webnovel

He's the Principal

Tagal ko nakatulog kagabi, iniisip ko na naman yung lalaking kasama ko kagabi, ano ba ang pangalan nya? Ang tanga ko sa part na hindi ko man lang tinanong ang pangalan nya. 

 

Bumangon na ako dahil papasok ako ngayon sa school, Kung pwede lang sana mag home school nalang ako, pero kailangan ako ng mga kaibigan ko kaya no choice kundi papasok nalang ako

 

I'm on my way papunta sa University na pinasokan ko, Medyo napaaga ang ate girl nyo, wala naman kasi akong ginagawa sa bahay

 

Sorry Tamad lang

 

"Uy bat ka umuwi kahapon" salubong sakin ni Lily

 

"Alam mo naman mudos ni Kian diba?" tanong ko sakanya parang di nasanay tong babaeng to

 

"hmm" sabi nya, alam ko kasing naka move on na siya tas itong si Kian nantitrip

 

"Balikan mo kaya" sabi ko ng pabiro, natawa ako sa mukha nya

 

"Yuck, asa ka, 1st year high school lang ako nong naging kami, You know puppylove lang yun" puppy love lang pero parang papansin tong si Kian kay Lily

 

"Pero nagpapansin siya sayo" nakangisi kong sabi sakanya

 

"Hey, stop it" naiinis niyang tugon, kita mo na nainis na siya, sarap talaga asarin

 

Nagulat kami ng biglang nagkakagulo ang mga tao, Anong meron? May away?

 

"Hoy anyari" sinuko ko si Lily, nagulat din siya sa nangyari

 

Sa tatlong taon ko dito ngayon lang ako nakapansin ng ganito ka gulong mga tao. 

 

"Nagkakagulo sila grabe, Hindi nila alam nasa mga 40's na yan" nakakaloka sila, Pumapatol pa sila sa mga matanda sabi ko habang naka cross arm, wala akong pake kung mapapahiya ako dito, Alam kong mahiyain ako pero nagsasabi lang ako ng totoo

 

"Grabe 40's totoo?" Tanong nong babaeng naka rinig sa usapan namin

 

"Abay Oo, may principal bang nasa 20+ palang? O kaya mga nasa 18, student palang yun" sabi ko sakanila

 

"May point ka gurl" nag agree naman yung kasama nya, nako wag talaga ako niloloko, matagal to maloko no

 

"Alam mo mas mabuti pang tara na" inakay ako ni Lily at tumakbo, Naiwan si Yuna don naka tayo at parang walang pake sa mundo

 

"Anong gagawin natin dito? Don't tell me gusto mo ?" tanong ko sakanya, Interesado pala ang mukong nato

 

"Tanga baka nandyan na si Teacher" sabi ni Lily, Ay oo nga pala no, pasensya na

 

"Okay Students, Kumalma lang tayo"biglang sabi nong Ex principal namin, Aalis na kasi siya sa school nato, Transfer na siya sa ibang University

 

"Today We have our new Principal, Alam ko kung bakit kayo nagkakagulo" sabi ng Ex principal namin

 

"This is Mr. Cyrus our new Principal" potek di ko man lang nakita ang mukha ni Mr Cyrus na yan, 

 

"Hoy ang pogi" sabi ni Lily sakin, Oo ang pogi ibat ibang mukha nakikita ko tsk

 

"Ewan ko sayo di ko naman nakita" naiinis kong sabi, hinablot ko siya at nakidaan kami sa maraming studyante.

 

"Ang gwapo nong Principal, bagong crush ko" sabi nong isang studyante

 

Pumasok na kami sa room namin, wala pa si ma'am, Baka wala kaming klase ngayon dahil sa bagong Principal

 

"Okay Announcement everyone, Wala daw tayong klase whole day dahil may meeting at dahil na rin sa  bago nating Principal" sabi nong SSG representative

 

Sana pala di na ako pumasok, Kumain nalang sana ako sa bahay at nanonood ng TV

 

"Hoy saan tayo" tanong ko kay Lily

 

"Lily ang panget ng kaibigan mo" sigaw ni Kian kay Lily, alam ko ako tinutukoy nya, Akala mo naman napaka gwapo nya

 

Basketball player lang naman kala mo talaga nadadala sa mukha, Ang panget naman maglaro

 

"Pakisabi kay Kian ang panget nya maglaro ng Basketball" nilakasan ko ang pagkasabi ko, Alam ko namang naririnig nya yun kasi di pa naman siya kalayuan. 

 

Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ko, Buti nalang walang fangirls ang dumaan kundi ginawa na akong bananaque ngayon, Ang tataray pa naman ng mga yun mukha namang lumpia.

 

"Lily Cr lang ako ah, wag mo na ako samahan" sabi ko kay Lily, Busy na siya sa pakikipag usap kaya wag na natin disturbohin

 

Naglakad ako sa Hall Way, nakss saan kaya mga student dito bat ang tahimik, 

 

Nagpophone muna ako habang naglalakad, nakatuon na ako sa phone ko hindi ko namalayan may nabangga na ako, Teka nakabangga ba ako ng tao o puno yung nabangga ko, 

 

Pagtingin ko, Napauro ako nong narealize ko na ito yung lalaki na nagbigay sakin ng jacket, Napa atras ako at nanlaki ang mata ko, iniwas ko yung tingin ko sakanya, Hala anong ginagawa nya dito? Yung jacket ba?

 

"Anong ginagawa mo dito?" nahihiya kong tanong sakanya, di siya sumagot at nakatitig lang siya sakin

 

"Ahh yung jacket ba?" sinubukan ko siya aliwin para di na siya nakatitig sakin pero bat parang ayaw nya umiwas

 

"tinatanong nga Wala namang sagot" sabi ko pabulong

 

"sige sa cr lang ako" sabi ko at nilagpasan ko sya

 

Anong ginagawa nya dito? Paano nya nalaman na dito ako nag aaral,

 

Stalker amp

 

"Hoy bat mo binangga yung Principal" tanong ni Kian sakin, 

 

Anong principal pinagsasasabi nya

 

"Baliw ka ba?" tanong ko sakanya

 

Napakamot siya ng ulo

 

"that is our principal you dumb" sabi nya,

At nilagpasan ako

 

Napatakip ako ng bibig, Pri - principal? S-siya dito?

 

Napalunok ako, Akala ko nasa 40's mga nasa 30 pa yata o 25+, paglingon ko papalapit na siya, tumakbo ako papuntang Cr.

 

Napahawak ako sa dibdib ko, sinampal sampal ko yung sarili ko, Principal pala siya dito, 

 

Ang kapal ko, Nag assume pa ako, 

 

Pinagpawisan ako, grabe

 

Akala ko kasi nasa mga 40 na o kaya matanda, Akala ko rin kasi babae, Lord kunin nyo na ako.

Nakakahiya may nakarinig pa sakin na sinabi ko yung age ng principal na yun, Baka isumbong ako. 

Kinakabahan ako at pinagpawisan, Alam mo naman yung aura nya nakakamatay, Yung taong makuha ka sa Tingin,  Ang sexy nya pa. Di ko akalain Principal siya dito. Teka nasa 30+ na kaya siya oh nasa 20+ pa hihi. 

 

"Hindi ko naman alam pasensya" sabi ko sakawalan. Hindi ko alam na nagsasalita na pal ako mag isa, Haysst nababaliw na yata ako