webnovel

Marry Me Kuya!

Nine years ago, with the age of eleven I married him. While walking on the aisle with my dying father, I looked at him. My seventeen year old groom. I knew all along that I was only a child in his eyes. But I promised back then. That he alone would be my husband till I die. But that was a long a time ago. A very long time... Now with the beauty of a nineteen year old lady, I stood in front of him. A shocked expression was all registered in his handsome face just like Nine years ago... Where I shouted at him. "MARRY ME KUYA!" **** This is Book 1, you can check next the Book 2 entitled Divorce Me Kuya All Rights Reserved #EARL0007

EARL0007 · Teen
Not enough ratings
47 Chs

Chapter 19: Dinner

"You will serve your husband dinner tonight by your own hand...not because you are beneath him... because you are more"

***

Eiffel's PoV

I woke up with a smile registered on my face. Umupo ako sa pagkakaupo sa kama ko at nagising si Puffy na katabi kong natulog. I smiled and embraced her at saka tumingin sa kalendaryo. The date today was encircled with a red marker as an indication of today's occasion.

As a daily routine, I went to the kitchen and prepared our breakfast habang sunod ng sunod sa akin si Puffy.

Katatapos ko lang ayusin ang lamesa ng bigla lumabas ng kuwarto niya si Kuya Clyde at umupo na sa lamesa.

"Good morning Hubby" nakangiting bati ko sa kanya pero nawala ang mga ngiti ko ng tinitigan ko ang mukha niya.

Lumapit ako at wala sa sariling hinawakan ang pisngi niya.

"You look terrible Hubby!" I commented as I inspect the dark circles under his eyes.

He looked so sleep deprived at wala siyang energy, ang gulo rin ng buhok niya.

Bigla akong namula ng marealize ko ang ginawa ko kaya agad kong binawi ang kamay ko na parang napaso.

"B-Bat ang lala ng eyebags mo? Didn't you sleep well last night?" nagaalalang tanong ko habang sinasalinan siya ng gatas sa couple mug namin.

"Ughhh. I stayed up all night finishing that damn presentation for our company" he answered and took a sip from the mug.

Naawa tuloy ako sa kanya. Even though he's still a college student ay tumutulong na siya sa pagmamanage ng company nila plus the fact that he is already under training to be the next CEO of the Fuentabella Financial Group.

"Then you should rest for today" I suggested.

"I can't, aayusin ko pa ang group project namin sa marketing." He answered while eating.

"I guess I should make you a coffee to wake you up" I said and walk to the kitchen.

Habang ginagawaan ko siya ng kape ay hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng disappointment.

He didn't remember.

I slapped both of my cheeks "No Eiffel! In this way you can surprise him!" masiglang sabi ko at kinuha na ang tinimplang kape at dinala sa lamesa.

"Here Hubby" abot ko sa kanya at sinabayan na siya sa pagkain.

Pero hindi pa niya natatapos ang pagkain niya ay biglang naring ang phone niya at agad naman niya itong sinagot.

"Hello?" groggy na sagot niya while I just kept on watching him nang biglang nagiba ang reaksyon niya at napalitan ng galit.

"WHAT?! Alam mong ang tagal nating ginawa yan!" dumadagundong na sigaw niya na siyang ikinagulat ko.

"Damn! Why did you have to be so reckless! You know that it was for our final grade!" he continued on shouting.

"Wait for me! Papunta na ako!" sigaw pa nito at nang gagalaiting pinatay ang phone niya.

He drank his coffee with just one gulp at tumayo na para kunin ang gamit niya. Tumayo rin ako para tulungan siya.

Dahil maulan ang panahon sa labas ay kinuha ko mula sa closet niya ang gray coat niya at pulang scarf saka nagpunta na sa sala. I saw him sitting down habang sinusuot ang rubbershoes niya.

"What happened?" tanong ko habang inabot sa kanya ang coat niya "nacorrupt yung files na naglalaman ng group report namin, and now I have to deal with it" naiinis na sagot niya at tumayo habang sinusuot ang coat niya.

"Sige magiingat ka. Don't drive recklessly and don't skip lunch" bilin ko at tumungtong sa upuan para maabot siya saka pinalibot sa leeg niya ang scarf. He just nodded as he slightly blush.

"I know this is quite impossible, but have a nice day" I smiled as I bid him farewell.

"Yeah, see you tonight" he replied at lumabas na ng bahay.

Naramdaman ko ang pagdila sa akin ni Puffy at nakangiting umuklo ako at kinuha siya.

"So It's just you and me baby, don't worry we can do this!" enthusiastically na cheer ko at tumahol siya like she understand what I am saying.

"Let the 'Surprise Dinner' operation start!" sigaw ko.

Clyde's PoV

Pagkababa ko mula sa Ducati Big Bike ko ay mabilis na naglakad ako papunta sa school building namin.

Lahat ng babae ay napapalingon sa akin na para akong modelong rumarampa.

I was wearing a gray coat adorned with red scarf courtesy of my little wife and partnered with leather pants complete with shades para maitago ang eyebags ko. Very messy style ang buhok ko dahil wala na akong time pa na maglagay ng wax.

Pagdating ko sa classroom namin ay galit na binuksan ko ang pintuan at napalingon ang lahat ng mga tao sa loob.

I heard some squeals but I didn't pay attention to it.

Napadako ang atensyon ko sa isang grupo na nakaupo sa bandang dulo.

They all gulped and looked petrified pero wala akong pake. They should be!

Naglakad ako papalapit at sa bawat hakbang ko ay mas pinagpapawisan sila ng malamig.

I stopped in front of them and looked at the guy in charge of keeping the files. Nakita ko ang panginginig niya sa takot.

"WHAT. HAPPENED?" those two simple words are already enough to scare them all to death.

"C-Clyde-" Nanginginig ang boses niyang tinawag ako na tila nakita si kamatayan but he was interrupted by a certain someone who alone, is enough to annoy the hell out of me.

"Clyde, Clyde, Clyde... You look so good today!" nakangiwing bati niya.

"Shut up or I'll kill you" I warned him as I took of my shades revealing how terrible my eye bags are.

He shivered out of horror. "I-I mean-"

"Do you know I stayed up all night to finish my presentation and the last thing I want to know is that I have to deal with someone's recklessness. Fuck! I was not even able to enjoy the breakfast made by my wife!" sigaw ko at huli na para marealize ko kung ano ang nasabi ko. Agad kumunot ang noo ng lahat ng nakarinig.

Nanlaki naman ang mata ko at nabato ako sa nasabi ko.

SHIT!

Pasimpleng tinumba ni Willam ang isang upuan at agad niyang naagaw ang atensyon nilang lahat.

"Oops! Nakakagulat naman ang lakas ng boses mo brad! I guess your referring to your dreams again" he stated trying to convince the people inside the room.

"Y-Yeah... But that's not the point here!" pagiiba ko ng topic.

You and your mouth Clyde!

"We all get your point right guys?" nakangiting tanong niya sa mga kagrupo namin and they nodded in terrified.

Tinaas ni Willam ang kamay niya na may hawak na isang USB.

"I still have the unedited copy, but don't worry it's complete and we don't to have research all over again" he said assuring me.

Napabutong hininga ako. buong sem namin ginather ang mga data na iyon, atleast editing nalang ang gagawin namin but we have to start from the very beginning again.

"I guess that will do" puna ko at hinimas ang sintido ko at hinayaang humupa ang galit ko.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga kasama ko.

"So... Why don't you start editing it now guys at papalamigin ko lang ang ulo ng best friend ko" sangit ni Willam at hinatak ako palabas.

"That was so close Clyde!" he blurted out the moment we stepped out from the room.

"Yeah..." I agreed at sumandal sa pader at hinihilot parin ang sintido ko.

"Want some coffee?" alok niya but I shooked my head.

"I already had some."

"So..." Panimula niya with his famous smirk

"Ano bang kinaiinisan ni Mr. Clyde Dale Fuentabela? Ang puyat niya o ang hindi niya pagenjoy ng morning moment kasama ng kanyang asawa?" tanong niya

I just shot him a "YOU-DON'T-CARE" look at napailing nalang siya.

"Ok you won, di na kita kukulitin at baka totohaning mapatay mo ako or worse is our group members"

"You shouldn't help or defend them either"

"How can I? The one they're dealing with is not the Ice Prince but the Demon Prince Clyde! Baka mamaya wala na tayong matapos na trabaho dahil nanginginig sila sa takot!"

"Hugghh... whatever, let's go at nang matapos na to" sabi ko pero bago ko pa buksan ang pinto ay bigla siyang nagsalita.

"Brad, inhale at exhale lang ha? Makakasama mo rin ang little wifey mo mamaya" stated by the most annoying chinito I've ever known.

"""

It was past one o'clock at andito parin ako kasama ng mga kagroupo ko sa SU. Pinakiusapan ng smiling chinito ang guard at ang prof namin na payagan kaming tapusin ang report namin sa University at pinayagan naman kami.

Inabutan ako ni Willam ng kape. Hindi ko nga alam kung nakakailang kape na kaming dalawa para lang hindi makatulog.

Kinuha ko ang usb at binigay kay Willam. Katatapos lang naming ulitin ang report namin and it took us 15 hours doing it all over again. This time ay limang usb na ang pinaglagyan ko para sigurado na.

Inunat ko ang kamay ko at hinimas ang kanina pang nananakit na batok ko.

"Ok that's a wrap everyone!" sigaw ni Willam.

Nakahinga naman silang lahat at nakangiti nang nagayos ng gamit at nagpaalam na.

Kami nalang dalawa ni Willam ang nasa loob ng classroom.

"Brad sige na, umuwi ka na. Kanina ka pa siguro hinihintay ni Eiffel" nakangiting bilin niya sa akin at halata rin sa kanya ang pagod at puyat.

Tiningnan ko ang wrist watch ko "Ngayon lang ako ginabi ng ganito" saad ko.

"Yeah so you better go now. You shouldn't let your wife wait for you. Ingat sa pagmamaneho dahil puyat ka" bilin nalang niya.

Tumayo na ako at tinapik siya sa balikat bilang pagpapaalam.

I know I will never admit to Willam how thankful I am to have him as my friend. Kahit madalas ay loko loko siya at mapangasar, he will always be the one to understand me and talk to me straightforward pointing out my wrongs and advise me what to do.

And for me, I'm lucky he's my friend.

Pagdating ko sa parking lot ay pinaandar ko na ang motor ko. Wala sa sariling hinawakan ang red scarf sa leeg ko.

Being around that little girl is not good for me, she slowly melts the ice inside my heart, through her small actions.

I can feel that I am starting to become the old Clyde around her which I don't want to be but at the same time... I can't stop myself from wanting to be beside her.

She has this magic... That attracts everyone to her, making them adore her and like her. And I guess I am one of her victims too.

Kinuha ko ang susi ko at binuksan ang bahay. Nakapatay na ang mga ilaw at siguro ay natutulog na si Eiffel sa kuwarto niya.

Pero nagkamali ako.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko siya na nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa at natutulog.

May dalawang scented candles na nakasindi which is malapit nang maubos at ang lamesa ay puno ng pagkain, sa gitna ay vase full of white roses.

W-What's with this romantic dinner?

Biglang pumasok sa isip ko ang araw ngayon.

February 7... First month ng kasal namin.

Wait... Was that a big deal? I mean diba anniversary lang ang sinecelebrate?

Nagugulhang tinitigan ko siya at napansin ko na bahagyang basa ang pisngi niya.

S-She was crying...?

Is it because nakalimutan ko na monthsary namin o is it because late akong nakauwi?

(Malamang all of the above) singit ng konsensya ko

Oh shut up!

Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luhang tumulo. I feel so guilty... I hated it when she cries pero laging ako naman ang dahilan ng pagiyak niya...

Do I really deserve her?

Bigla akong nanigas ng bumukas ang mga mata niya revealing the most beautiful blue eyes I've ever saw.

Kinusot niya ang mata niya na parang di naniniwala sa nakikita niya. Lumaki ang mga mata niya ng marealize ang sitwasyon at agad akong niyakap!

Ang higpit ng yakap niya at rinig an bawat paghikbi niya.

"A-Akala ko m-may nangyari na s-sayo..." she stated as she whimpers

She wasn't crying dahil nakalimutan ko o ginabi ako ng uwi... she was crying because she was worried for me...

Bakit nga ba nawala sa isip kong tawagan siya? Tanga tanga mo talaga Clyde!

Awkward na hinimas ko ang buhok niya biglang pagpapatahan.

"I'm sorry hindi kita natawagan kasi na low bat na ang phone ko kanina... Nakalimutan ko din ang okasyon ngayon" puno ng guilt na amin ko.

Umiling siya it's ok... I was planning to surprise you after all... Pero hindi na siya surprise..." malungkot na sabi niya at humiwalay sa akin

I smiled "I was surprised and I appreciate it so much. Sorry dahil hindi ako nakabili ng regalo para sayo at... We weren't able to celebrate it on time" malungkot na sabi ko at napatingin sa antique na relo sa dingding.

Sawakas ay ngumiti na siya "I don't need a gift... You being safe is the best gift..." she stated at naglakad papalapit dun sa orasan.

"At saka hindi naman talaga importante kung anong oras natin icelebrate" dagdag niya at hinawakan ang small hand nung orasan at itinapat sa number 11. From 01:11 ay nireverse niya ito ng 11:11.

"Yan..." nakangiting sabi niya at lumingon sa akin. "Happy monthsary Hubby!" masayang bati niya na nagpangiti sa akin.

Isang buwan palang kaming kasal at malaki na ang parte ng yelo ang natunaw niya sa puso ko... Now, how long would it take for her to melt those remaining ice away?

I walked towards her and took her hand.

I give up...

No matter how hard I try to deny it, it's useless.

No matter how I act cold, she finds a way to make me smile.

And no matter how I try to lie...

I know from myself that Eiffel is someone whom I want to stay beside me.

"Will you go out with me Eiffel?" tanong ko at agad siyang namula.

"E-EEEEHHHH???!!!!" gulat niyang reaksyon.