webnovel

Marry Me Kuya!

Nine years ago, with the age of eleven I married him. While walking on the aisle with my dying father, I looked at him. My seventeen year old groom. I knew all along that I was only a child in his eyes. But I promised back then. That he alone would be my husband till I die. But that was a long a time ago. A very long time... Now with the beauty of a nineteen year old lady, I stood in front of him. A shocked expression was all registered in his handsome face just like Nine years ago... Where I shouted at him. "MARRY ME KUYA!" **** This is Book 1, you can check next the Book 2 entitled Divorce Me Kuya All Rights Reserved #EARL0007

EARL0007 · Teen
Not enough ratings
47 Chs

Chapter 33: Their Promise

"Love would never be a promise of a rose garden unless it is showered with light of faith, water of sincerity and air of passion"

***

Eiffel's PoV

"Did you see how big the shark is Hubby?" puno ng excitement na tanong ko habang naglalakad kami papunta sa Under Water Tunnel. Nakangiting tumango lang si Kuya Clyde at nagpatuloy sa pakikinig sa akin.

Nasa Manila Ocean park kami ngayon, Sunday kaya nang walang magawa sa bahay ay niyaya niya ako dito sa Aquarium. Dahil di pa ako nakakapunta sa lugar na ganito ay agad naman akong pumayag.

Magkasiklop ang mga kamay naming naglalakad at nililibot ang buong lugar.

Pinanood namin ang mga dancing jellyfish, tas nakapanood narin kami ng show ng mga Sea Lions at Penguins!

Nang namataan ko na ang nasabing tunnel ay agad ko siyang hinila papasok.

Grabe! Ang ganda! Andaming mga ibat ibang uri ng isda ang naroroon.

Hinawakan ko ang salamin at kinatok ung maliit na flouder na nasa harap ko.

Dinedma lang niya ako at natawa tuloy ako. Tapos biglang pumasok ung mga babae na nakacostume as mermaids! They are so beautiful and full of elegance habang nalumalangoy kasama ng mga isda na tila sumasayaw tulad nila!

Yung isang mermaid na pink ang buntot ay lumangoy sa tapat ko at kumaway sa akin. Tuwang tuwa akong kumaway pabalik saka kinalabit si kuya clyde

"Hubby! She waved at me!"

"Hindi, naguwapuhan lang sa akin yun kaya nagpacute" he disagreed at natawa ako nalang ako. "Opo, kayo nang guwapo, don tayo sa Snow World!" pakikisakay ko nalang.

"Teka, di ka ata naniniwala!" angal niya habang nagpatuloy kami sa paglalakad

"Ha? Siyempre naniniwala ako! Sinong nagsabing pangit ang asawa ko?" inosenteng sagot ko.

Pero alam niyang I'm just being sarcastic with him.

"Magkaliwanagan nga tayo Mrs. Fuentabella-" pero di na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinatak ko na siya ulit don sa pila para makapasok sa loob.

"Hindi kaya malamig sa loob hubby?" tanong ko

"Psshhh. Wala yan! Sabon at bubbles lang yan" sagot niya

"Pero ang tawag ay Snow World"

"Nako, maniwala ka sa akin, baka nga Surf lang yang snow nila" aroganteng sagot niya.

'''""

"A-Akala ko ba s-sabon at b-b-bubbles lang to hubby?" tanong ko habang nangangatog ang mga ngipin ko sa lamig.

"A-Akala k-ko din, m-malay ko bang n-negative zero a-ata tong b-blower nila. A-at y-yelo instead of s-snow ang pinapaulan nila." Mautal utal na sagot niya habang yakapyakap ang sarili.

Parehas kaming nakasuot ng makapal na coat at winter boots per hindi ito sapat para mabawasan ang lamig sa loob. May mga nakatayong Christmass trees at madaming mga Santa statues sa loob, completo rin ang mga Raindeer at mga Polar Bears at akala mo ay nasa North Pole ka nga sa sobrag lamig.

"L-Let's get out of here" saad niya at tumango ako.

I already experienced snow when I was in Britain and it wasn't as cold as this place is!

Nauna siyang naglakad sa akin para alalayan sana ako pero hindi pa siya nakakatatlong hakbang ay nadulas na siya. Bumalibag ang likod niya sa makapal na yelo at lahat ng tao ay napalingon sa kanya

"Hubby!" puno ng alalang lalapitan ko na sana siya.

Agad siyang tumayo and acted cool na parang walang nangyari "I'm o-okay" sabi niya pero alam kong iniinda niya ang likod niya sa sakit ng pagkakabagsak.

He tooked another step at nadulas ulit siya. Napangiwi ako at pati ang mga ibang taong nakakita.

"Huh!" inda niya at nanginginig na tumayo "W-Wait I'll help you!" sigaw ko pero umiling siya

"K-Kaya ko to!" determinadong sigaw niya pabalik at tumayo for the third time. Nang makatayo siya ay dahan dahan siyang humakbang. He looked at me and smiled na parang napakalaking achievement na ng nagawa niya. But, wala pang limang hakbang ay nadulas ulit siya ay nagpagulong gulong. Napasinghap ang lahat maski mga matatanda.

I didn't know why pero imbes na maawa ako sa kalagayan niya ay natawa ako. Pinilit kong pigilan pero hindi ko kinaya at napahagikgik na ako sa kakatawa. Hirap na tumayo siya at gualt na tumingi sa akin "did you just laugh at me?" tanong niya. Umiling ako pero in the end ay natawa parin ako.

"Ah ganon!" inis na sigaw niya at dahan dahang lumapit sa akin. Dahil alam ko na ang gagawin niya ay tumakbo ako papalayo habang tumatawa "I-I'm sorry!" sigaw ko pero mabilis na nahabol niya ako dahil nasa patag na kaming lugar.

"Walang sorry sorry rito!" sigaw niya. Hinawakan niya ang bewang ko at binuhat ako saka pinaikot ikot.

Tawa ako ng tawa "Tama na!" nagmamakawang saad ko pero nataawang nagpatulyo siya. Narinig ko rin ang mga tawanan din ng mga taong nakakapanood sa kulitan namin.

Nadulas siyang muli ako at nagpagulong gulong kami sa malamig na sahig habang tumatawa sa kabaliwan namin.

He was on top of me nang natigil kami sa pagulong. His face was so close to mine. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang hiblba ng buhon na tumatabing sa mukha ko.

"Serves you right" ganti niya sabay belat. At sabay kaming tumawa.

After that kulitan, we had our lunch in one of the resto kung saan ay kitang kita ang karagatan. The scenery was so perfect at we both enjoyed it.

Pero nang mapansin ni kuya Clyde ang pagdilim ng kalangitan ay niyaya na niya akong umuwi, dahil contented na ako sa mga ginawa namin ay pumayag ako.

Bumabyahe na kami pabalik sa bahay namin nang bumuhos na ang malakas na ulan. And since he didn't want to sacrifice our safety, he decided na magpatila muna kami ng ulan. We both saw a Chapel near kaya hindi na kami nagdalwang isip at pumasok na doon para sumilong.

It was a small chapel at walang tao, buti nalang at bukas ito.

Pagpasok namin ay nagsign of cross kami. Sumilip ako sa bintana at napatingin s mga nagtataasang puno na nakatanim sa tabi. Pero hinatak ako ni kuya Clyde papunta dun sa lamesa, kinuha niya ang puting table cloth at ipinalibot sa akin. "I think God wouldn't mind me borrowing His table mantle." Sabi niya at napangiti ako. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya na nabasa dahil sa ulan and flashed a sincere smile.

Umupo kami sa unang baitang ng hagdan sa tapat na lamesa. Ang lakas ng ulan sa labas pero dahil sarado ang binatana ng chapel ay mahina lang ang maririnig mong ingay mula sa labas.

"It's so peaceful being inside God's house isn't it?" tanong ko at nakangiting nilibot ko ang panigin ko sa loob ng chapel.

Lumuhod ako at pinagsiklop ang dalwang kamay at humarap sa cross of Christ., taimtim na nagdasal.

"What did you pray?" tanong ni Kuya Clyde.

"I thanked God for being able to spend this moment with you inside His house" sagot ko.

"Hmhh... Siguro after nine years pwede na." sabi niya. Nagtatakang lumingon ako sa knaya "what are you talking about?" tanong ko.

He smiled at me "After nine years, pwede na tayong magpakasal sa simbahan"

Agad akong namula sa sinabi, "y-you're going to marry me again?"

"Yup!" Sagot niya at kinuha ang kaliwang kamay ko.

"Nine years from now, hindi ka na under age, you're already twenty. Pwede narin tayong magkaroon nang grand wedding just like mom wants, my family and your friends will be our wedding entourage. You'll be able to wear a veil and our wedding ring will already fit on your ring finger. We'll have the priest lead the ceremony just like in TVs. I'll be able to shout in the whole world that you're my bride and I'll be able to kiss you in front of everyone." Puno ng excitement na kwento niya.

Why do he have to make me blush? It was so heartwarming hearing him like this. Ang saya saya ko cause he himself is already imagining and planning being married to me for the second time.

It was already a dream came true when he married me seven months ago, but imagining the to be married again to this awesome guy in front of me is more than a dream and I don't know if I could be happier than now.

"Nine years from now you will be legally married to me." He stated.

Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa pisngi ko feeling the warmth coming from it. "It would be an honor to be married to you for the second time" sagot ko.

Pinalibot niya ang braso niya sa akin at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya,

"Madami pa ang mangayayri sa sampong taon. We'll celebrate our first anniversary sa Vigan or other country if you want then pag nagthird year highschool ka na, gusto ko ako ang escort mo sa prom night mo, ayoko ring may ibang magsasayaw sayo. Tapos pagkagraduate mo ng highschool magcocollege ka na, ihahatid at susunduin kita lagi. Then you'll be eighteen and will have you're debut party. I'll dance with you all the night." Dagdag niya

"Madaming madami pa ang mangyayari sa iyo at gusto ko sa bawat hakbang na gagawin mo ay kasama mo ako"

Ang dami niyang plano para sa akin. And I find it cute on how possessive he really is.

"Hmm... In one condition" singit ko at kumalas sa pagkakayakap niya.

Biglang kumunot ang noo noya at nangingkit ang mga matang tiningnan ako "Bat may kondisyon pa? Ayaw mo ba sa akin?" mapanghinalang tanong niya.

Natatawang umiling ako "I hope that you will also learn to rely more on me." saad ko

He chuckled "Yeah..."

Hinawakan niya yung tela na nakapatong sa balikat ko at inayos sa ulo ko.

"You look like a bride" comment niya at nagblush ako agad.

"Since we're already here in the house of our Father, I'll take this chance" pahayag niya

He took my left hand and closed his eyes.

"I Clyde Dale Fuentabella, take Eiffel Earl Sinclaire as my wife." Pagsisimula niya at mapigilang ang sarili kong hindi matuwa. He opened his eyes and looked at the big Crucifix.

"Infront of God and sooner, in front of everyone, I promise to cherish you. Even if it takes a thousand years, never will I get tired of being with you. Even if eternity itself fades, I will stay yours. And even until my last breath, you will be my one and only beloved wife." He promised and kissed my hand.

I felt tears streaming down my cheeks. Oh God, how can I ever thank You for giving me this man?

I bit my lips to stop the tears and looked at him

" I-I Eiffel Earl Sinclaire promise to cherish you. I p-promise to the best wife I can be for your sake. I promise that I will stay yours even if I no longer can open my eyes, I p-promise to love you and only you." Lumuluhang pangako ko. He just stared at me with a warm smile.

"I will always take you, Clyde Dale Fuentabella as my husband, the half of me, the one I will share my whole life with and the one I will forever love" dagdag ko and he extended his hand, wiping my tears.

"I may now kiss the bride" pahayag niya and flashed a dangerous grin.

Grabe! Parang may usok na lumabas sa tenga ko at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko!

Utang na loob! Wala naming ganyanan! Baka di ko kayanin,

Ang awkward naman kung macoconfine ako sa hospital dahil sa high blood of being so kilig!

"T-Teka H-Hubby..." pagpupumiglas ko.

"Sshhh..." hinawakan niya ang pinsgi ko at inilapit ang mukha niya! Grabe! Di ko to kakayanin!

I forcedly closed my eyes. But instead of kissing me on the lips like everyone does, he kissed me on my forehead. I instantly opened my eyes and looked at the smiling man in front of me.

Pumikit siya at pinilig ang noo niya sa noo ko.

"This is enough for now" saad niya and chuckled.

"Save your kiss because I'll definitely snatch it away when once you turn eighteen." Pagbabanta niya and I just chuckled.

He extended his hand and reached the necklace that is around my neck.

He smiled while looking at the ring attached on the silver necklace which was exactly like the one his wearing.

"This ring is the proof of my promise of a having a bright future with you Eiffel" saad niya at hinalikan iyon.

I just smiled and closed my eyes.

Muli niya akong ikinulong sa kanyang mainit na yakap at walang angal na nagpaubaya naman ako.

How I wish time would stop right now, how I wish that even in the next 10 years ay ganito parin kaming dalawa.

Wala naman sigurong mangyayring ikasisira ng lahat diba?

Hindi naman siguro masisira ng ibang tao o ng ano man ang pagmamahalan namin diba?

We stayed like that and kept silent, enjoying the company of each other. Listening to the rain that drops outside the chapel.

Panginoon ko, hindi na po ako hihiling pa ng mas higit na kasiyahan. Dahil sobra po ang kasiyahayang ibinigay niyo sa akin. Ang makasama ang lalaking minamahal ko ay lubos ko na pong ipinasasalamatan.

Taimtim na panalangin ko.

Yes for now, this is enough...

I smiled as I felt contented.