1 Not treat her well

Malapit na matapos ang isang at nakatingin lang sa bintana at mukhang malayo ang iniisip hanggang sa biglang tumunog ang bell sa labas. Agad namang nagsitayuan ng mga estudyanteng kasama niya sa room at saka lamang siya bumalik sa realidad. Agad niyang inayos ang kanyang mga gamit at pinasok sa kanyang. Dali dali naman siyang lumabas ng classroom.

"Ma'am Santina magandang araw po," bati ng driver at agad binuksan ang passenger seat. Wala namang imik ang dalaga at agad siyang pumasok ng kotse. Agad din umikot ang driver papunta sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Wala parin imik ang dalaga hanggang makarating sila sa gate ng bahay nila. Napansin naman ito ng driver.

"Mam Santina, kanina pa kayo walang imik ah may problema po ba?"tanong ng driver na nakatingin sa salamin habang kinakausap ang dalaga.

Napabuntong hininga lang ito at tumingin sa bintana habang papasok ang sasakyan sa isang maluwang at malaking bakuran. Halos dalawang minuto pa bago marating ang mansion ng mag asawang Damaso at Larona. Napakalaki ng mansion at pagpasok palang sa pinto at bubungad ang napakaluwang na sala..Sa itaas naman ay may limang kwarto kasama ng guest room.

"Anak, ang aga ata ng uwi mo ngayon? Wala kana bang klase?"mahinahong tanong ng ina Santina.

" Wala na mommy," matamlay namang sagot ng anak. Agad namang dumiretso ito sa kanyang kwarto.

Nagtaka naman ang ina dahil mukhang matamlay ang anak. "Hon, hindi mo ba napansin ang anak natin,"wika sa asawa habang ito ay nagbabasa ng dyaryo. Pero wala parin itong imik at napansin ni Larona ng hindi siya pinapansin. "Hon! Nakikinig kaba sa akin?"pagalit na wika ng asawa..

"Huh!Anong sabi mo?"tanong naman ni Damaso.

"Nakakainis ka naman eh, lagi ka nalang ganyan sakin,"inis na tugon sa asawa.

"Nakita mo kasing nagbabasa ako ng dyaryo tapos ngayon nagagalit ka sakin. Ano ba yung sinasabi mo sakin?"anito.

"Eh, kasi ikaw eh.. Ang sabi ko parang matamlay ata ang anak natin."

"Hmmm.. Napansin mo pala eh di puntahan mo at kausapin mo. Tanungin mo kung bakit,"wika sa asawa.

"Hon, di ba mas maganda kung ikaw ang kumausap sa anak mo kasi mas malapit siya sayo."

Hindi na ito umimik dahil alam nito na mas matatalo lang siya kung ipapapilit lang niya ang sasabihin sa asawa. Mas malapit si Santina sa ama dahil nasasabi nito ang lahat ng nararamdaman niya sa ama. Mas malapit din siya rito dahil mula pagka bata ay binibigay nang ama ang lahat ng gusto nito. Ang kanyang ina naman ang medyo malayo ang loob nito. Gusto man niyang tanungin ang ina kung bakit malayo ng loob ng ina sa kanya pero nauunahan ito ng hiya. Kaya mas ginusto nalang ni Santina ang ikubli ang nararamdaman sa ina. Konting mali lang kasi ang nagagawa nito nung bata pa ay agad siyang pinapagalitan ng ina. Kaya wala siyang magawa kundi ang umiyak nalang. Minsan inilalabas nalang niya ang sama ng loob habang nasa kwarto siya.

Ang tanging libangan nalang niya ay ang mag drawing. Kahit na anong nasa isip niya ay iginiguhit niya ito upang sa ganun ay mawala ang sama ng loob nito.

Habang nagbabasa ng libro si Santina ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Sweetie,and daddy mo 'to", mahinang tugon ng ama habang nakatayo sa kabilang pintuan ang ama.

"Come in dad," mahinang sagot ng dalaga.

Dahan dahan namang nagbukas ang pinto at pumasok ang ama mula sa labas.

"Yes dad?" tanong ng dalaga habang nakatingin sa librong binabasa.

Dahan dahan namang lumapit ang ama at umupo sa tabi ng kama malapit sa anak.

"Little girl is there something wrong?Would you like to tell me?"wika ng ama habang nakatingin sa dalaga.

"Dad, okey lang po ako," malungkot na sagot ng dalaga.

"Santina, kilala kita alam ko kapag may tinatago ka sakin. Kaya sabihin mo na kasi kung anong problema anak." Kahit gusto ng ama sabihin sa kanya ang nararamdaman ng dalaga hindi prin nito kayang makumbinsi ang anak na sabihin ang totoo.

"Dad, if i will ask you will you tell me the truth?"magkahalong pag aalin langan at takot ang naramdaman ng dalaga habang nakatingin sa ama.

Bigla namang kinabahan ang ama sa reaksyon ng anak habang nagtatanong ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung anong ibig sabihin ng anak.

avataravatar
Next chapter