webnovel

MATH 1

MADULIMAY'S POV

"Salamat po Manong." ngiting sabi ko kay Mang Renante bago ako bumaba sa kotse. Si Mang Renante ang driver ni Lolo.

Tinanguan niya lamang ako bago pinaandar ang kotse.

Dinukot ko ang enrolment form ko sa bag ko at binasa kung ano ang room ko.

Medyo kinakabahan ako kasi it's my first day as a college student.

I breath in and out.With my head held high, I walked like a pro. Marami akong kasabay na estudyante na papasok rin sa loob ng university.

My lips curved upward when my eyes caught a sight of my ID.

it reads...

SANTAN UNIVERSITY

Madulimay Pejero

Bachelor of Science in Business Management 1

Enebeyen. The thought of having one step forward to my dreams exhilarates me.

"Yes Dad. Everything's fine. I'm already in school. Bye Dad. Love you."

Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses na yun mula sa aking likuran.

That voice sounds familiar…

It reminds me of someone I met 5 years ago...

Flashback***

Halos liparin ko na ang school sa bilis ng takbo ko. 5 minutes nalang kasi at male late na ako.

Late kasi akong nagising dahil puyat ako sa mga requirements na kailangan kong tapusin kagabi.

Malapit lang ang apartment namin sa school ko kaya naglalakad lang ako sa pagpasok at pag uwe.

*Boogsh...

"Ay tuna! " iritadong sigaw ko.

Nahagilap kasi ng walang modong nakamotorsiklo ang sling bag ko dahilan para matapon ang lahat ng nasa loob nito.

Bumaba ito sa motorsiklo niya at tinanggal ang helmet pagkatapos ay pinulot nito ang mga gamit ko na natapon pagkatapos ay inisa isa niyang ibinalik ang mga ito sa loob ng sling bag ko.

Dulot marahil ng matinding pagkagulat ay natulala nalang ako.

Hindi biro yun! Muntik muntikan na akong mabangga!

"Are you astounded?  You think, I, the handsome Sitti was pulled off by your prank? Sorry but it's a cliche. Such a waste. Tch! " sigaw nito sabay bato sa akin ng sling bag ko.

Bago pa ako makasagot ay sumakay na agad siya sa motosiklo niya at pinaharurot ito.

"Walang hiya ka! Ikaw na nga tong muntik makadisgrasya ng tao e!Gago!Walang modo! " sigaw ko kahit alam kong hindi na niya ako marinig.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtakbo.

Kung minamalas ba naman!

Nang hapong ding iyon sa school ay nagbabadya na ang malakas na pag ulan nang napagdesisyonan kong umuwi na dahil sa mga assignments na kinailangan kong tapusin.

***

"Yes Dad. Katatapos lang ng practice namin e."

"No Dad.Slippery na ang road kaya di na po ako magpapasundo. Magji jip nalang ako pauwi."

"Yeah.I can manage. I'm gonna tour Sitti tomorrow but I can meet you the day after po.Bye Dad. Love you."

"Hmm. Ang sweet naman ng lalaking ito sa ama niya." bulong ko sa sarili ko.

Kasalukuyan akong nakikipila para sa susunod na jeep at naririnig ko ang boses ng lalaki sa likod ko na may kausap sa kanyang phone pero hindi ko na nililingon kasi baka mahalata niyang nakikinig ako.

Hayst. Sana meron din akong Papa😣

Wait. Sitti? Parang narinig ko na yon somewhere a.

Tumigil ako sa pag iisip ng ako na ang susunod na papasok sa jeep.

Sumampa kaagad ako at agad akong naupo. Umidlip ako sandali dahil napagod ang utak ko sa dami ng ginawa ko sa school.

Naalimpungatan ako ng tinapik ako ng konduktor.

"Bayad mo ineng! "

Nahiya pa ako ng marealize ko na nakasandal pala ako sa balikat ng katabi ko.Agad kong hinalungkat ang bag ko para kunin ang pamasahe ko.

Buti nalang at ginising ako ng konduktor kasi bababa na ako sa susunod na kanto.

*-@$+-*'#=!?

Para akong nabuhusan ng malamig na yelo nang mapagtanto kong nawawala ang aking pitaka.

Galit na galit ako habang inaalala ang dahilan kung paano ko ito nawala.

That Brazen-faced person turns out to be the thief!

Ninakaw niya ang pitaka ko!

Whuaa. I'm so dumb para hindi mahalata agad na isa siyang mandurukot.

Hindi ko lang napansin kaagad kasi naging busy ako buong araw!

"Ma-manong,  pu pwede ko bang bayaran nalang bukas. Nadukot po kasi yung pitaka ko kaninang----"

hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ay sinupalpal na ako ng konduktor.

"Bakit kasi sasakay sakay kayo kung wala naman kayong pambayad?!Ilang tao na ang sumakay samin ng walang bayad ngayong araw.Wala na nga kaming delihensya,wala pa kaming pambili ng gasolina." nayayamot na sigaw nito.

Hindi ako nakapagsalita. Nangingilid na ang luha ko at ramdam kong nangangamatis na ang pisngi ko sa matinding kahihiyan.

"Kuya,  Okay na. Hwag mo na siyang singilin.Ako na ang bahala." narinig kong sabi ng lalake sa tabi ko.

Parehong boses ng may kausap sa telepono kanina. Nilingon ko siya at mas lalo akong nanghina nang masilayan ko ang kanyang nag uumapaw na kagwapuhan.

"Don't worry. I got this!" ngiting sabi nya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya at nang huminto ang jeep sa sumunod na kanto. Agad akong bumaba at kumaripas ng takbo.

***

Kinabukasan sa paaralan,ay hinalughog namin ang buong Campus. Kasama ko ang bestfriend kong beki na si Joshua a. k. a Dyosa.  Nalaman kong ang pangalan niya ay Hero Chuen,Grade 10. Hindi naman kami nahirapang makita siya agad.

"Ahm. Hero.ma..magandang a.araw sa.. yo." nauutal kong bati sa kanya nang madatnan namin siyang mag isang nakaupo sa isang bench malapit sa gym ng school.

Naramdaman ko pa ang marahang pagsiko sa akin ni Dyosa.

"Besh..bakit pa kasi tayo nandito? Hindi naman yan big deal.Alis na tayo!" pabulong na sabi nito na akmang aalis na pero pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.

Napaka kj e!Minsan na nga lang ako magkaroon ng pagkakataon na makausap si Hero ng malapitan e.

"Ganun din. Oh. Are you that girl from yesterday?" ngiting tanong niya.

Damn!Para akong kandilang nauupos sa ngiti niya.

"Oo. Ah. Gus.. to ko nga pa.. lang magpasalamat saiyo.Totoo talaga kasing nadukot yung pitaka ko e. Ah. Eto nga pala yung bayad ko." sabi ko sabay lahad ko sa kamay kong may lamang 10 pesos.

Ngumiti ulit siya.Hinawakan niya ang kamay ko at itiniklop ang mga daliri ko sa palad ko.

Parang tumigil ang aking mundo sa mga pagkakataong iyon.

"You may keep that. Hindi naman ako naniningil ee.Masaya ako na natulungan kita kahapon." mas lumalim pa ang ngiti niya.

Hindi ko maiwasang titigan siya ng mabuti.Pareho pala kaming may nunal sa taas ng bibig.

"Hero.Andito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Coach.Come on. Punta na daw tayo sa rehearsal room. " tawag sa kanya ng isa sa mga kasama niyang naka pajama at rubber shoes.

Nag thumbs up siya dito tsaka niya ako muling hinarap.

"I have to go."ngiti ulit niya saka tuluyang lumayo. 

*End of flashback

Since then, he became my ultimate crush.

I stalked him in social media and in person.

I secretly watched over him from afar.

That was when everything was going smoothly like a river so serene...

but then...

that river suddenly became turbulent.

and I was drifted away.

Si Hero. Oo,  hindi ako maaaring magkamali.

Lumingon ako at pakiwari ko'y nasa alapaap ako nang masilayan ko ang kanyang mukha. It had been years since I last saw him but he still look the same....

Young and handsome.

Next chapter