webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 Β· Urban
Not enough ratings
176 Chs

KEVEN HAS BEEN TRICKED BY HER

Sa sobrang pagpupuyos ng galit ni Marble, pagkapasok pa lang sa kwarto ni Vendrick ay hinubad na niya agad ang suot na gown at pagalit iyong inihagis sa sahig.

Di siya makapaniwalang ini-blackmail siya nito mapapirma lang siya sa mga kasunduang yun. Hah! Akala naman nito basta na lang siyang susunod sa mga yun. Ano yun, kahit kay Erland, di siya pwedeng bumisita pag hindi ito kasama? Tsaka heto pa, maglilinis na naman siya sa kwartong 'to para mabayaran ang utang niya? Ang usapan nila dati, gagawin siya nitong executive secretary para makabayad siya ng utang, pero ngayon, magiging katulong na uli siya?!

Gigil na dinuro niya ang pinto as if andun ang lalaking kinamumuhian.

"Vendrick! Makakatay kitang hinayupak ka!!!" buong lakas niyang sigaw saka sinabunutan ang sarili sa sobra niyang panggigigil at nagmartsa papunta sa kabinet nito ngunit lalo lang siyang nanggalaiti sa galit nang walang makitang pwede niyang isuot duon maliban sa mga damit nito.

Dismayado niyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan. Wala na siyang pamalit sa mga underwear na suot ngayon? Walanghiya talaga yun. Alam niyang sinadya nitong hindi siya bilhan ng maisusuot man lang. Ano kayang iniisip ng hinayupak na yun.

Ang haba ng kanyang nguso habang hinihila ang isang t-shirt ng asawa saka yun isinuot na umabot sa taas ng kanyang tuhod sa hab. Mas mabuti na yun kesa naman wala siyang maisuot ngayon.

Nahagip ng kanyang paningin ang ginamit niyang damit pangkasal. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot saka yun dinampot at inilagay sa basket ng mga maruruming damit.

Maganda na sana siya sa suot niyang yun kanina kung totoo lang ang kasal na yun. Pero ayaw niyang umasang magiging totoo yun. Kung di niya nakita ang ama ni Vendrick kanina, muntik na sana siyang mapapaniwalang may nararamdaman nga ang asawa sa kanya.

Tila biglang nawala ang kanyang galit at nanlulumong napaupo sa gilid ng kama saka hinimas ng kamay ang ibabaw niyon nang bigla siyang makarinig ng mga apak ng paa papalapit sa silid na kinaruruonan. Baka si Vendrick na yun!

Nagmamadali siyang nahiga sa kama hinila ng kumoy paitaas sa kanyang dibdib saka mabilis na pumikit. Ngayon siya nagsisisi kung bakit dito pa siya pumasok. Duon na lang sana siya sa kwarto nila ng kanyang alaga noon.

Maya-maya'y dinig niya ang pag-click ng door knob at ang pagpasok ng lalaki sa loob ngunit pakiramdam niya, tila mas nakakabingi ang sobrang kabog ng kanyang dibdib nang mga sndaling yun lalo nang ilang minuto lang ng lumipas ay gumalaw ang ibabaw ng kama at tumabi sa kanya si Vendrick saka siya niyakap sa likuran habang nakatagilid siya sa pagkakahiga.

Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang isang kamay nitong humihimas sa kanyang hita.

Gosh! Anong gagawin niya? Pano kung reypin siya ng walanghiyang 'to? Hindi! Hindi siya pwedeng magpatalo sa nararamdaman. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makaganti sa ginawa nito kanina lang.

Umungol siya saka dahan-dahang gumalaw as if masarap na ang kanyang tulog.

"Erland honey," usal niya, sapat lang para marinig yun ng lalaki saka kunwa'y hinawakan niya ang kmay nitong nakalapat sa kanyang hita at nagkunwaring tulog na uli.

"Shit..." paanas na usal ni Vendrick sa likod ng kanyang tenga at tila galit na bumangon, maya-maya'y narinig na niya ang malakas na kalampag ng ibinalibag na pinto.

Humahagikhik siyang bumangon. Yes! Nakaganti rin siya sa walanghiyang yun. Subalit bakit nakaramdam siya agad ng lungkot? Tama ba ang ginawa niya? Hmp! Ke tama o mali, dapat lang iyon sa lalaking yun.

----------@@@@@-----------

Walang pagsidlan sa tuwa si Keven habang kaharap si Cielo sa kwarto ng mga ito at ipinangangalandakan sa asawa ang hawak na mga papeles na nagpapatunay na inilipat na ni Marble ang mana nito sa lalaki.

"Sa ganun lang, pumayag agad siya? Ni di binasa ang mga dukomento?" di makapaniwalang tanong ni Cielo sa asawa sabay hablot sa hawak nito.

Ito nama'y ilang beses na tumawa nang malakas saka siya tinapik sa balikat.

"Sabi ko naman sayo, mabilis mauto ang mga hampaslupa. Tignan mo si Marble, mabilis na nauto ni Vendrick, pumirma agad sa mga dokumento nang di man lang nagtatanong kung ano ang mga yan," anitong sinabayan na uli ng halakhak ng sinabi.

Napangiti na rin siya nang makitang pirmado nga ni Marble ang mga dokumentong iyon subalit maya-maya'y napanganga't halos ingudngod ang mukha sa pirma ng dalaga saka salubong ang kilay na bumaling kay Keven.

"This is her signature?!" bulalas niya.

"Yes! That's her signature!" confident na sagot ng asawa, tumawa na uli.

"Tiningnan mo ba ang mga 'to pagkatapos niyang pirmahan?" tanong niya rito.

Kumunot ng noo ng kausap.

"Why?" usisa nito't hinablot na ang mga papeles saka inisa-isa ng buklat.

"Punyeta!" sigaw nito pagkuwan at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya saka tiim-bagang na nilamukos ang mga papeles na iyon at iniamba ang isang kamao sa kanya.

"Mapapatay ko ang hampaslupang yun, Cielo! Mapapatay ko yun!" nagpupuyos sa galit na sigaw nito.

Hinawakan niya ang nakataas nitong kamao.

"Calm down, okay. You should know her first. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ipinamana ni papa ang yaman ng matanda pero i think she's not an ordinary girl," paliwanag niya dito.

"You're right! She's really not an ordinary girl! Baliw siyang umaasang hindi makukuha ni Vendrick ang mana ni papa sa kanya!" sang-ayon nito, nanlilisik pa rin ang mga mata sa galit.

"Go to Vendrick, Cielo. Sabihin mo sa kanyang papirmahin ang ambisyosang yun ng panibagong dokumento at seguraduhing signature niya ang nakalagay dun at hindi smiley emoji!" pagalit na utos nito saka nagmamadaling tumalikod at lumabas ng silid sa sobrang galit.

Siya nama'y naiwang natitigilan ngunit maya-maya lang ay bigla siyang natawa sa kalokohang ginawa ni Marble. Pirmahan ba naman ng literal na "smiley emoji" ang mga dokumentong yun.

Muli siyang natawa sabay upo sa gilid ng kama. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng ganun katapang sa harap ng kanyang asawa. Di niya alam kung bakit sa halip na magalit ay tila pa siya humanga sa ugali nito. Naisahan sila lalo na si Keven.

Hmmm, kailangan na nga seguro ng isang ganung klaseng babae sa kanyang pamamahay. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ni Vendrick kay Marble. Tulad pa rin ba iyon noon o tuluyan nang nalipat kay Chelsea ang pag-ibig nito?

Sa muli'y pumailanlang ang isang malakas na tawa sa buong silid. Sa unang pagkakataon, ngayon lang naisahan ng isang babae ang kanyang asawa.