Hello, unang una hindi to totoong nangyari sa
totoong buhay.
Hello everyone, ako si Layla Marquez, isa akong Bisexual. Ito ang aking istorya
First day of School
Transferee ako sa isang school dahil na expell ako sa last kung school dahil sa pagiging Bisexual ko.
Habang naglalakad ako ay may nakota akong isang babae at isang lalake sa harap ng gate na umano'y nagtatawanan. Nilapitan ko sila at tinanong ko kung anong pinagkakaabalahan nila. " Hello, anong ginagawa niyo diyan?" sabi ko, " Wala lang may pinaguusapan lang kami. Ikaw ba ang bagong student?" tanong ng babae. "Opo, ako po yun." Bigla kung naisip, Bakit pamilyar ang itsura ng lalaki? Parang nakita ko na siya? "Pwede ba tayong magkaibigan?" Tanong ng Lalaki, " Oo naman." sagot ko." Ako nga pala si Madison, at ito ang kuya ko, Ken ang pangalan niya" sabi ni ate girl. " Ako naman si Layla".Biglang dumating ang sikat at mayayaman na magkakapatid sa school namin. Nakita ko ang nakapink na Dress, nacucutan ako sakanya. Tinanong ko kung sino sila." Sino sila?", " Ang Lalake ay si Josh, siya ay isang Basketball Player. Sikat siya rito sa ating school, maraming inlove sakanya rito, ang babaeng naka Blue ay si Rosa, Ang pinakamalandi sakanila. Isa siyang bully, at ang kambal naman niya ay si Rose, si Rose ang pinakamabait at kahit kailan ay di nainlove sa sobrang raming lalaking nanliligaw sakanya. Wala kaming alam kung bakit or baka naman ay Bisexual siya." kinilig ako ng marinig ko ang mga information sakanya. Biglang nagring ang bell na ang ibig sabihin ay Oras na para pumasok sa klasroom.