loto.HAHAHA

"matulog na tayo,antok na ako eh"sabi ko habang inaayos ko yung kama ko.Tumango naman si chloe at humiga nadin sa kama niya.

****

KINABUKASAN

Hay buti naman at umaga nadin.Nasan na kaya yung dalawa bat ang aga naman ata nila nagising tapos di pa nila ako ginising.Mga pekeng kaibigan nga naman.

May bumukas ng pinto kaya nag ayos ako agad agad ng buhok ko ang gulo eh.

"Uy kiara gising kana pala,bilisan mo maligo kana para makapunta tayo kaagad dun"sabi ni chloe habang inaayus niya ang mga gamit niya.

"5 minutes"inaantok na sabi ko.

"Shunga anjan na si kuya mo sa labas ng gate!kaya maligo kana."sabi ni mira pagkapasok niya ng kwarto.

Hindi na ako sumagot at agad akong kumuha ng twalya at nagmadaling pumunta sa cr.

Nang matapos na ako maligo ay pumunta ako sa kwarto.Matagal akong namili ng isusuot ko at sa wakas nakapili na ako,ang sinuot ko ay white pants at black hoodie.

Naghoodie ako dahil alam kong naka aircon ang school nila?siguro naman may aircon dun para di mainit.

Bago ako lumabas ng kwarto ay naisipan kong magprank HAHAHA kay kuya at sa dalawa kong kaibigan.

Go kiara kaya mo toh,ur the best.

"Kuyaaaa tulong!"sigaw na sabi ko habang pinipigilan kong tumawa sa ginagawa ko ngayon."hala wag niyo po akong papatayin may pangarap pa po ako!!!".sana naman gumana ito.

Narinig ko ang pag katok ni kuya sa pintuan at pilit na binubuksan yung pintuan.Napamura pa ito.

"Kiara wag ka magalala andito si kuya!"nagaalalang sabi ni kuya jake.

"Omy mamatay na si girl"chloe.

"Kiara bes pag namatay ka,ako mag aayos ng libingan mo ha!"mira.

Binuksan ko kaagad ang pinto dahil sa sinabi ni mira!

Sasabunutan ko pa sana si mira kaso biglang akong niyakap ni kuya jake.

Grabe naman siya magalala prank lang naman eh.

Bumitaw siya sa pagkayap sakin saka tinignan ako ng masama.Ano yun yayakapin ako tapos titignan ng masama aba mali yun.

Lumayo nalang ako kaagad kay kuya baka kase pagalitan ako. "Ah girls tara na dun sa kotse"sumunod naman ang dalawa sakin.Si kuya naman nakatayo padin,magpapaiwan ba siya eh sino magdradrive?.

"Kuya!"ayan sigawan ko nalang HAHAHA.

Bigla nanaman sumama ang tingin niya sa akin.Ay bahala na nga.Pumasok nalang ako kaagad sa kotse at sumunod lang din naman si kuya.Si chloe at mira ay nasa likod ako naman nasa tabi ni kuya jake.

****

MARTIN LUTHER KING ACADEMY

Nang makarating na kami ay sabay sabay kaming bumaba nila chloe at mira.Si kuya naman ay binababa ang mga gamit namin na nasa likuran ng kotse.

"Wow ang ganda!"

"Sobraaa!"

"Picture tayo dali"kinuha ko ang phone ko at kaagad kong inabot kay kuya para picturan kaming tatlo.

Kinuha naman ni kuya ang phone ko at kaagad kaming pumwesto sa harapan ng school.

"Ok 1,2,3".bilang ni kuya.

"Smile"

Nang matapos kaming magpicture ay kinuha ko ang cp ko kay kuya para tignan ang picture namin.

Nang tignan ko ang mga kuha ni kuya sa amin ay bat ganun ang labo.

"Hoy ang blured naman!"inis na sabi ko kay kuya at pinakita ko sa kaniya yung picture.

Tinignan ako ni kuya ng masama,grabe si kuya trabaho niya na ba ang tignan ako ng masama tuwing magrereklamo  ako!.

"Kiara may pogi oh!akin na yan ah humanap kayo ng iba"sabi ni chloe saka tinignan ulit yung lalake.

Tinignan ko na din ang sinabi niya at waaaa! Ang gwapo nga mas gwapo pa sa kuya ko.

"Kuya ang gwapo nun oh mas gwapo sayo"Nakangiting sabi ko habang nakatingin padin kami ni chloe sa lalake.

Hindi niya ako sinagot at patuloy padin siya sa pagccp.May kachat siguro si kuya.Baka naman may gf na siya,matanong ko nga mamaya.

"Hoy antagal niyo naman jan gusto ko nang pumasok sa loob!"narinig kong sumigaw si mira kaya sinigawan ko din"hoy ka din!,teka lang kase."

"Sumunod kayo sa akin"sabi ni kuya jake sa amin kaya binuhat na nila mira at chloe ang gamit nila,ang gamit ko naman hindi ko buhat si kuya na ang nagbuhat ng gamit ko,lagi naman siya eh edi siya na.

"Akin na yan kuya ako na magbuhat"

"Wag na"sagot niya naman sakin.Edi wag madapa ka san-,"waaa!aray ko yung tuhod ko"sigaw na sabi ko ng madapa ako.Tumawa naman si mira at chloe.Buti nalang di nasugatan.

" Kiara wag ka nga sumigaw,tinitignan na tayo oh"reklamo na sabi ni mira.

Si chloe naman pinipigilan ang tawa.

Pano ako di sisigaw eh nadapa ako, kung siya kaya yung madapa.

Si kuya naman tinulungan akong tumayo.Ang sakit ng tuhod ko huhuhu kawawa si ako si kuya kase.

"Ok ka lang?"nagaalalang tanong sa akin ni kuya jake.

"Ang sakit ng tuhod ko!ikaw kase"inis na sabi ko sa kaniya saka ko siya sinamaan ng tingin.

Tinignan niya ako at sinabing"Sorry".Aba si kuya marunong din pala magsorry.

Hindi na ako sumagot dahil nagmamadali nadin akong pumasok sa loob.Sabay sabay kaming pumasok sa loob nila chloe at mira.Nang nasa loob na kami ay agad na nilabas ng dalawa ang cp nila para picturan ang loob ng school.

Ang loob nito ay napakaganda grabe ang ganda pala ng pinapasukan ni kuya.Buti nalang at dito rin ako mag aaral.

"Tapos na kayo?"tanong ni kuya habang nakatayo sa likod namin.Bc kase kaming nagpipicture ang ganda kase eh.

"Oo"sagot ko naman sa kaniya.

Naglakad na si kuya kaya sinundan namin siya para naman di kami maligaw."uy kiara!"napahinto ako nang may tumawag ng pangalan ko kaya agad kung tinignan si chloe,mira at kuya.

"Uy kayo ba yung tumawag ng pangalan ko?"seryosong tanong ko sa dalawa.

"Hindi ako,alam mong bc ako naghahanap ng pogi dto"sagot ni chloe sa akin.

"Mas lalong hindi din ako"mira.

"Eh sino?"

Napalingon ako sa likod namin"Dito!"sigaw ng isang lalake sa amin.

avataravatar