1 PROLOGUE

" LET THE BATTLE BEGIN ! "

Huling narinig ko bago kami pumasok sa isang life cube simulator at naging dahilan ng pag-ingay ng buong Realm . Sumakop ang mantinding kaba na bumangon sa loob ko dahilan upang sinokin ako.

" Kalma ka lang Nesrin. "  usal ni Koln sa aking tabi.

Agad ko siyang tiningnan ngunit walang bakas emosyon ang nagpakita sa kanyang itsura.

Pinakiramdaman ko ang mga kasamahan ko  subalit tanging malamig na aura lamang ang lumulukob ng bawat isa sa kanila.

Tiningnan ko isa-isa ang aking mga kasama ko at hindi nakaligtas sakin ang saglit na takot mula sa kanilang mga mata sa likod ng malamig na ekspresyon na suot nila. Ramdam ko rin ang kakaibang malakas na aura na nakapalibot sa buong cube. Hindi ko maiwasang 'wag manggamba sa kadahilanang maaari ito na ang huli naming pagkikita oras na nagsimula ang natitirang minuto bago simulan ang paligsahan na ito. Nangangamba ako para sa sarili ko at lalo na sa mga kasamahan ko. Ilang sandali pa nagkatinginan ang bawat isa amin.

" Stick to Live Mapamo " maikling saad ni Sey samin.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban hanggang dulo dahil sa binitawang salita ng aming deputy. Mahinang tango lamang ang naisagot ng bawat isa sa amin at bumakas ang matinding diterminasyon na gawin at manatili hanggang dulo  ng laro . Huminga ako ng malalim at pagkatapos ilang segundo ay siyang pagyanig ng lupa pataas sa bawat pader.

Kasabay ng pagyanig ng lupa ay ang pagtalon ng mga kasamahan ko at naglaho sa bangin na tinalunan ng bawat isa. Bumuntong hininga ako at naglakas loob na tumalon.

' Stick to Live Mapamo '

Ang mga salitang iyan ang nagmarka sa aking isipan bago ko idilat ang aking mga mata.

Kasabay ng pagdilat ko ay ang pagbulusok ng isang matulis na bagay papunta sa akin.

avataravatar
Next chapter