1 Chapter 1: Taken

"Rodolfo!!!" sigaw niya habang sapo pa rin ang malaking tiyan, tinitiis niya lang sakit.

"Honey!" gulantang bungad ni Rodolfo kay Esmeralda sa pinto, saka lumapit sa kaniya, pilit pinapakalma ang sarili.

"aahhuhhh!! Aray ang sakit!!"

"Tawag kang ambulance." anya sa matandang babae kasama niya kanina Tiya Puring, isa ring katiwala at pinagkakatiwalaan.

"ahhuuuhh!"

"Honey! Dadalhin kita sa hospital."

Binuhat nito ng dahang-dahan Esmeralda palabas, namalayan na lang niya na hospital sila at nakailang beses nawalan ng malay ito.

"Inhale and Exhale lang po sabay push okay!" sabi ng doctor, ginawa nga niya ang sinabi ng doctor hanggang sa mailuwal niya ang isang sanggol na babae.

"aaaahhhhhaaa!!"

Humihingal siya sa sobrang sakit, pagkahilo at pagod, halo halong emosyon at nakatulog.

Nagising siya na may mauligan siyang ingay at iyak. "Rodolfo! Mama! Papa! Bakit po?" nagtatanong ang mga mata at nagtataka nang masilayan niya mga to.

"Hon! I'm sorry!" Iyak nito at parang may hindi sinasabi ang mga mata.

"Why? What's wrong?"

"Our daughter is taken."

"Taken!? By who?" nagulantang siya sa sinabi nito, babangon sana nang bumalantang ang sakit at pinipigilan siya ng mga magulang.

"Sinong kumuha sa anak ko? Sabihin niyo sa akin!" sigaw niya at halos di siya makahinga sa kakaiyak, kung maaarin lang na pumatay ng tao gagawin niya.

"Maghinay-hinay ka lang honey, makakasama sa'yo lalo pa't kakapanganak mo palang!" anito na babakas sa mukha ang pagalala.

"Wala akong pakialam, pupuntahan ko ang anak ko!"

Tumayo siya at sinubukang lumakad kahit sumasakit pa ang tiyan at ang pagitan ng kaniya mga hita.

Napagalaman nila na babae ang kumuha sa sanggol sa nursery, at ang masaklap ay walang nagbabantay kaya pinahanap na sa pulisya ang babaeng nakita sa CCTV camera.

Ang babaeng nagngangalang Divina ay kasalukuyang nakalabas na ng hospital nang walang nakakapansin sa kaniya.

Naalala niya ang sinabi ni Margaret na patayin niya ang sanggol, 'ngunit paano?' nagpalinga-linga siya sa paligid. Saktong wala tao, ilang dipa palang ang lakad niya ay nakita kaagad siya ng mga pulis.

Sa sobrang taranta ay halos pati ang dala niya bag ay muntikang mahulog, takbo at lakad ang ginawa niya para mailigaw ang mga to at nagtago sa pader.

Nakahinga siya ng maluwag nang di siya nakita, dumeretso dulo ng eskinita. Tinignan niya ang sanggol, napakaganda at cute na isang indikasyon iyun na di niya kayang patayin ito.

Luminga pa siya para makasigurado, sa tapat siya ng bahay na medyo may kaliitan at duon niya iiwan ang sanggol. Huminga muna ng malalim saka kinatok ang pinto ng bahay, saka siya nagtago sa basurahan.

Bukas ang pinto nun at niluwal ang isang babae na medyo may edad na, nagulat ito na may sanggol sa baba.

"Hala! Bakit may baby dito?" tanong nito, luminga pa ito at tinignan ang napaka cute baby, saka binuhat papasok ng bahay.

Tingin niya ay nasa maayos na siya, mukhang mabait ang babae at siguradong di siya nito pababayaan, napagdisisyon niyang umalis at baka may makakita pa sa kaniya.

avataravatar
Next chapter