1 Simula

SOBRANG SAKIT. Iyan ang nararamdaman ko sa t'wing inaalala ko 'yong masaya naming alaala. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang dibdib ko sa bawat larawan na rumerihistro sa cellphone. All of these... are just a memory now. A sweet yet bitter memories.

"I-I can't love you anymore..."

Muling nanariwa 'yong hapdi sa puso ko nang maalala ko ang mga huling sinabi niya sa akin. I begged to him. Kinain ko ang hiya ko't nagmakaawa ako sa pagmamahal niya. But in the end, he left me alone. Ang gusto ko lang naman ay makipag-ayos sa kaniya. Hindi nga lang ako in-inform ng tadhana na wala na akong dapat ayusin pa. Eh 'di sana... s-sana... na-extend pa 'yong relasyon naming dalawa.

Pinahid ko 'yong luha ko na dumadaloy sa pisnge ko. Ito na lang ata ang hindi nauubos sa akin. Isang linggo na akong umiiyak pero eto tuloy-tuloy pa rin.

Tama... isang linggo na. Isang linggo ko nang tinatanong ang sarili ko kung bakit niya ako iniwan sa kabila ng mga kabundok niyang mga pangako. Hindi ba ako naging sapat sa kaniya? May hindi ba ako naibigay sa kaniya? Hindi ko ba naiparamdam na mahal ko siya? Nagkulang ba ako?

"Tang-inang pag-ibig 'to..."

He was my first. He was my first kiss. He was my first suitor. He was my first boyfriend. He was the first man who accepts me despite of everything. Siya lang... ang taong nagparamdam na mahalaga pa ang existence ko sa mundo.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate. I have two notifications from Facebook. Binuksan ko ang isa. Mapait akong napangiti.

'Celebrate your one year friendship with Brian Camello.'

One year... tama. First anniversary namin ngayon ni Brian. First anniversary namin... sana.

Tumingala ko sa madilim na langit. Kasing dilim ng nararamdaman ko ngayon. Walang bituin, walang maliwanag na buwan. Tanging lungkot at pag-iisa ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Ibang-iba noong gabing sinagot ko siya. Napakaliwanag ng gabi. Maraming bituin af napakasaya ng buwan. Napakasaya ko noon. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. All I can see was emptiness. Naalala ko pa kung gaano kakulay ang lugar na ito. Flowers, red carpet, table and beautiful moonlight. Lahat nagsimula sa rooftop na ito.

Paano kaya kung kami pa rin ngayon? Magiging makulay ba ngayon ang rooftop na ito? Katabi ko ba siya ngayon at masayang tinititigan ang mundo?

Tiningnan ko ang pangalawang notification.

'Brian Cam posted a new status.'

Nanginginig ko itong binuksan. Kasabay ng unti-unting pagguho at paglukot ng mundo ko. He left me... totally.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa sunod-sunod na pagtulo. Kahit nanlalabo ang paningin ko, tila naukit na sa utak ko ang litratong iyon. Si Brian... kasama si Daine — ang bago niyang girlfriend ngayon. Ang pinalit sa akin.

Para akong tinatadtad... ayoko na! Ayoko na!

"Bakit? Bakit, Brian?" Binato ko ang cellphone ko dahilan para magkandasira-sira ito. Umaasang kasamang masira 'yong larawan sa utak ko.

But, no. Napakalinaw sa isip ko 'yong masayang ngiti nilang dalawa. 'Yong kamay nilang magkahawak habang nakahalik si Brian sa kanang pisnge ni Daine. Captioning, 'Four months waiting is worth it. I love you babe.' Ibig sabihin, apat na buwan na pala kaming naggagaguhan sa isa't isa. Iyon pala ang dahilan kaya pakiramdam ko nagkakaroon kami ng malaking pader sa pagitan namin.

May biglang pumasok na ideya sa utak ko dahilan para matigilan ako. Tama... iyon ang dahilan. Iyon ang hindi ko naibigay sa kaniya.

"You can't attend our party. Stay at your room!"

"What happen to you, Iha?"

"Don't come with us ever! Nakakahiya ka maging kaibigan!"

"Hindi kayo bagay ni Brian! Malandi kang manang ka!"

"Sinagot ka lang niya dahil naawa siya sa iyo! Hindi ka girlfriend-material!"

"Bumaba ang tingin ko kay Brian dahil pinatulan ka niya."

"I can't love you anymore."

"Panget!"

"Basura!"

"Nakakahiya ka!"

"Stay at your room!"

"I love you babe!"

"Malandi!"

"Mamatay ka na!"

"Die!"

"Die!"

"Die!"

"T-Tama na..." Tinakpan ko ang mga tenga ko at mariing pumikit. "P-Please tama na... tama na. Tama na!"

Kumidlat at kumulog nang malakas ang langit. Kasunod nito ay pagbuhos ng malamig na ulan. Hindi ko ininda ang lamig na nanunuot sa bawat laman ng katawan ko. Hinayaan kong agusin ng ulan ang luha ko. Hinayaan kong takpan ng ulan ang mga hikbi ko. Dahil ngayon... hindi ko na alam kung bakit ako nandito sa mundo.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang repleksyon ng isang babae sa tubig. Magulo ang buhaghag niyang buhok. Nakatabingi ang malaki niyang salamin. Pimples na nagkalat sa mukha niya. Mukhang walang kabuhay-buhay. Labing maputla. There was nothing on here face that was beautiful. Not even one. But, the saddest fact... that was me.

Unti-unti naipon sa dibdib ko ang sakit at galit na buong buhay kong dinadala. Galit ako sa kaniya! Galit ako sa sarili ko! "Ayoko sa iyo! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Sunod-sunod kong sinuntok ang sahig hanggang sa mapahiga ako sa pagod.

Pagod na pagod na ako... pagod na pagod!

Tinikom ko ang mga hikbi ko at inipon ang natitira kong lakas. Bahagya kong naitukod ang kamay ko nang sinubukan kong tumayo. Dahan-dahan kong iniangat ang nanginginig kong katawan. Hanggang sa isa-isa kong naihakbang ang mga paa ko. Isa-sa. Dahan-dahan. Lalong lumakas ang ihip ng hangin nang marating ko ang dulong bahagi ng rooftop.

Ngumiti at pinagmasdan sa huling pagkakaton ang academy na nagbigay-daan para magkrus ang landas naming dalawa. Dito nagsimula ang lahat... "Paalam..." At dito ko rin tatapusin.

Pumikit ako muli kong ninamnam ang lamig ng panahon. I try but I failed. I love but I was hurt. I wait... but now I'm tired.

Pagkabilang ko ng tatlo ay lumipad ako tulad ng isang ibong malaya.

Sana maging masaya kayo.

avataravatar
Next chapter