1 Prolouge

"Ren, tignan mo oh!Nagawa kong singsing yung bulaklak!"

Masyado pa kaming musmos nuon. I was about 6 years old at kasing edad ko lang si Ren.

"Celine, para saan naman yan?",tanong ni Ren sa'ken habang naghahanap nang hindi ko mawari sa halamanan.

"Hmm... ano nga ba... ah!Tama!E-engagement ring? Oo,engagement ring ito!", sabi ko nang may malaking ngiti sa mga labi ko kahit na ba ba wala akong isang ngipin sa harapan.

"E para naman kanino yan?", tanong niya at bigla na lamang siya sumibangot.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit sabay nilagay sa daliri niya ang singsing na bulaklak na ginawa ko.

"Iyo yan kasi paglaki natin papakasalan kita, Ren!", tunay na napakabata ko pa nuon at hindi batid kung ano ba talaga ang kahulugan ng mga sinasabi ko.

Sa una ay nagulat si Ren sa ginawa ko ngunit sa pag-ngiti niya sa akin batid ko na nagagalak lamang siya sa pinapakita kong affection sa kaniya.

Dinampi niya ang kamay niya sa ulo ko sabay halik sa pisngi ko na akin namang ikinagulat din.

"Yan!Engagement kiss natin!", deklara niya.

Sabay kaming tumawa sa kalokohan naming dalawa, at mag-aasaran pa sana nang biglang dumating na si mama at papa para pauwiin kaming dalawa.

Ako at si Ren ay tunay na magkapatid. Malapit kami sa isa't-isa dahil na din siguro fraternal twins kami kaya sa halos lahat ng bagay ay magkasundo kami.

Ang hindi ko nga lang inaasahan ay ang maaga niyang pag-alis sa mundong ito.

I was 10 years old. Si Papa at Ren ay may mahalagang event na pupuntahan para sa family business namin.

Ngunit hindi na sila nakabalik pa.

Nabunggo ang sasakyan ni papa sa isang truck, at nasa backseat nun si Ren.

Dead on arrival sila parehas sa hospital at naging hit and run naman ang nangyari na aksidente dahil hindi nahuli ang driver ng truck.

"Mama, ano pong nangyari kay papa at Ren? Bakit po sila hindi gumigising?"

Mom, couldn't speak. Ang mga paghikbi niya lamang ang naririnig ko. I couldn't understand then that dad, and Ren are no longer in this world at ililibing na sila right before my eyes.

I really thought that they were only sleeping.

Sobrang sakit mawalan nang pamilya pero kinailangan naming parehas ni mama na maging malakas at magpatuloy sa buhay namin. Mom became busy running the family business, and I was left at home alone most of the time.

Halos wala na siyang panahon nuon sa'kin kaya paminsan-minsan ay tumatakas ako mula sa bahay at pumupunta mag-isa sa lumang hardin kung saan palagi kaming naglalaro ni Ren. I remembered it as it was na parang kahapon lamang ay nagtatakbuhan kami at nagtatawanan ni Ren. It was the one place that I felt like I wasn't alone, that my brother wasn't gone.

Ilang taon ang lumipas hanggang sa mag-13 years old ako at nakilala ni mama ang papa ni Ryun.

The family business went under at napakalaking pera ang nawala kaya kinailangan namin ni mama lumipat ng bahay. I was no longer a rich heiress, and mom was just an ordinary mom who took it on herself to raise me all alone. Nakahanap siya ng trabaho malapit sa tinitirahan namin, and at her new job she met Ryun's father who was the director of their department.

Naging mabilis ang mga pangyayari.

Ryun's father pursued my mom relentlessly at hindi nagtagal nahulog ang loob ni mama at natutunan niya na magmahal muli.

Ikinasal sila after I turned 14 at nalaman ko lamang sa mismong kasal nila na mom's new husband has a child my age. Nagkaroon muli ako ng kapatid na lalake na kasing-edad ko. Ngunit hindi ko siya matrato bilang kapatid ko dahil para sa akin ay si Ren lang ang nag-iisa kong kapatid at hinding-hindi siya mapapalitan sa puso ko.

I was reluctant to open up to Ryun at first, at hindi ko siya pinapansin sa mga unang araw na nag-umpisa kaming manirahan sa bahay nila.

But Ryun would find ways to make me smile. He would crack a joke he saw on television o kaya naman ay aasarin ako kahit alam niyang naiinis na ako.

Eventually, we got closer with time and our family was happier more than ever.

Pero isang trahedya nanaman ang sumira ng dapat ay isang masayang pamilya na matagal na naming pinapangarap ni mama.

"Calling emergency at...."

"Bilis!"

"Tulungan niyo!"

"May buhay pa ba?"

"Bilisan niyo ang kilos!"

"Ma....ma..."

"May buhay pa!"

"Celine....."

"Dalawa sila!Bilisan niyo!Isugod niyo sila!Bilis!"

Nagising na lang ako na puro kulay puti ang nakikita at si Ryun na nakaupo sa kama na katabi lang ng kama ko.

"Nasaan... ako?"

"Don't strain yourself, dear. You are safe, now."

Medyo nahihilo pa ako pero sinubukan kong umupo at nagawa ko naman sa tulong ng nurse.

"S-salamat po.A-asaan po ba ang mama ko?Ang papa ko po?"

Nakita kong nag-alangan ang nurse at iniba niya na lang ang takbo ng usapan pero dahil gusto ko talagang malaman pilit ko pa rin siyang tinanong kahit na ba sa tingin ko ay alam ko na kung bakit hindi niya masagot ang mga katanungan ko.

"Miss..."

"Sabihin niyo po sa'kin!", sabi ko habang pinipigilan ang nanginginig kong boses at pigil na pigil na mga luha. Sa mga panahon na iyon naramdaman ko ang buong katawan ko na nanginginig sa pangamba.

Hindi maaari ito.

I was finally happy again! Mom, my step-dad and my step-brother. We were happy again!

"Kumalma ka muna, iha. Ang totoo niyan you're parents are—"

"Ako na po ang bahalang magsabi sa kanya, miss.", biglang nagsalita si Ryun na kanina pa nakayuko ang ulo at parang wala sa sarili.

"Pasensya na talaga sa inyong dalawa pero ayos na ba ang pakiramdam mo?", Tanong ng nurse kay Ryun.

"Opo,hindi naman po ganoon kalaki ang natamo kong mga sugat.Medyo masakit nga lang ang katawan ko pero nakapagpahinga na rin po ako at sa tingin ko kaya ko na atleast ang maglakad o tumayo.", aniya sabay pilit ng ngiti sa nurse.

Bumuntong hininga ang nurse, at umalis para bigyan kaming dalawa nang tsansa na mag-usap nang masinsinan. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, at nakita ko na may bandage ang paa niya.

Ang sabi niya hindi gaano kalaki ang natamo niyang sugat! Anong hindi malaki diyan?!

"R-Ryun, A-ayos ka lang ba talaga?"

Ngumiti siya sa'ken at umi-ika-ika habang naglalakad papalapit sa kinalalagyan ko. Umupo siya sa gilid nang kama ko, at tumingin sa'ken. Hindi maipagkakaila na puno ng  lungkot ang mga mata niya.

Napansin ko din ang pamumula sa gilid ng mga mata niya. He must've been crying all alone.

"Si mama at papa... patay na sila, Celine.", para akong sinaksak nang ilang bilyong kutsilyo sa dibdib nang marinig ang mga salita na yun. Mayroon na akong kutob sa kung ano ang nangyari pero napakasakit pa rin na malaman ang totoo.

Tinakpan ko ang bibig ko at umiyak. Ayoko man na makita niya ako sa ganitong kalagayan pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at mariin na pinisil iyon.

"Ngayon tayong dalawa na lang ang mayroon ang isa't-isa kaya ipinapangako ko sa'yo. Hinding-hindi kita papabayaan, Celine. Hinding-hindi kita iiwang mag-isa."

Paano siya nakakasigurado? Paano ko malalaman na hindi niya talaga ako iiwan? Ngayon na wala na ang mga magulang namin hindi niya na ako responsibilidad pa dahil... hindi naman kami magka-dugo.

"Hindi naman kita ka-anu-ano, Ryun. Hindi kita tunay na kapatid, mag-isa na lang ako... kay—", hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinigit para yakapin at kahit na itago niya, alam kong lumuluha na din siya sa pagkakataong iyon.

"Huwag mong sabihin yan,Celine. Huwag mo naman sana akong itaboy. Huwag mo kong iwan. Ikaw na lang ang nag-iisa kong 'pamilya' kaya naman pakiusap kahit hindi tayo tunay na magkapatid huwag mo akong iwan. Sawang-sawa na akong mag-isa.", naririnig ko ang mga hikbi niya at nararamdaman ko na pumapatak ang mga luha niya.

Ryun...

"Nang makilala kita at ang mama mo, at naging isa tayong pamilya naramdaman ko muli ang maging masaya pero nang mawala parehas ang magulang natin halos madurog ang puso ko. But I thought of you, Celine. Inisip ko na kailangan kong maging matatag para sa iyo. Kaya naman Celine huwag mong alisin ang nag-iisa kong rason para mabuhay. Let me take care of you, please.", Nang sabihin niya yun ay may kakaiba damdamin ang umusbong sa dibdib ko. I started crying harder, at hindi ko na napigilan pa ang mapa-hagulgol.

"I'm so sorry at hindi ko man lang nailigtas ang mama mo at papa ko pero nangangako ako na hinding-hindi kita iiwan, Celine.Kahit matanda na tayo at uugod-ugod... pamilya pa rin ang ituturing ko sa'yo. Mahal kita... higit pa sa inaakala mo."

The two of us hugged each other tighter. As if, we were both scared to let go of each other.

"Mahal rin kita,Ryun."

When he told me he loves me nakaramdam ako nang saya na hindi ko lubusang maintindihan.

Ang tanging alam ko habang nasa mga bisig niya ako... ay ligtas na ako.

Mula sa sakit na nararamdaman ko, sa lungkot na patuloy na bumabagabag sa puso ko.

Lahat iyon ay para bang pinawi ng mga kataga na binitiwan ni Ryun.

And, it was then that I decided to never let go of him too.

avataravatar