8 Chapter 6 | Heartbeat

Chapter 6 | Heartbeat

Miley's POV

Patalon-talon ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa kuwarto ni Ate Nicky. Mabuti na lang at napapayag namin si Kuya Kyle sa gusto naming mangyari. Akala ko talaga ay mahihirapan pa kami na kumbinsihin siya, eh. 'Yon pala ay kailangan lang ng kaunting drama.

''I don't really understand Kuya Vince. It seems that he doesn't like ate Nicky at all,'' Rei said, confused. Nakatingala pa siya sa itaas at tila nag-iisip ng malalim. Si Kuya Vince kasi ang pinakatumutol ng magpaalam kami sa kanila kanina.

I shrugged. ''Me, too. Pero alam naman natin na pareho silang suplado ni Kuya Kyle, eh.'' I pouted. Kahit ang totoo ay nagtataka rin ako kung bakit siya biglang naiinis sa tuwing nababanggit o nakukuwento namin si Ate sa kanila.

Pero bago pa man kami dumiretso kay Ate Nicky ay dumaan muna kami sa main office ng school para kunin ang duplicate key ng kuwarto niya.

Oo. Kinuha talaga namin ng walang paalam. Wala rin naman silang magagawa, eh. Sigurado kasing magtatanong na naman siya kung paano namin nagawang buksan ang pinto niya. Baka mamaya ay magsimula na siyang maghinala sa 'min. We shouldn't let that happen.

I know that she's a human, an enemy and a threat to us.

Pero hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay mapapagkatiwalaan namin siya.

I can also feel that she's different. That she's not like those people who are after us just to kill us.

Isa pa ay matagal na rin naming gusto na magkaroon ng taong kaibigan. That's why I'm glad that we finally found one.

Sila Kuya lang naman ang pumipigil sa 'min na makipaglapit sa mga tao, eh. Although I know that they're just doing that to protect us.

Pero kaya naman kasi namin ang mga sarili namin at wala na silang magagawa pa.

''We're here!'' Rei whispered. Pero nagkatinginan kami nang bigla na lang namin siyang narinig na sumigaw mula sa loob.

''I think, we just came in time,'' I said and we both giggled.

-----

Nicole Jane's POV

Kanina pa ko nakatitig sa kisame. Sabado ngaypon at wala akong magawa. Boredom is killing me slowly.

''Ang boring!'' malakas kong sigaw sabay takip ng unan sa mukha ko.

Umalis kasi si Mikan ngayon. Umuwi siya sa kanila at bukas pa ng gabi ang balik niya. Balak ko rin sanang umuwi sa 'min. Pero ng tumawag sa 'kin si Mommy kagabi ay nabanggit niya na nasa ibang bansa daw sila ngayon. So, there's no use. They're the main reason why I want to come home anyway.

I thought that to be alone here was good. Pero hindi rin pala. Sanay naman akong mag-isa kaya hindi ko alam kung bakit ako nababagot ngayon.

Kailan kaya ako magkakaroon ng dormmate? Sana pala kahit papaano ay do'n na lang nila ko nilagay sa kuwarto ni Mikan. Sa pagkakaalam ko kasi ay mag-isa lang din siya ro'n.

''Ang lakas naman ng sigaw mo, Ate. Halos mabulabog ang iba pang mga estudyante rito, ah!'' I almost fell on my bed upon hearing that familiar voice.

I turned my gaze at the door, then my eyes widened while pointing a finger on them.

''Ano na naman ang ginagawa n'yo rito? Paano na naman kayo nakapasok? Wag n'yong idadahilan sa 'kin ang pinto dahil nasisiguro kong naka-lock na 'yan!''

Grabe! Ano ba talaga ang lahi ng mga 'to? Manghuhula ba o ninja? Or maybe both? Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba kong mamangha o kabahan ng dahil sa mga mysterious acts nila, eh. Bigla-bigla na lang kasi sila nasulpot.

Ngingiti-ngiti namang itinaas ni Miley ang isang susi. Napanganga na lang ako nang mapagtanto kong akin 'yon.

''It's my key! How the hell did you have that?''

Nagmamadali kong tinungo ang kinalalagyan ng bag ko. Pero pagkabukas ko nito ay nandoon naman ang susi ko.

''Sa 'yo talaga agad? Hindi ba puwedeng duplicate muna?'' Sinamaan ko siya ng tingin. Namilosopo pa.

''Paano naman kayo nagkaroon niyan?'' Invasion of privacy kaya ang ginagawa nila!

They both shrugged. ''Hindi na importante pa na malaman mo 'yon. Nandito nga pala kami para sunduin ka at may isang exciting na bagay tayong gagawin," nakangiting sabi ni Miley.

Tinaasan ko siya ng kilay nang dahil sa sinabi niya. ''Saan tayo pupunta at ano naman 'yang exciting na gagawin natin?'' nagdududa kong tanong sa kanila.

They're both smirking and I don't have a good feeling about it.

Lumapit sila sa 'kin at tinulak-tulak pa ko papuntang banyo. ''You'll know later. So, you better hurry and we'll wait for you.''

-----

''Ang cute niya talaga!'' Miley squealed on my left side.

''Wag ka nga! Mas cute kaya 'yong star,'' Rei added while clapping her hands on my right side.

Nakaupo kami ngayon sa isang mahabang couch at nasa gitna ako nitong dalawa kaya halos mabingi ako dahil sa lakas ng mga boses nila. While Kira and Hiro were both seated on the single couch at opposite sides. Mabuti na lang at kahit papaano ay wala 'yong dalawang masungit dito. Kapag nagkataon kasi ay baka hindi ko na talaga kayanin pa.

''Ano kayang pakiramdam kapag pinisil ko ang pisngi niya?'' Napa-facepalm na lang ako nang dahil sa sinabi ni Hiro. Seryoso pa ang mukha niya habang sinasabi 'yon.

Seriously? Pati ba naman siya? Kawawa naman ang mga babaeng nahuhumaling sa lalaking 'to.

Napansin ko naman si Kira na tahimik lang sa isang tabi pero halatang nagpipigil ng tawa. Binigyan ko siya ng nagmamakaawang tingin na ilayo ako sa tatlong 'to.

But he just smiled at me. Hindi ko alam kung bakit imbis na mainis ay parang natuwa pa ko.

I'm hopeless!

Na-excite pa naman ako no'ng sinabi nila kanina na mag-mo-movie marathon daw kami. Pero kung alam ko lang na ito pala ang panonoorin namin, eh, di sana ay nagpaiwan at nagmukmok na lang ako ro'n sa kuwarto ko!

I don't know that this was excitement means to them. Ni hindi ko nga alam kung paano nila ako napapayag na sumama sa kanila rito.

Kung tatanungin n'yo ako kung ano ba ang palabas...

SPONGEBOB lang naman! Naloloka talaga ko sa mag-pinsan na 'to. Hindi ko akalain na may mas lalala pa sa topak ni Mikan.

''Can you please keep quiet? Ang iingay n'yo!'' I glared to the three of them that made them shut their mouth.

But after how many seconds of silence...

''Spongebob!''

''Patrick!''

''Squidward!''

Napapikit na lang ako at napailing. They called themselves a prince and princess. But they're acting like a—

Nevermind!

I stood up. ''Nagugutom na ko. Wala man lang bang makakain dito?'' Mataman ko silang tinitigan.

Pero grabe na talaga. Dahil wala man lang sumagot at pumansin sa 'kin. Baka nakakalimutan nila na sila ang nag-imbita sa 'kin dito? Kahit doon man lang sana ay makabawi sila.

I was about to speak again when suddenly, a cold hand held me in my arm and dragged me straight to the kitchen. I looked up to see who it was.

''Kira.'' I muttered. Bakit po ba ang guwapo niya?

He glanced at me and smiled. ''Pagpasensyahan mo na ang mga 'yon, hah. Para talaga silang mga bata kapag magkakasama, eh.''

I gulped and looked away. Why does my heart suddenly beats so fast?

I sat on the stool in the kitchen island while he walked towards the refrigerator and opened it. ''Siguro naman ay kumakain ka ng cake at ice cream. Ito lang kasi ang matinong pagkain na mayroon kami ngayon, eh,'' he said while pulling those yummy foods out.

Pakiramdam ko ay nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang mga binanggit niya. Siyempre kumakain ako niyan. I love desserts and sweets!

Nang mailapag na niya ang mga plato sa mismong harap ko ay agad kong kinain ang laman nito. Kanina pa kasi talaga ko nagugutom.

''You like?'' I offered him. But he just shook his head.

''You can eat all of that.'' Napatango na lang ako at nagsimula na uli akong kumain. Mabuti na lang at kahit papaano ay may napala naman ako rito. Ubos na rin kasi ang stock ko ng mga pagkain kaya nagtitiyaga na lang ako sa kung anong mayroon sa dining hall. Mayaya nga si Mikan na mamili at lumabas pagbalik niya.

Natigil naman ako sa pagsubo nang marinig ko ang marahang pagtawa ni Kira sa tabi ko.

''Why?'' I raised a brow at him. Pero mas lalo lang siyang natawa nang humarap ako sa kanya.

I hit his arm and glared at him. I thought he's different from them. Pero mukhang may sayad rin ata ang isang 'to. Sayang ang pagiging guwapo niya.

But I held my breath when he finally stops laughing and look at me seriously. He leaned in closer, then his right hand landed on my cheek and rub his finger at the side of my lips.

''A-Anong g-ginagawa mo?'' I asked, stuttered. I bit my lower lip. His face was about an inch away from me that I can almost feel his breath.

Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Wait. Is he planning to kiss me?

Dapat ay tinutulak ko na siya ngayon. Pero bakit hindi ko magawa? Saka parang ayoko gawin?

Oh my gosh! Ano na ba 'tong nararamdaman ko? Ang puso ko ay mas lalong nagwawala!

Pero halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang may biglang nagsalita.

''What are the two of you doing?'' Bigla akong nakaramdam ng takot nang marinig ko ang malakas at mapanganib niyang boses. Sabay kaming napalingon ni Kira sa kanya.

Hindi nga ko nagkamali. It's Kyle. Blangko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha.

But his eyes. It's so scary and dangerous. Kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang na tumumba na kami.

''Hey! What is happening here?'' Hiro asked. Nakita ko namang nakasunod sa kanya sina Miley at Reiri na mababakasan ng pag-aalala ang mga mukha.

But they both gasped the moment they turned to us. ''Oh, my! A-Are you guys plan to kiss each other?''

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Miley. Nakaawang pa ang labi niya habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa ni Kira.

Napatingin ako kay Kira at doon ko lang napansin ang awkward position naming dalawa. His hand was still on my cheek and his lips almost touch mine when I turned to him. That's close!

Agad akong napalayo at nag-iwas ng tingin. I can feel that my cheeks are now burning red.

God! Why am I being like this? Para akong teenager na kinikilig ng makita ang crush niya. This is not me. Saka 'yong puso ko. Bakit parang mas bumilis ata ang tibok nito nang makita ko si Kyle?

Bigla namang tumayo at natawa si Kira. Ayan na naman ang nakakaloko niyang tawa. ''Ano ba naman 'yang mga iniisip n'yo? I'm just wiping the icing away at the side of her lips.''

Napailing na lang siya. ''Minsan kasi ay alamin n'yo muna 'yong totoong nangyari bago kayo mag-conclude.'' There was a hint of amusement in his voice.

Tila bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Ayon lang pala. Ang assuming ko rin kasi, eh. Kung bakit naman kasi kailangan niya pang ilapit ang mukha niya ng gano'n, 'di ba?

''Wala kaming pakielam kung maghahalikan kayo o ano. Just make sure that you are going to do it somewhere private.''

Biglang nag-init 'yong ulo ko nang dahil sa sinabi ni Kyle. Gano'n ba ang tingin niya sa 'kin? May nalalaman pa siyang 'Just trust me' tapos kung anu-ano lang din pala ang iniisip niya tungkol sa 'kin.

Magsasalita pa sana ko pero paglingon ko ay bigla na lang siyang nawala.

Kaasar! Natakasan na naman ako!

-----

Kyle Ethan's POV

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung tama ba na pinayagan ko sina Miley at Reiri na dalhin dito sa mansyon si Nicole. Kahit pa inako naman nina Kira at Hiro ang responsibilidad kapag nagkataon.

Ang akala ko nga no'ng una ay sasang-ayon din pati si Vince. Mabuti na lang at pareho kami ng iniisip at inaalala sa maaaring mangyari kapag nagkataon. Tutol din kasi siya sa gustong mangyari ng dalawang prinsesa.

Sa totoo lang ay tututulan ko sana ang gusto nila pero padabog na tumayo si Miley at buong tapang na sinabi sa 'kin ang mga salitang, 'Whether you like it or not, isasama pa rin namin si Ate Nicky rito!'

Napailing na lang ako. Kung sagutin ako akala mo ay siya ang panganay. Kahit si Rei ay gano'n din kay Vince.

But I'm just afraid that she might discover something. I don't really know what to do, especially for her, once she found out about our secret.

Kahit ilang beses ko pa sabihin sa kanila na tao si Nicole ay ayaw nilang makinig. Patuloy nilang ipinilit na mapagkakatiwalaan namin siya.

Kaya sa bandang huli ay wala na kong nagawa kung hindi ang pumayag. Sa kondisyon na babantayan nila ang bawat kilos nito.

Pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari. Lalo pa at masyado na silang napapalapit sa taong 'yon. Kahit nangako sina Kira at Hiro na sila ang bahala ay hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba.

Wala ngayon sa mansyon si Vince. Hindi kasi niya nagustuhan ang naging pasya ko. Isa pa ay nasisiguro ko na binabagabag pa rin siya ng nangyari no'ng nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na nagawa siya nitong kontrahin sa pagbabasa ng isip nito.

Sa totoo lang kahit ako ay may hiwaga rin na naranasan na may kinalaman sa kanya, noong araw na nakita ko siya sa hallway na nakaupo sa sahig.

I felt something on my arm that day. But what bothers me the most is when I sense that she's in danger.

Agad akong tumayo no'n at naglakad paalis. Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang hanapin at puntahan. It felt like we're connected.

I tried to find her scent, but there's no luck. Maybe because she is now wearing her bracelet.

Then there I saw her.

Ipinilig ko ang ulo ko ng muling maalala ang pangyayaring 'yon. Ang totoo niyan ay gusto ko rin namang makita at makasama si Nicole ngayon.

But that thought scares me. I shouldn't feel this way. Kaya mas mabuti na ang umiwas habang kaya ko pa.

I was reading a book in my room when suddenly, I heard Nicole shouting downstairs. I think I already know the cause of her rants.

Sinabihan ko na sila na wag mag-iingay. But what do I expect to them anyway?

Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay napakunot noo naman ako nang bigla ko na lang narinig ang boses ni Nicole na parang kinakabahan.

''A-Anong g-ginagawa mo?''

Bigla akong napatayo. At first, I was hesitating if I should go to her or not. Alam ko naman na walang masamang gagawin si Kira sa kanya. I just want to make sure because I felt like she's my responsibility.

But it's me who has been surprised of what I saw. Their faces were too close to each other. While Kira's hand was on her cheek and his finger was at the side of her lips.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng galit. Parang gusto ko silang paghiwalayin at ilayo sa isa't isa.

''What are the two of you doing?'' Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. It sucks.

Sabay silang napalingon sa 'kin. Halata sa mukha ni Nicole ang pagkagulat. Pero si Kira ay tila wala lang.

But I know that he's nervous. Bata pa lang kami ay magkasama na kami. Kaya kilalang-kilala ko na siya at madali kong napapansin ang mga bagay na hindi nahahalata ng iba.

Nang dahil sa sobrang inis ay may mga nasabi akong salita na hindi ko naman talaga gustong sabihin. Kaya bago pa man ako makagawa ng hindi magandang bagay ay napagpasyahan ko na umalis kaagad.

Dumiretso uli ako rito sa kuwarto ko at pasalampak na umupo sa ibabaw ng kama. Nakatitig lang ako sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gano'n ang naging reaksyon at naramdaman ko.

I looked up when I heard someone cough. There I saw Hiro leaning his back against the wall with his arms crossed.

''Noong una kay Vince tapos ngayon naman ay kay Kira. Baka naman ako na ang sunod mong pagselosan niyan, hah?''

I narrowed my eyes at him. What the hell is he talking about?

I let out a mocking laugh. ''Pagselosan? Bakit naman ako magseselos? Puwede ba, Hiro, kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka na lang,'' I coldly said.

He chuckled. ''Oo nga naman. Bakit ka nga naman ba magseselos?'' he said teasingly. Hindi ako nakaimik.

''Well, ikaw lang din naman ang makakasagot niyan.'' He grinned at me then walked out.

When he left, I automatically put my hand on the left side of my chest. For the very first time, it's beating so damn fast.

It's all because of a girl. A human to be exact.

What is the meaning of this?

avataravatar
Next chapter