1 Marlboro 1

Hinawakan ko ang kamay nya sa ilalim ng mesa kahit pilit nyang tinatanggal ang kaniya at humilig sakanya ng kaunti. Umakma akong sasandal sa balikat nya kaso umiwas sya. Napangiwi pa ako sa sakit dahil tumama ang balikat nya sa ulo ko.

"Jarell, shot mo na!" Sabi ni Harvie. Pinadausdos nya ang shot glass papunta saakin, sinalo ko yun at nilagyan ng gin. Alam kong pupungay pungay na ang mga mata ko, dala ng kalasingan. Pakiramdam ko din kaunti nalang at iikot na ang mundo ko.

"Tama na yan." Ani ng katabi ko at inagaw ang bote ng gin sakin. Ngumisi ako sakanya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nya. Tinungga ko ang shot ko at pinadausdos pabalik kila Harvie. Iisang table lang kasi ang gamit namin na pahaba. Sa kabilang dulo ako kanina nakapyesto, pero dahil andito si Freida sa kabila, lumipat ako. Malalim na din naman ang gabi at kakaunti nalang kaming nag iinuman. Bandang alas dose na nagagawa parin nilang mag videoke.

"Lecheng buhay 'to. Lakas ng loob uminom, kala mo walang exam bukas." Sabi ng kaibigan nya, Isabelle ang pangalan nya pagkakatanda ko. Humilig ako sakanya at tinapat ang bibig ko sa tainga nya.

"May exam kayo?" Bulong ko. Napaipit sya ng leeg at lumayo kaunti. Nakiliti siguro sya. Tumango sya habang nilalagyan ng tres cepas ang shot glass nila.

"Bakit kayo nag iinom kung meron?" Tanong ni ate Rebecca. May-ari ng karinderya kung san kami nag-iinuman ngayon.

"Si Freida kasi eh." Nguso ng barkada nyang bakla. Pinagkamalan pa naming boyfriend nya dahil ang dikit dikit nilang dalawa. Natandaan ko ang itsura nilang dalawa kanina, nakakapang gigil. Humigpit ang hawak ko sa kamay nya dahilan para mapatingin sya saakin.

"Okay ka lang?" Ngumisi ako at nilapit ang mukha ko sakanya. Nanlaki ang mga mata nya at para bang nagpipigil ng hininga. Rinig ko din ang ilang tukso saamin kahit nasa likuran lang namin ang karaoke.

"Oo naman, andito ka eh." Malambing kong sabi sakanya. Hindi ko alam kung narinig nila ate Rebecca o kung sino mang malapit saamin dahil may nadinig akong nag titili. Ngumuso sya at tinulak ang mukha ko palayo sakanya. Nguso ka pa, halikan kita dyan eh! Damn!

"Lang hiya ka, tol! Tulog lang si Kym tinatalo mo na kapatid nya!" Sigaw ni Harvie mula sa kabilang table. Lumingon ako sakanila at sumenyas na tumahimik dahilan para magtawaman sila at simulang kantyawan ako.

"Gisingin nga natin si Kym!" Pananakot nila pero di ako nagpatinag. Malakas talaga ang loob ko ngayon, buti nalang lasing ako. Oo, di ko to magagawa kung meron si Kym, pero wala sya eh, tulog na. Sasayangin ko pa ba yung chance, yung opportunity? Sabi nga ng nanay ko, always grab the opportunity you can get. Pinalaki akong matino ng nanay ko, kaya sinusunod ko lang ang bilin nya.

"Lasing ka na, Ja." Mahina nyang sabi. Kinalas nya ang kamay at isinabit sa tainga ang nakawalang buhok. Nalaglag ulit yon kaya this time ako na ang nagsabit. Kita ko kung pano unti unting nangangamatis ang pisngi nya. Now, that's because of the kilig, hindi dahil sa alak yan. Gawa ko yan. Ngumiti ako ng mayabang.

"AYIIIEEEE!"

"SWEET NAMAN NI FAFA JA!"

Lumingon ako kila Harvie at tinanguan. Pinagdikit ko ang mga kamay ko para makabuo ng heart sabay inakto kong tumitibok at itunuro si Freida. Humagalpak sila sa tawa at humahampas pa sa mesa.

"Man, you're gay as fuck."

"Hindi mo naman sinabing may jowa ka na, Freida?" Tanong ni Isabelle. Tiningnan ko ang bote ng tres cepas nila at napansin kong konti nalang yon. Napansin ko ding ang bilis ng ikot nila dahil si Freida na naman ang iinom.

"Hindi ko naman to jowa." Correction, hindi pa.

"Nanliligaw?" Doon napatingin si Freida saakin. Naniningkit na ang mga mata nya, parang gusto ng pumikit. Hawak hawak nya ang shot glass habang nakangisi saakin.

"Nanliligaw ka ba?" Parang nanuyo ang lalamunan ko. Napalingon ako sa mga kasama nya na matamang nakatingin saakin. Bumuka ang bibig ko pero wala naman akong maisagot.

"Hindi." Sagot ni Freida. Gusto kong umangal pero wala naman akong masabi.

"So ano to? Dala ng kalasingan?" Dinig kong sabi ni bakla.

"Probably... at isa pa..." Bumaling sya saakin at tinungga ang shot nya. "Tropa ko 'to." Parang pinompyang ang ulo ko sa sinabi nya. Nawindang ako, panandaliang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko.

'Tropa ko to.'

Nahilo ata ako sa sinabi niya.

avataravatar