webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Not enough ratings
176 Chs

GAB'S GIRLFRIEND

Alas otso pa lang kinabukasan ay nagyaya na ang matandang maligo sa swimming pool sa likod ng bahay na tila alam na alam kung saan iyon naroroon. Siya nama'y nakaalalay lang rito habang naglalakad sila papunta sa likod-bahay.

Patingin-tingin siya sa ibang mga katulong na busy sa paglilinis ng loob at labas ng bahay dahil sa gagawing party mamayang gabi.

Nakita niya si Lorie na siyang tumutulong mag-decorate sa loob ng sala kasama ang ilang kalalakihan at kababaihan, ngunit hindi na niya ito tinawag baka, sobra itong busy.

"Drick! Come!"

Umalingawngaw sa kanyang pandinig ang malakas na tawag na 'yon ng isang babae sa pangalan ng anak ng kanyang mga amo.

Nang mga sandaling yun ay paliko na sila sa pasilyo papunta sa swimming pool na mula nung mapunta siya rito'y dalawang beses pa lang niyang nakita. Una'y noong hinahanap niya ang kusina ng bahay nasulyapan niya iyon, ngunit ngayon niya lang ito mapupuntahan.

"Nanay, ang sarap maligo sa tubig," tuwang sambit ng matanda saka kumawala sa pagkakahawak niya at mag-isang naglakad palapit sa swimming pool.

"Drick, who's that ugly lesbian over there?"

Narinig niyang tanong ng babae sa kasama nitong si Vendrick ngunit hindi ito sinagot ng binata.

"Hey Lo! Wait!" awat nito sa matandang agad na umupo sa gilid ng pool at akmang lulusong sa tubig.

Tumakbo na siya palapit sa alaga at hinawakan ang braso nito.

"Marunong ka bang lumangoy anak?" tanong niya.

Mabilis itong tumango.

Napalunok siya. Hindi siya gaanong marunong lumangoy. Pa'no niya mababantayan ang matandang to?

Mabuti na lang nakita niyang lumalangoy papalapit si Vendrick hawak ang isang salbabida.

"Lo, use this," anito sa matanda.

Agad na lumusong ang matanda sa tubig.

Umalalay naman si Vendrick at ibinigay ang hawak nitong salbabida sa matandang noong una'y ayaw pa iyong hawakan ngunit nang maramdaming malalim na ang tubig ay tila natakot ito't pumasok sa gitna ng salbabida.

Siya nama'y nanatili lang nakaupo sa gilid ng swimming pool, hinayaan ang maglolong lumangoy.

"Mar!"

Napalingon siya sa tumawag na 'yon. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang makita si Gab na papalapit sa kanya at nakasuot ng swimming trunk.

"How are you?" anito nang tuluyang makalapit sa kanya at tumabi sa pagkakaupo sa gilid ng pool.

"Okay lang," tipid niyang sagot.

"Bakit 'di ka pa lumulusong sa tubig?" tanong nito.

"Ayuko. Dito lang ako," sagot niyang nakangiti saka tinanaw ang maglolo na nagtatawanan na habang naghahabulan sa gitna ng malawak na swimming pool. Nakikitawa naman ang babaeng sa hula niya'y jowa ng anak ng kanyang mga amo dahil kung makakapit ito kanina sa braso ng binata ay parang linta, parang wala nang balak na bumitaw sa huli.

Napasulyap ang binata sa kanila ni Gab ngunit agad niyang iniiwas ang tingin rito at bumaling sa katabi.

Hindi niya nakitang biglang naningkit ang mga mata ng jowa nito nang mahuli ang binatang nakatingin sa kanya.

"Sige na, maligo ka na. Dito lang muna ako," anya kay Gab at bahagya itong itinulak.

Mahina itong tumawa.

"Segurado kang dito ka lang?" paniniyak pa nito.

Tumango siya at nilaro ng mga paa ang malamig na tubig kung saan nakalublob ng mga iyon.

"Nanay halika po!" tawag ng matanda sa kanya.

Humahagikhik siya habang panay iling.

"Kayo na lang!" sagot niya.

Lumapit ang matanda sa kanya. Sumunod naman si Vendrick dito.

"Nanay maligo po tayo," yaya na uli nito.

Nahihiya siyang umiling.

"Don't tell me takot sa tubig ang mga bampirang tulad mo," nagsimula na namang mang-asar ng binata.

Napaismid siya.

"Ayuko anak. Kayo na lang," baling niya sa matanda ngunit di na sumulyap man lang sa kasama nito.

"Halika na Lo. Duon tayo sa gitna," yaya ni Vendrick sa huli.

"Mar! Halika rito. Masarap ang tubig sa banda dito!" si Gab naman ang tumawag sa kanya.

Muli siyang sinulyapan ni Vendrick ngunit umirap naman siya at nahihiyang ngumiti kay Gab.

Sumimangot ang binata. Hindi 'yon nalingid kay Chelsea kaya ito naman ang lumapit sa kanya.

"Hi!" matamis itong ngumiti.

Nahihiyang ngiti ang iginanti niya.

"Ako si Chelsea, ang gf ni Gab," pakilala nito.

Tumaas ang isa niyang kilay. Jowa pala ito ni Gab, bakit kay Vendrick ito laging nakadikit?

"Ah ganun ba?" an'ya lang.

"Ikaw ba 'yong taong grasang isinama ni lolo rito?" usisa nito.

Tumango siya kahit di nagustuhan ang sinabi nito.

"Nice meeting you," anito't inilahad ang kamay sa kanya.

Inabot naman niya ito ngunit nang magdaop ang kanilang mga palad ay bigla na lang siya nitong hinila dahilan upang mahulog siya sa malamig na tubig na nang iapak niya ang kanyang mga paa sa pinakailalim ng pool ay halos pumantay na hanggang sa kanyang balikat ang tubig.

Muntik na siyang mapasigaw sa pagkagulat sa ginawa nito, ngunit tumawa lang ito.

"Come!" anito saka lumangoy nang mahigit isang metro mula sa kanya at muli siyang hinarap.

"Halika. 'Wag kang matakot. Mababaw naman dito eh," yaya sa kanya.

Nakita naman niyang hanggang dibdib lang ang tubig sa dalaga kaya lakas loob siyang lumangoy palapit rito ngunit anong kaba niya nang sa pagtayo niya'y 'di niya maiapak ang mga paa sa pinakailalim ng pool.

Narinig niya ang malakas na tawa ng dalaga na tila tuwang tuwa sa nakikitang takot sa kanyang mga mata.

Bago pa siya nakaramdam ng sobrang takot ay muli siyang pumihit paharap sa kinaruruunan kanina saka lumangoy pabalik at agad na umakyat sa hagdanan ngunit nang muling umagaw sa kanyang atensyon ang nakakainsultong halakhak ng dalaga ay humarap siya rito at umupo sa baitang ng hagdanan at nagtampisaw na lang sa tubig, hindi na uli ito tinignan.

"Nanay, halika na po! Masarap ang tubig dito," tawag na muli ng matanda.

Humagikhik lang siya, hindi ipinahalatang nakaramdam siya ng takot kanina.

"Sige, mag-enjoy ka lang d'yan anak," sagot niya at panakaw na sinulyapan si Vendrick na tila litong nakatitig sa kanya.

Iniiwas niya na uli ang paningin sa lalaki at kumaway kay Gab.

Lumapit ang binata sa kanya ngunit nang isang dipa na lang ang layo niya rito'y sinabuyan niya ito ng tubig sabay tawa.

Napaatras ang jowa nito sa takot nang makita ang kanyang mga pangil at agad na lumangoy papunta kay Vendrick.

Sandali siyang nalito. Bakit kung jowa nito si Gab eh ando'n ito nakadikit kay Vendrick? Pinagseselos ba nito ang una? Pero 'di naman niya napansing nagseselos si Gab.

"Bakit ayaw mong magpunta kay lolo? 'Di ka marunong lumangoy?" usisa nito sa kanya.

Nahihiya siyang umiling.

"Marunong pero takot ako sa malalalim na parte. Pakiramdam ko sinasakal ako ng tubig at hinihila pababa," pag-amin niya.

"Ah kaya pala. D'yan ka na lang. Tatlong metro ang lalim ng swimming pool na to. Iyon ng gusto ni Vendrick," sagot ng binata.

Napakapit siya bigla sa barandilya ng hagdanang kinauupuan at agad bumalik sa isip ang nangyari kanina.

Kung di pala siya agad nakabalik dito kanina, tatawanan lang siya ng jowa ni Gab pag nalunod siya? Ibig sabihin, sinadya talaga nitong papuntahin siya sa malalim na lugar nang mapansin nitong di siya gaanong marunong lumangoy? Ang sama naman pala ng ugali nito.

Salubong ang kilay na napatingin siya ritong nakakapit na sa salbabida ng matanda.

"Anak! Tigilan mo na 'yan! Giniginaw na ako. Bukas naman," tawag niya sa matanda. Mamaya, baka ang kanyang alaga naman ang pagtripan nito at lunurin para siya ang pagbintangan ng lahat. Mahirap na, wala na agad siyang tiwala sa jowa ni Gab.

Sumunod naman ang matanda at lumangoy ito palapit na sa kanya.

Nakaalalay pa rin dito si Vendrick at nakapagtatakang nakabuntot dito 'yong dalaga.

Umakyat na siya sa gilid ng swimming pool at duon na lang hinintay ang alaga.

Si Vendrick pa rin ang umalalay dito para makaakyat sa hagdanan. Tumulong na rin si Gab na siyang naunang umahon sa tubig at hinila ang kamay ng matanda paitaas.

Agad niyang hinawakan ang braso ng alaga.

Si Vendrick nama'y umahon na rin at hinila ang tuwalya sa silya saka ibinigay sa kanya para panapis sa matandang nanginginig na sa lamig.

Pero di niya napansin ang panakaw na sulyap nito sa kanyang damit na nakadikit sa kanyang manipis na katawan.

"Lolo bukas, dun na lang tayo sa kwarto magswimming. kasya naman tayo sa swimming pool duon," wika niya habang papunta na sila sa loob ng bahay.

"Drick! Help me! Pinupulikat na naman ako!" narinig niyang tawag ng jowa ni Gab pero hindi na siya lumingon para tingnan ito. Narinig na lang niya ang malakas na '"Flassshh!" ng tubig, ibig sabihin, tumalon agad ang tinawag para saklolohan ang huli.

Humagikhik ang matanda sa sinabi niya.

"Si Nanay, nagbibiro. Hindi naman po 'yon swimming pool. Bath tub lang po 'yon," anito't tumawa nang malakas.

Namula ang pisngi niya sa pagkapahiya.

"Ay gano'n? Bath tub lang pala 'yon?" sagot niya na lang at sinabayan ito sa pagtawa.