1 MAHAL KITA HANGGANG SA HULI

try to listen to this song while reading my story: Memories by Shawn Mendes

***

"Mahal kita Elise" bulong ko sa kaniyang tenga, amoy na amoy ko ang halimuyak ng kaniyang buhok. Masasabi kong napaka-suwerte ko dahil ang tanging babae na pinapangarap ko noon ay naging akin na ngayon.

"hmm.. Ethan nakikiliti ako" saad niya na tila'y nakikiliti ito. Alam ko ang kahinaan niya kaya natutuwa ako sa tuwing napapahagikhik ito. Pareho kaming legal sa aming pamilya at nagsasama na kami sa iisang bubong.

"Ethan... pasaway ka!" humarap ito sa akin at nagkunwaring galit-galitan, pero nakangiti naman ng todo. Hays.. Di ko kakayanin kung mawawala ka pa sa akin Elise.

Noong first year college kami palagi ko siyang sinusundan, stalker na kung stalker pero siya lang talaga yung babaeng nagpakita at nagparamdam na worth it akong tao.

Naalala ko noong nasa open area ako ng canteen ay bigla akong tinapunan ng pagkain ni Saltik- isa siyang fourth year college kasama niya ang kanyang mga ka-kosa. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagtitripan sa pagkakaalam ko wala akong sinaktan at wala akong binabanggang tao.

"hayan ang bagay sa iyo bobo, akala mo ba na hindi ko alam na palagi mong sinusundan ang syota ko? Ang tigas naman ng panga mo!" saad niya habang dinuro-duro yung panga ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong sinuntok ng pagka-lakas lakas sa aking panga. Para akong umikot-ikot sa kalawakan at natumba agad ako. Hindi ako dalubhasa sa pakikipag-away, hindi ako basagulerong tao at hindi rin ako isang bakla- sadyang hindi lang ako mahilig makipag-away.

"Ano?! Ang weak mo naman tang-ina mo! Tumayo ka diyan!" galit niyang sabi.

Ang sakit ng pagkakasuntok niya sa akin parang lumubog yata ang aking panga, ayoko na dito kailangan ko nang tumakbo- bulong ko sa aking isip.

"Ayaw mong tumayo ah, pare dalhin niyo siya sa field para maturuan ko ng leksyon ang panga na ito" sabi ni Saltik.

Sinabitan nila ako ng pulang lubid sa aking leeg at nagmistula akong isang aso. Hindi pa sila nakuntento at sinabitan pa nila ako ng karatula na nakasulat ay: isa akong bobong ambisosyo at slapsoil.

"tsk.. ang guwapo pa naman niya tapos pumapayag lang siyang apihin ni Saltik."

"akala ko kapag berde ang mga mata ay anak ng mayaman at kayang gawin ang lahat, sus ! Sa wattpad lang pala nangyayari iyon"

"kalalaking tao duwag pero ayos lang guwapo naman e"

Narinig ko ang kanilang pinag-uusapan, oo- berde ang aking mata pero hindi ako mayaman at wala akong kayang gawin.

Ang aking ina ay nakapag-asawa ng iba't-ibang lalaki kaya iba't-ibang lahi kami ng aking pitong mga kapatid. Nalaman ko na pito kami dahil sa sulat ng aking ina, iyon ang huling sulat na iniwan niya dahil may kinakasama na raw itong bago.

"Makinig kayong lahat.. Itong putang-ina na ito ay sinusundan ang syota ko. Tandaan niyo ito ang sinumang magtangka na sundan ang syota ko ay magiging katulad kayo sa kanya! Naiintindihan niyo?!" galit na galit niyang sabi habang nagsasalita siya gamit ang megaphone.

"Putang-ina mo Saltik sino nagsabi sayo na syota kita?!" napalingon ako sa gawing kanan at ako'y namangha sa kanyang kagandahan.

"Ako?" pagmamayabang ni Saltik. "Ang kapal naman ng apog mo! Kahit ikaw na lang natitirang lalaki sa mundong ito hindi kita papatulan gago!" Aba! Napakatalas ng pananalita nito pero nananatiling maganda siya sa aking paningin.

"Halika sumama ka sa akin" saad niya habang tinatanggal ang lubid sa aking leeg samantalang ako ay nagmistulang tuod dahil nakita ko sa malapitan ang kanyang magandang mukha -makinis, mukhang malambot, hugis puso ang kaniyang mukha, matangos ang ilong, kumikislap ang kanyang gray na mata at mala-rosas ang kaniyang labi.

"HOY! Ang sabi ko sumama ka sa akin hindi iyong naka-nganga ka diyan!" pasigaw nito at ako naman ay natauhan. Hinawakan niya ako sa aking kaliwang kamay at dinala sa clinic.

"Yung mga sinabi ni Saltik huwag mong pakinggan, hindi kami mag-syota. Bakit mo nga ba ako sinunsundan noong mga nakaraang araw? May gusto ka ba sa akin?" diretsyahang tanong nito sa akin samantalang ako ay napapakurap ng aking mata.

"Kung sasabihin ko bang oo, magagalit ka ba?" diretso kong sabi na may halong tanong.

"Hahahahahahaha" bigla itong tumawa. Sabi na pagtatawanan lang ako nito.

"May gusto din ako sayo" saad niya habang nakatitig sa itaas ng kisame.

Napa-awtomatiko akong lumingon sa kanya dahil sa sinabi niya. "A-ano? May gusto ka din sa akin? How?, why?, and when?" Baliw na kung baliw pero hindi ako makapaniwala na ang isang dukhang kagaya ko ay magkakagusto sa akin.

"Mag-umpisa tayo sa WHEN: noong nag-kompyuter ka sa shop namin tapos naki-usap ka kung puwede ma i-extend ang oras kahit sampung minuto dahil hindi mo pa tapos ang research mo.. kaya lang wala kang pera tapos nakita kita! Galing kasi ako sa paglalaro ng basketball nun. Tapos sabi ko sa mama ko kilala kita kaya inextend niya ang time mo."

"next sa HOW: masipag ka mag-aral at nakikita ko na iba ka sa mga lalaki. Hindi basagulero, isa kang mabait, tahimik, at may mabuting puso."

" tapos sa WHY: sa lahat ng lalaki dito ikaw ang pinaka unique dahil ang ganda ng mata mo.. berde" dire-diretsong sabi nito samantalang ako ay nananatiling nakanganga ang aking bibig."

"T-talaga? Walang halong biro?" Shit! Di ako makapaniwala! Nanlaki ang aking mata at nangilid ang aking luha sa kaliwang mata.

"Oo, kaya simula ngayon tayo na okay?" saad nito habang nakatitig sa akin ng nakangiti. Ngiti na alam kong sasagip sa mundo kong napakadilim.

"Teka ang bilis, liligawan muna kita at ipapakilala sa aking mga kapatid" nataranta ako dahil ang lalaki dapat ang nangliligaw hindi ang babae.

"Wala nang ganoon Ethan, by the way ako si Elise ang babaeng magtatanggol sayo sa habang buhay."

***

July 17, 2014 ang official na naging kami ni Elise. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo-- Elise ko mahal na mahal kita.

"Hoy kakain na para kang baliw katititig sa picture natin, manawa ka uy!" saad nito habang naghahain ng pagkain namin.

"Naalala ko lang iyong mga panahon na nililigawan mo ko haha"

"Oo na ako naman talaga ang nanligaw, ang guwapo mo kasi at yummy parang si kokey" pang-aasar nito.

"Hahaha kahit kailan talaga ang conyo mo" hinalikan ko siya sa kanyang labi at gumanti rin ito.

"hmm... Tama na papasok pa ako sa trabaho galingan mo graduating ka na mahal" paalala nito.

"Opo miss manager" sagot ko sa kanya sabay kindat. Humalik muna ito saglit at nung titigil siya sa paghalik ay agad kong hinigpitan ang hawak sa kanyang baywang at hinalikan siya na parang wala nang bukas.

"Ethan.. pasaway ka papasok pa ako" pagmamakaawa nito.

"Sige na pumasok kana haha" humalik ulit ako sa kanyang labi at nag-wave.

Minamasdan ko ang unti-unting gamit na napupundar namin. Kahit mayroong trabaho si Elise ay nagtatrabaho din ako sa isang sikat na fast food chain dito sa Mandaluyong.

Isa akong part time worker doon, hindi ko hahayaan na siya lang ang magtatrabaho para sa amin. Sa una ay tutol ito dahil baka hindi ko raw kakayanin na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Sa awa naman ng Diyos ay nakaya ko dahil may pangarap ako sa buhay.

Binuksan ko ang aking kabinet at nakatingin ako sa isang parihabang kahon na naglalaman ng mga perang naipon ko mula sa aking pagtatrabaho.

"P60,000.. ang liit pa ng ipon ko hindi pa ito sapat para sa magarbong kasalan tsk." nagkakamot ako ng aking ulo at umiiling-iling dahil hindi sapat ang pera na naipon ko. Gusto ko mabigyan si Elise ng magarbong kasalan.

Nilabas ko ang singsing mula sa maliit na kahon- bagay na bagay ito sa kanya. Sana pumayag siya na maikasal sa akin.

***

"What? Paanong nangyari iyon? Huwag niyong pakawalan si Mrs. Sanchez... Sige...pupuntahan kita diyan ako na makikiusap sa kanya.. bye" pinatay niya agad ang tawag at nagmamadaling kumuha ng bag kasama ang file case.

Nagmadali rin akong tumayo para ipagmaneho agad siya papuntang opisina. Saktong-sakto dahil day-off ko sa aking trabaho.

"May masama bang nangyari? Tara ihahatid kita sa opisina niyo" pag-aalala ko dito

"Umayaw siya sa pagiging investor, ako malalagot kay Mrs. Gurang kapag hinayaan ko yung tao na umalis." halatang kabado ito pero nagagawa niya pa ring tawagin ang boss niyang gurang.

"Eh ano pa tinatayo mo diyan, tara na ihahatid kita" pag-aaya ko nito

"Huwag na Ethan ngayon ang day-off mo dapat nagpapahinga ka dito, ipagluto mo na lang ako ng caldereta promise uuwi ako agad bago mag ala-singko ng hapon".

Hindi ko siya pinakinggan at agad na kinuha ang bag at file case niya. Bago ako lumabas ng pintuan nilingon ko siya na may halong talim ng titig sa aking mata at sinabing "Sorry Elise pero this time hayaan mo ako bilang boyfriend mo na tulungan ka, handa akong maging personal driver mo at bodyguard."

Nasa loob na kami ng sasakyan at bigla akong hinampas sa braso ni Elise. "Yawa! Ang guwapo mo doon ah! Tsaka anong sinasabi mong bodyguard at personal driver? Boyfriend kita no'?! asik nitong sabi na may halong kilig.

"Edi shing" saad ko dahil wala akong ibang salita na masasabi basta ihahatid ko siya sa ayaw at sa gusto niya.

"Haha hayan ka na naman sa (edi shing) mo alam mo ang guwapo mo, pa-kiss nga" Hinayaan ko siya na halikan ako siyempre gusto ko din naman.

Makalipas ang isang oras nasa harap na kami ng kumpanya na pinagtatrabahuan ni Elise. Sabay kaming pumasok sa entrance at nakikita ko sa mga empleyado dito na binabati siya.

"Good afternoon mam Elise"

"Good afternoon mam boyfriend niyo po?"

"Oo" sabay kawit sa aking braso at kinukurot-kurot niya ito. Tinignan ko naman siya sa mata at parang sinabi niya na huwag-kang-titingin-sa-mga-slapsoil-look

Tumango-tango naman ako habang nakangiti at biglang kinilig iyong mga babae

"My gosh ! Mayroon siyang dalawang dimples ayii"

"mam ang guwapo niya ang swerte mo, berde na ang mata may dimples na plus gwapo pa !

"Sana magkaroon din ako ng boyfriend yung mayaman, macho, gwapo, asintado at tarantado"

"Ewan ko sa iyo dami mong learn" saad nito sa kanyang mga katrabaho habang natatawa sa mga pinagsasabi ng mga ito. Nilingon ako ni Elise at sinabing..

"Mahal, aakyat na ako doon hintayin mo ko dito sa sofa"

"Sige po mahal" hinalikan ko siya sa labi at kinilig naman yung mga nakakita.

Nakaupo ako sa sofa at mahigit tatlong oras na akong naghihintay sa kanya kakaunti na lang ang mga empleyado sa kumpanya at ang iba ay nagsi-uwian na. Naisipan kong puntahan siya sa kanyang opisna kaya nagtanong ako sa guard kung anong floor ang opisina ni Elise.

"Sir sa fifth floor po, bandang kaliwa at sa pinakadulo ang opisina niya"

Nagmadali akong pumasok sa elevator at pinindot ang button ng fifth floor. Nasa ikatlong bahagi na ako ng floor at nakita ko ang dalawang lalaki na nakasuot ng formal attire, narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Makakatikim na naman ulit si Vincent ng langit haha"

"Tigang ang animal na iyon, teka nasaan ba siya may inuman pa tayo ah?"

"Nandoon sa fifth floor.... alam mo na"

Kinuyom ko ang aking kamao at pinipigilan ang aking sarili na masuntok ang dalawang kumag na ito. Hindi.. Hindi ako lolokohin ni Elise. Mahal niya ako at mahal ko siya!

Nasa fifth floor na ako at naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Madilim ang awra ko ngayon dahil sa mga narinig ko mula sa dalawang lalaki na nag-usap sa elevator. Elise, diba mahal mo ako? Sabi mo ako lang yung mamahalin mo?

Nasa pintuan na ako ng kaniyang opisina, ipipihit ko sana ito subalit may narinig akong malakas na kalabog mula sa storage room.

Dahan-dahan akong naglakad at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng pulang long-sleeve na tinatalian si Elise sa kamay. Kumuyom ang kamao ko at agad na kinuha ang fire extinguisher at malakas na ipinukol sa kaniyang ulo.

"aaarghh!" Daing nito. Hindi pa ako nakuntento at pinagsusuntok ko ito sa mukha hanggang sa makita ko ang laman at dugo nito.

"Pu...tang....i...na.... mo... ka! Hu...wag...Si...E...lise.." saad ko habang pinagsusuntok siya sa mukha sa bawat salitang binibitawan ko. Hindi pa ako nakuntento at kumuha ako ng bakal na may halong kalawang at isasak sa tiyan niya.

"Huwag mahal ko! Nagmamakaawa ako please! Tama na!" umiiyak ito habang nakayakap sa aking dibdib at baywang para pigilan ako sa susunod kong atake.

Tumingin ako kay Elise at nakita ko sa mga mata niya ang takot. Takot? Natatakot na ba siya sa akin? Hindi ako ganito ka-brutal na tao pero bigla na lang nag-awtomatikong lumabas ang lakas ko para makapanakit ng tao. Normal naman iyon dahil isa akong lalaki.

Dumating ang mga pulis at nakita ang mga ebidensya katulad ng baril at drugs sa bulsa ni Vincent. Hindi ako makapaniwala na ang isang edukado na may magandang trabaho ay isa pa lang malaking GAGO.

Nahuli rin ang iba pang empleyado na gumagamit ng palihim na drugs. Nakakulong na ito ngayon at hahatulan ng panghabang-buhay na pagkakabilanggo.

"Mahal? May masakit ba sa iyo?" pag-aalalang tanong ko dito.

"Mahal, maraming-maraming salamat at niligtas mo ako. Akala ko wala ng sasagip sa akin, natakot ako kay Vincent dahil may baril siya" umiiyak ito at ramdam ko pa rin ang takot ng nararamdaman niya. Niyakap ko ito ng mahigpit at nilisan ang lugar na napaka-pait.

***

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang pagtatapos ng mga kolehiyo sa taong ito. Hindi ako makapaniwala na naabot ko ang pangarap ko na maisuot ang itim na toga, nakikita ko si Elise mula sa kinauupuan niya nakatayo ito, umiiyak at pumapalakpak.

"Let us hear the heartwarming message from our Suma Cum Laude-- Ethan Green" pumalakpak sila at nag-umpisa akong magsalita.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan"

"Nagpapasalamat ako sa inyong lahat dahil hindi ako makakarating dito kung wala ang inyong suporta at tulong. Sa mga minamahal kong guro at mga staff na walang sawang tinatama ang aking mali para mapabuti ako, kayo ang tumayo bilang mga magulang ko upang mabigyan ako ng pag-asang makakayanan kong sumabay sa hamon ng buhay. "

"Sa aking ina, maraming salamat dahil isinilang mo ako sa mundong ito. Kung nasaan man kayong panig ng mundo dalawa lang ang masasabi ko may anak na po kayong nakapagtapos at mahal na mahal kayo"

"Sa mga kaibigan ko maraming salamat sa inyo dahil solid ang ating pagkakaibigan, huwag tayong magkalimutan"

Pinuntahan si Elise ng mga kaklase ko at dinala siya sa stage kung saan ay nakatayo ako at naghihintay sa kanya.

"At sa huli ang babaeng pinakamamahal ko... Elise maraming salamat sayo, maraming salamat dahil ikaw ang tumulong sa akin noong panahong mahina ako, ikaw ang babaeng nagtanggol at nagsilbing gabay ko, ikaw ang babaeng dinadalangin ko sa panginoon at ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay at wala ng iba kaya Elise.. lumuhod ako at sinabing.

"Will you marry me?"

Nakita ko ang kanyang luha na pumapatak sa kanyang pisngi hanggang sa unti-unti na itong umagos. "Mahal, Oo pakakasalan kita!!!" Sumigaw siya sa tuwa ng kaniyang nararamdaman at bigla niya akong niyakap kaya lang na-out of balance ako kaya ang ending bumagsak siya sa ibabaw ko.

Pareho kaming umiiyak sa tuwa at galak ng aming nararamdaman, gayon din ang mga guro , kaklase, at mga staff ay nag-iiyakan at nagpalakpakan.

***

Ngayon ang araw ng pinakahinihintay ko ang maikasal kay Elise. Narito ako ngayon sa bahay ng matalik kong kaibigan na si Toffer at siya ang nag-aasikaso sa akin. "Bro, ito na ang pangarap mo, dumating na. I wish you all the best" Sabay tapik sa aking balikat.

"Toff tara na umalis na tayo ngayon, hihintayin ko siya kahit matagal "

"Naku, bro mag-hihintay ka ng tatlong oras doon!" pag-aalala nito habang nagkakamot ng ulo.

"Wala akong pake, sige na umalis na tayo." Tumayo agad ako mula sa aking kinauupuan at kinuha ang itim na kapote.

"Sige na nga" Sa wakas pumayag na rin siya, hindi na ako makapag hintay na makita ang pinakaminamahal kong babae na maglakad papunta sa altar.

Nasa kalagitnaan kami ng pagmamaneho na may biglang bumangga sa amin na isang itim na kotse.

"Puta!? Yung kotse ko binangga!" Ibinaba niya ang salamin ng kotse niya para murahin at sigawan nito kaya lang bigla siyang tinutukan ng isang lalaki na nakasuot ng itim na maskara-- may hawak itong baril. "Buksan mo at sasakay kami bilis!"

Sumakay silang tatlo, ang isa ay umupo sa tabi ni Toff at ang dalawa naman ay pinag-gitnaan nila ako. "anong kailangan niyo?" tanong ko na walang halong takot sa kanila.

Tinutukan ako ng baril sa ulo at sinabing "huwag ka nang maraming tanong dahil pagdating mo doon... malalaman mo rin naman"

Nakarating kami sa isang abandonadong factory at dinala kami sa loob nito. "boss nandito na yung taong may atraso sa iyo". "Nagkita rin tayo ungas" Confidence ang pagkakasabi nito habang humihithit ng sigarilyo. Natatandaan ko siya. Siya yung gagong edukado na binalakang halayin si Elise.

"Anong kailangan mo?" kalmado kong tanong. "Ikaw! Alam mo bang marami akong pinagdaanang operasyon para maayos muli ang mukha ko" Pinapasadahan niya ako ng tingin at bigla itong humalakhak.

"Ikakasal kana? Kanino kay Elise?! Napaka-malas ng magiging buhay ni Elise kung sa iyo siya mapupunta. Kalagan niyo" utos nito sa mga alagad niya

Naunang sumugod si Vincent at sinuntok ako nito sa mukha hindi ako nakailag dahil napakabilis ng kilos nito. Natumba ako at pinagtatadyakan niya ako sa tiyan. Nung naalala ko ang ginawa niya kay Elise ay awtomatiko kong hinawakan ang kanyang paa at binalian ito sa kanan.

"Aargh!!" napadaing si gago. Gumanti ako ng suntok dito at sinipa ang kaniyang tiyan. Sumugod naman ang mga alagad ni Vincent dahil nakita nila na hindi na ito makakatayo pagkatapos ko siyang mabalian sa paa. Sabay-sabay silang sumugod para mapatumba ako ngunit nabigo sila.

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko na forty-five minutes na lang ay mag-uumpisa na ang kasal namin.

***

"Narito na ang groom!" sigaw ng wedding coordinator.

"Kuya! Kanina pa naghihintay sayo si Father pumunta ka na doon" sabi ng isang babae na hindi ko kilala at itinuro ang altar agad naman akong tumakbo papunta roon.

"Patawad Father" ngumiti si Father na may halong lungkot sa kaniyang mata.

"Father, patawarin niyo po ako kung nahuli ako"

"Anak.. saan ka ba galing?" tanong nito na may halong pag-alala

"May nangyari lang po Father, pero okay na po, tama lang naman ang timing ko diba Father?" natatawa ako habang nakayuko

"Mali ang timing mo anak" seryosong pagkakasabi ni Father. Sinundan ko ang tingin ni Father at nakita ko si Elise dahan dahan itong naglakad papunta sa altar kaya lang bigla itong napaluhod. Umiiyak ito hanggang sa sumigaw siya ng napakalakas "PATAY NA SI ETHAN! ETHAN MAHAL KO BAKIT MO AKO INIWAN!!!" hagulgol nito

Nagmistula akong tuod sa aking kinatatayuan, hindi ko namalayan na lumuluha na ang aking mata tinignan ko si Father na may pagtataka at sinabing.. "F-father h-hindi ako patay.. Na-nakikita niyo ako e" Saad ko habang umiiling-iling dahil hindi ako patay !

Biglang nag-iba ang lugar sa paligid na tila bang nag flashback at nakita ko ang sarili ko sa higaan na naliligo ng sariling dugo. Nangilabot ako sa aking nakita h-hindi hindi ito totoo. Sinusubukan ng mga doctor na iligtas ako . Tinignan ko ang sarili ko at ganoon pa rin naman ang suot ko, h-hindi pa ako patay!

"Elise--" tawag ko nito ngunit hindi niya ako narinig.

"Ethan lumaban ka! Ikakasal pa tayo! Parang awa mo na!!!" Umalingangaw ang boses ni Elise sa pasilyo at lahat ng nakakita sa kanya ay napapaiyak dahil suot-suot pa rin nito ang gown.

Lumabas ang doctor at nakita niya si Elise na nakasuot ng puting gown. "miss sumama ka sa loob" Pumasok si Elise at dirediretsong pumunta sa higaan ko.

Lumapit ako kay Elise gusto ko siyang hawakan, gusto kong maramdaman niya ang presensya ko, gusto ko siyang mahalikan at gusto kong magpaalam sa kanya. Naluluhang pananawagan ko para sa panginoon.

"Ethaaan!!! Doctor!!! Humihinga si Ethan!!" Taranta nito habang sumisigaw siya ng tulong.

"E-elise...

"Ethan huwag ka munang magsasalita please, parating na iyong doctor. Huwag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita Ethan tang-ina! Nangako ako na ako ang magtatanggol sa iyo habang-buhay... Ethan please lumaban ka mahal na mahal kita !!!!!" sigaw nito at humahagulhol ang iyak nito.

"E-lise ingatan mo ang sarili mo, magpaka-tatag ka.. tandaan mo

"MAHAL KITA.. HANGGANG SA HULI"

avataravatar