8 Chapter 6

Nakabalik kami ni Laz nang mag-aalas dyes na nang gabi. We enjoy our dinner together. Ipinasyal niya rin ako sa mga sikat na pasyalan malapit sa Hotel.

Hindi kasi kami pwedeng lumayo sabi niya dahil bukas ay may aasikasuhin kami. Hindi narin ako nagreklamo kahit gusto ko pang gumala. I remind myself that we are here not for a vacation but for work.

Nangako naman siya na matapos ang pag-aasikaso namin about sa ipupublish. Igagala daw niya ako sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan. We have two days para mag-asikaso. At pagkatapos noon ay wala nang gagawin.

Matapos akong makapag half bath ay nahiga na ako sa kama. Nakatingala sa harap nang kisame. Dinadalaw na ako nang antok ngunit parang may pumiigil sa mata ko para pumikit.

"Makapag messenger nga." Usal ko sa sarili.

Nakita ko naman sa list of friends ko ang dalawang kaibigan ko, gising pa. Hindi ko ngalang mabuksan nang maayos dahil sa sunod-sunod na pop-up nang mga nagchachat. Maraming nagmemention sa pangalan ko pero isang gc lamang ang binuksan ko. Group chat naming tatlo ni argen at rein. Halos hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya nagbackread muna ako.

MAGAGANDANG BAKLA <3

...

Argen: "@emannuelMaldecir bakla!"

Argen: "Hoy, sumagot ka kung ayaw mong ipakalat namin ang scandal mo! haha"

Rein: "epal ni bakla. Kala mo siya walang scandal e!"

Argen: "Ikaw ba kinakausap ko babaeng walang hinaharap?"

Rein: "okay. Rein leave the group chat. haha"

Argen: "G*g*, epal nito. Tulungan mo nalang ako imention si bakla. Ni seen wala e."

Rein: "@emannuelMaldecir"

Argen: "@emannuelMaldecir"

Rein: "Hindi naman ata siya online bakla."

Argen: "Sige lang bakla. Mention lang natin ang babaitang yon. Naku tignan natin kung hindi niya tayo mapansin."

Argen: "Iba talaga pag nakapuntang paris. @emannuelMaldecir"

Rein: "hahaha"

Baliw talaga itong dalawang kaibigan ko. Natatawa ako sa mga pinag-uusapan nila. Nagtipa ako nang sasabihin ko sa kanila. I mention them.

"@argen and @rein ang iingay nyo kamo": me

Argen: "Aba ang bruha ngayon lang nagchat"

Rein: ....

"@argen baliw busy lang kanina":me

Argen: "sana all busy."

Rein: "hahaha"

"che! Manahimik ka nga bakla":me

Rein: "my pa my day si bakla kanina."

....:me

Argen: "Ay oo nga bakla. Naku, iyon ba iyong sinasabi mong busy bruha ka?"

"hahaha":me

Rein: "Oo nga! Chismis naman dyan."

Argemn: "Ay chismosa mo talaga rein. Anyway, anung ganap kanina?"

"mga chismosa!": me

Rein: "kala mo siya hindi. Haha tell us na."

"So, ayon nga nakarating naman kaming safe.":me

Argen: "Yun lang bakla? Yun lang?"

"Maghintay kasi di pa ako tapos e.":me

Rein: "haha excited ka @argen ikaw nalang magkwento kaya."

Argen: "ssh! Ingay mo."

"Magkukwento paba ako? -.^":me

Argen: "@emannuelMaldecir. @rein wag ka muna hahaha nang hahaha. Nagmumukha kana kasing HAHATANGA."

Rein: "hahaha 300x"

"So ayon nga sabi ko kanina safe kaming nakarating dito. Tapos nagvideo call kami nila moma. Pagkatapos nakuhanan ko nang picture yung lalaking nakita ko sa elevator last week. Tapos naging pintuan yung noo ko at doon tumama ang kamao ni Laz. Pagkatapos hindi natuloy yung pagpunta namin nang publishing company. Tapos niyaya niya nalang akong kumain at mamasyal. Tapos ayon. Tapos na. Happy?":me

Argen: "Day, bakla ka! Andaming ganap nang araw nato sayo ha. E video call na to."

Rein: "oo nga haha video call na yan. Di ko kinery ang mga pinagsasabi mo."

Tawa ako nang tawa habang nakahiga sa kama. Nawala na ata iyong kanina pang antok na bumalot saakin. Ngayon gising na gising ako dahil sa kanilng dalawa. May nabasa nga ako sa isang post na ang sabi "Night talk is unhealthy!".

Talagang unhealthy kapag itong dalawang ito ang kausap ko. Umaabot kami nang umaga kakakwento. E kung hindi ba naman isa't kalahating baliw itong mga ito. Hindi ka nila titigilan.

We talk. We laugh. We enjoy the night.

------

Medyo late ang gising ko kinaumagahan dahil inumaga kami kakavideo call nang mga kaibigan ko. Kaya ito ako nagmamadali sa pag-aayos dahil kanina pa pala ako kinakatok at tinatawagan ni Laz.

Pagkababa ko ay humingi agad ako nang tawad sa kanya. Mabuti nalang hindi siya nagalit. Sinabi ko rin iyong reason ko kung bakit ako inumaga nang gising. Nagbiro pa nga siya na papagalitan niya sila argen at rein dahil inumaga ako nang gising.

Nakarating kami sa sinabi niyang publishing company nang kaibigan niya. Malaki at malawak ito at maganda. Talagang makikitang maganda ang lugar na pinagtayuan nito.

Ipinakilala ako ni Laz sa kaibigan niya. Katulad naming dalawa. Hindi naman nagkakalayo ang edad niya saamin. Humanga ako sa kanilang dalawa dahil mga binata pa pero isa nang successful owner.

I sighed.

Ako kaya?

Matapos naming asikasuhin ang pagpapublish sa mga books at maibigay ang design. Minabuti ko munang mag-ikot ikot sa loob nang company. Habang ang dalawa ay nag-uusap. Hindi naman daw bawal sabi nang kaibigan nito. Pinayagan din ako ni Laz para daw hindi ako mabagot sa loob nang office kakahintay sa kaniya.

Hindi ko naman din kasi maiintindihan ang pinag-uusapan nila sapagkat ibang lingwahe ang gamit nila. Next time nga mag-aaral na ako nang ibang lingwahe at nang hindi ako maout of place sa kanila. Ang hirap palang makisalamuha sa ibang tao lalo na pag foreigner. Hindi naman din pala lahat marunong mag-english. Balubaluktot pa nga kung magsalita sila gamit ang English e. Mabuti nalang hindi ako nag-iisa. Ganun din kasi ako pero kahit papaanu ay nakakapag salita ako nang ingles. Hehe

------

Matapos kong maigala ang sarili napagdesisyonan ko nang bumalik sa office kung saan naiwan doon sila Laz. Palinga-linga pa ako sa daang tinahak ko kanina. Sa sobrang pagkaaliw ko sa mga nakikita ko kanina hindi ko napansin kung saan ako dumaan.

Medyo kinabahan ako dahil hindi ko pa naman kabisado ang pasikot sikot sa loob nang kompaniya nang kaibigan ni Laz. Kukunin ko na sana sa loob nang bulsa nang pantalon ko ang phone ko nang wala akong makapa. Napamura ako sa inis.

Nahihiya naman ako magtanong sa mga nagtatrabaho ditto dahil halatang busy sila. Sinubukan ko munang alalahanin kong saan nga ba ako kanina dumaan. Naglakadlakad ako baka sakaling makabalik ako sa office. Tinitignan ko rin ang mga nakasulat sa taas nang pinto.

Pinagpawisan na ang noo ko sa kaba. Wala akong dalang phone kaya hindi ko alam kung ilang minute or oras na akong paikot-ikot kakahanap nang office. Para tuloy akong naghahanap nang asong nawawala. Naglalakad nang nakayoko pinipilit alalahanin ang daan patungo sa office. Until I bumped into something.

Something nga ba? Sinubukan kong hawakan ang pader? Kinapa kapa. Simula sa taas hanggang sa makababa ang kamay ko. Pinisil pisil ko pa ito. Hanggang sa gumalaw ito.

"Maumbok!" napasigaw ko dahil sa pagkabigla. Napaatras ako nang umikot ito.

"Shit!" biglang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

"Oh my!" natutop ko ang aking labi gamit ang dalawang kamay sa hindi makapaniwalang pangyayari ngayon. Iyong nakaraang linggo at kahapon na nakita kong lalaki ay kaharap ko ngayon. Totoo bai to o dala lang nang pagkalito ko sa dinadaanan ko?

"Int mignun?" (are you crazy?) matigas ang pagkakabigkas nito nang salita sa hindi ko malamang lingwahe. Paniguradong galit siya.

Hindi ko maiwasang matulala sa kanya. Bakit sa ganitong sitwasyon pa kami nagkita ulit? Kahiya-hiya ang ginawa ko kani-kanina lang.

Napatakip ako nang mukha sa alaalang nagawa ko kanina. Hinagod. Kinapa-kapa at pinisil-pisil ang... pabulong akong napamura sa kahihiyan.

"mignun" (crazy) usal niya na ikinatingin ko sa kanya. Ano bang sinasabi niya?

"I... I'm sorry" paghihingi ko nang tawad. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa harap ko.

"X'jismek? Minn fejn int?" (what is your name?Where are you from?) kunot noo akong nakatingin sa kanyan. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang pinagsasabi nito kanina pa.

"I'm sorry but I don't understand you. Can you please speak English?"

"..." wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Pinagmasdan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Para naman akong binuhusan nang sangkatutak na hiya sa ginawa niya.

"The girl from the elevator" supladong sambit niya pagkatapos. Nanlaki ang mata ko. Naalala niya ako?

"You remember me?" paninigurado kong tanong sa kanya. Tumango-tango naman siya. Bigla akong kinilig nang hindi ko malaman kung para saan iyong kilig na iyon. Dahil ba naalala niya ako?

"Yes." Tamad nitong sagot saakin. Pagkatapos niyang sabihin iyon. Naging awkward ang sumunod dahil wala ni isa saaming dalawa ang nagsalita. Nakatayo lang kaming dalawa habang magkaharap sa isa't isa. Tumikhim siya ganun din ako. Naghihintayan kaming dalawa kong sino ang magsasalita.

Naalala ko bigla kung bakit ako napadpad dito at nabangga siya nang hindi sadya. Baka alam niya kung saan ang office. Dito rin ata siya nagtatrabaho e.

"Do you mind if I asked you where is the office? I'm lost." Tanong ko sa kanya.

"You're lost?" pag-uulit pa nito. Tumango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya. Tumingin siya sa hawak niyag cellphone. Hindi ko iyon kanina na pansin.

"I'll bring you to the office." pagkasabi niya niyon ay nilampasan niya ako. Nagtataka naman akong napasunod nang tingin sa kanya. Siguro ay naramdaman niyang walang sumusunod sa kanya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at bumaling saakin na nakapamulsa.

"What? I thought you asked where the office is? I'll bring you there." halatang may bahid nang inis ang pagkakasabi niya niyon. Naiinis ba siya saakin? Nakaramdam ako nang kirot sa puso.

"ah, y-yes bring me there." Hindi ko nalang pinahalatang sa kanya ang naramdaman ko. Nakita ko namang bumuntong hininga siya bago ulit tumalikod aat magsimulang maglakad.

Nakasunod ako sa likuran niya. Tinignan ko rin kung saan ang daang tintatahak naming papuntang office. Mali pala iyong dinaanan ko kanina. Taliwas sa daan kung saan ang direksyon patungo sa office.

I sighed. 

Sa susunod di na ako hihiwalay kung alam ko palang maliligaw ako. 'Pero okay na rin dahil nagkita kam'. Napangiti ako sa naisip. Ngumit Nawala rin iyon nang maalala kong parang nainis siya kanina. Pangatlong beses ko palang siyang nakita at ngayon ko palang siya nakausap. Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan niya. Napabuntong hininga ulit ako.

"We're here..." he said while facing the door of the office. Nakapamulsa parin siya.

"Thank you for bringing me here." pasasalamat ko sa kanya kahit nakatalikod pa siya saakin. Hinintay ko ang paglingon niya para makita ako. Pero bago paman iyon mangyari ay bumukas na ang pintuan nang offise. Nakita ko lang ang pagbukas pero hindi ko makita kung sino ang nagbukas.

"Simon?" pagbigkas nito sa pangalan nang lalaking nakatalikod sa harapan ko. Simon pala ang pangalan niya. Nakita kong mas nilakihan pa ang pagkauwang nang pintuan para makapasok.

"Why are you here my friend?" ang kaibigan ni Laz ang nagsalita.

"I'm here to bring this girl. She is lost." Wala gana nitong sagot sa kaharap. Napairap ako sa sinabi niya. Kanina pa siya girl nang girl. Medyo gumilid siya para makita ako nang dalawa. Nagtataka naman akong tinignan nang kaibigan ni Laz. Samantalang si boss ay lumapit saakin bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nakaramdam tuloy ako nang kahihiyan sa ginawa ko. Dagdag pasanin pa ata ako sa kanya.

"Are you okay? kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot ang tawag ko." Sabi ni laz saakin nang may pag-aalala.

"Hindi ko dala ang phone ko Laz. Naiwan ko dito iyon na nakasilent kaya hindi narinig. Pasensya na. Hindi tuloy kita natawagan." Pagpapaliwanag ko. "Hayaan mo hindi na mauulit Laz." Paninigurado kong sabi sa kanya.

"No problem. But next time, you should bring your phone in case you lost somewhere. I've been worried about you."

"I'm sorry talaga Laz. Hindi na mauulit." Pagkakasabi ko sa mahinang boses. I heard him sighed.

"It's okay. Let's go inside" anyayanito saakin.

Bago paman kami makapasok ay naagaw na nang kaibigan ni Laz ang pansin niya.

"Lazaro this is Simon. My college friend from Malta. Do you know him?" sabi nang kaibigan niya.

"Of course, I know him" sarkastikong sagot ni Laz. Nang tignan ko silang dalawa na ngayon ay magkaharap aakalain mong parang may kuryenteng nagsasalubong sa pagitan nilang dalawa.

"Simon Louise Tabóne" pagpakilala parin niya kay Laz. Napasinghap ako sa pagkakarinig ko sa kanyang pangalan. Pagtalaga sinuwerte ka. Magkapangalan pa sila nang bidang character sa story ko.

"Oh my!" sambit ko sa mahinang boses. Iyong ako lamang ang nakakarinig.

"Lazaro D'Onofrio" sabi ni Laz. "and... this is Ran" nagulat ako nang pati ako ay ipakilala niya kay Simon.

Tumingin naman itong si Simon saakin. Hindi nagbabago ang expression nang mukha nito. Suplado kung tumingin at idagdag pa ang pagkaseryoso nito. Hindi ba ito marunong ngumiti?

"Nice to meet you" sabi nito saakin. Inilahad niya ang kamay para sana makapagshake hands kami ang problema nakaharang sa pagitan namin si Laz.

"Nice to meet you too" iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi ko narin nilahad ang kamay ko para makapagshake hands. Hinawakan na kasi ako ni Laz para daluhan papasok sa office nang kaibigan.

Sumunod naman sila saamin. Pinaupo ako ni Laz sa sofa kasa siya tumabi saakin. Sakabilang banda ay ganun din ang nangyari. Umupo si Simon at iyong kaibigan nila.

"How's vacation? I thought you're in the Philippines right now?" ang kaibigan nila ang nagsalita. Vacation? Kaya pala.

"Yes. But we have an urgent meeting. Tomorrow I'll be back in the Philippines" sumigla ako nang marinig ko iyon.

"you have a lot of time ha?" sarkastiko nitong sabi sa katabing si Simon. Hindi naman siya tinapunan nang tingin nito. Walang anu-anoy bumaling si Simon saakin. Nakita niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Umiwas agada ko nang tungin.

"tsh" si Simon

"anyway, sabi pala ni tom may party sa mansion nila bukas. Punta daw tayo." dirediretsong sabi nang kaibigan nila naikinabigla ko. Hindi dahil sa may party sa bahay nang kaibigan nila. Kundi dahil sap ag-aakalang hindi sila marunong magsalita nang tagalog. Dahil nga kanina pa sila nag-iingles.

"teka nga!" asik ko sa kanya. Napatingin ang tatlo saakin nang putulin ko ang pinag-uusapan nila.

"Nagtatagalog kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa mga kaharap. Oo, alam kong si Laz nagtatagalog pero itong dalawang ito. Sobrang lalim nang pagbuntong hininga ko. Feeling ko sa oras na ito ay niloko ako. Kanina pa ako nag iingles sa kanila iyon pala ay nagtatagalog rin.

"Um, Oo?" iyong kaibigan nila ang sumagot. Bakas dito ang pagpipigil tumawa sa reaction nang mukha ko.

"They know how to speak tagalog Ran." Simpleng sabi ni Laz. Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. Kahit siya hindi man lang ako ininform na nagtatagalog din pala ang mga ito.

"Oo nga natatagalog kami." Paulit pa nang kaibigan nila. Siya lang iyon tawa nang tawa. Samantalang ang dalawa ay nakatingin lang sa reaction ko.

Nagpipigil ako sa oras na ito and at the same time nabadtrip ako sa nalaman ko. Hindi nalang ako kumibo sa gilid nang bumalik sila sa pinag-uusapan nila.

Puno nang inis ang isip at puso ko sa oras na ito. Lalo pa akong nainis nang mapatingin ako sa kaharap ko which is nandun si Simon. Naalala ko ang mga pinagsasabi nya kanina. May pa sabi-sabi pa sa ibang lingwahe. Tinanong ko rin siya kanina kong marunong siyang mag-ingles para naman sana kahit papaano ay maintindihan ko siya.

Walanjo!

Kakaurat marunong din palang magtagalog ang isang to. Iyong matagal kong pananabik na makita siyang muli binura nang inis ko dahil sa ginawa niya. Parang pinagtripan niya lang ako kanina. Ang sarap manabunot ngayon dahil sa nalaman ko!

Pagkatapos nang usapan nila ay nagpaalam sandali iyong kaibigan nila. Lumabas dahil may naghahanap daw sa kanya sa labas. Kasunod naman niyon ay si Laz. Nag-excuse siya saakin na lalabas rin sandali nang may tumawag sa phone niya. Ang ganap ngayon ay ganito.

Naiwan kaming dalawa nang manloloko. Oo, talagang nasaisip ko nang naloko ako nang Simon naito. Gayang-gaya sa character nang nasa story ko. Suplado na manloloko pa. Pero bakit ko ba siya hinahalintulad doon sa main character ko. Hay, ewan!

"So-" hindi paman nangangalahati ang sasabihin niya inunahan ko na.

"What!" asik ko sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang mainis. Nakita ko namang ngumiwi siyang nakatingin saakin.

"I didn't mean that a while ago" napaangat ang kaliwa kong kilay sa narinig. Ngayon naman nag-iingles siya? Wow ha? Pinagloloko talaga ako nito e.

"Magtagalog ka. Nakakahiya naman marunong ka pala" sarkastiko kong saad sa kanya. Bumalantay naman sa mukha nito ang pagkainis sa sinabi ko.

"okay, pasensya na kung-" I cut him

"'Kung naloko mo ako sa pa-ingles-ingles mo? At pasalita nang ibang lingwahe? Wow ka!"

"I'm sorry okay? Just cut that drama" mas biglang nag-init ang dugo ko at parang pumunta na ata sa ulo ko sa sinabi niya. Talaga naman!

"walanjo! Nakakahiya naman saiyo ano? Akon a nga itong naloko mo. Ikaw pa may ganang magalit, wow lang talaga" pairap ko pa sa kanya habang sinasabi iyon. Hindi man lang siya natinag. Kung nakakamatay lang talaga ang pag-irap baka kanina pa siya nalagutan nang hininga.

"tsh"

Kahit talaga noong unang meet naming ganyan siya. Hindi man kami magkibuan noon ay suplado siya. I change my mind. Kahapon kasi noong nagvivideo call ako kay argen at rein. Napag-usapan naming siya. At ang sabi ko pa naman ay nagkacrush ako sa kanya. Pero ngayon? Binura lahat nang inis ko ang tinatawag na crush sa kanya. Kakainis siya.

"tsh ka rin" bulong ko.

Wala na kaming kibuan na dalawa nang makabalik si Laz at iyong kaibigan nila. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na kami roon. Natapos na iyong pagpupublish at bukas na bukas ay ididistribute na iyon sa mga book store.

Natuwa naman ako doon dahil finally mababasa na iyon dito sa Paris. Ipinagdadasal ko rin na sana magustuhan nang  mga bibili at tangkilin nila. Naka translate naman ito sa tatlong lingwahe kaya walang problema. English, French at Italian. 

Natapos ang araw na ito nang may magandang namang nagawa. Ito ay dahil okay na ang pagpublish nang books. Wala na kaming gagawin bukas. Pupunta nalang ulit kami dito para icheck iyong pagdidistribute sa bawat store. Iyon iyong magandang nangyari ngayon. 

Iyong Simon naman? Nagpaalam na rin kanina. Nauna pa nga iyon saamin umalis dahil may pupuntahan pa siya. Nakisaglit lang pala siya doon sa kaibigan nilang si Vico. Kanina ko lang din iyon nalaman nang banggitin ni Laz ang pangalang Vico.  Ang Fubini kasi ang narinig ko nung unang pakilala ni Laz saakin. Vico Fubini ang buong pangalan nito. Hanep nga dahil tunog foreigner  talaga ang mga pangalan at apilyedo nila. Kung sabagay mga foreigner sila. haha

Nakahiga na ako sa malaking kama. Handa nang matulog nang sumagi sa isipan ko ang pangalang  "Simon Louise Tabóne" bigkas ko nang pangalan. Nakakainis man pero bakit ang ganda? Naloko man ako kanina pero bakit ako nakangiti ngayon? Baliw na ata ako. Kapangalan pa nito ang main character ko. 

Napabuntong hininga ako nang wala sa oras. Pinilit kong iwaksi sa isip iyong pangalan nang lalaki pero kahit akong gawin ko ay hindi iyon mawala. Hinayaan ko nalang ang aking isipan na isipin siya. Ipinikit ko ang aking mata habang yakap ang malambot na unan. Sa aking pagpikit hindi nawawala ang tamis nang ngiti sa aking labi.

"Naloko kana kinilig ka parin. Hay naku! Puso talaga oh!" pabulong kong sambit saaking sarili...

avataravatar
Next chapter