webnovel

1 Prologue

Warning: Matured Content

R-18

Prologue

- Isabelle's POV -

"Please.... Isabelle.... Your sister deserve better..." Nagmamakaawang saad nito habang nakaluhod sa harap ko.

Kung ako ba ang nasa sitwasyon ni Giselle, magmamakaawa ka din ba sa kanya?

"Please.... Kahit ito lang, Isabelle. Pagbigyan mo na ang kapatid mo." Saad pa nya habang nakaluhod parin sa harap ko.

"Tumayo ka nga dyan, ma." Saad ko at inalalayan syang tumayo sa pamamagitan ng pag hawak sa magkabilang siko nya.

"Please naman, Isabelle. Kahit ngayon lang." Saad pa nya. Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kung hindi ang pumayag. Makalipas ang ilang araw ay may ipinadala sa aking marriage contract na kailangan kong pirmahan.

Kaya nagmamakaawa si Mommy sa akin ay dahil ayaw nyang makasal ang kapatid ko sa isang lalaking matandang muhkang halimaw. Ganyan ang sinasabi ng mga tao kay Isaiah Simmons.

Pag may nakarinig ng pangalan nya ay ang matandang uugod-ugod na agad ang pumapasok na ekspresyon ng mga tao sa kanya.

Well, hindi pa napapatunayang totoo ang mga rumors sa kanya dahil wala pang nakakakita sa kanya.

Kahit ang kompanya nito ay hindi sya kinakailangan para lang mabuhay.

Ibig sabihin nabubuhay mag-isa ang kompanya nya kahit hindi sya masyadong active.

'Kailangan mong pumunta ng bahay ko. Wag kang magsasama ng kahit na sino. Narito ang address.'

- Mr. Simmons

Iyan ang sulat na kalakip ng marriage contract na ibinigay sa kanya.

Matapos nyang pirmahan ang marriage contract ay agad nag-impake.

Wala namang akong masyadong gamit dito kaya madadala ko lahat iyon.

KINABUKASAN ay agad bumungad sa akin ang pangalan ko at pangalan ni Mr. Simmons.

Muhkang headline kami ngayon, ahh.

Kahit na saan sya tumingin ay pangalan nila ng 'asawa' nya ang nakikita nya hanggang sa dumating sya ng bahay nito.

- To Be Continued -

(Sun, April 11, 2021)

Next chapter