2 chapter 1

First move.

"Ivan sino yang nasa picture?" takang tiningnan ni alex ang hawak na cellphone ni ivan.

mga kababata ko sila solid kameng tatlo minsan tambayan namin tindahan nila alex hahaha.si ivan lang yung lalake samin minsan tinutukso siyang bakla kasi puro babae kasama niya, Di naman siya na aapektohan.

"Maganda ba siya?" sabay pakita niyang picture kay alex ako naman

na curious ako kung sino yung nasa litrato  na pinakita niya.

nasa tindahan kami nila alex tas bumili lang kami ng RC hati kaming tatlo dun lang masaya na kame.

"Hala oo nga ang ganda niya."gulat niyang sabi.

"Sabi ko sayo eh." pag mamayabang niya"lagi ko siyang

hinahatid." napangiti siya.

talaga lang ah halatang inlove si mokong!

"Patingin nga!" sabay hablot ko sakanya ng phone.

Sol.

Si sol nga.Totoo nga ang ganda niya bigla bumilis ang tibok ng puso ko bakit ganun may sakit bako?

binigay ko na sakanya yung cp at ang lapad ng ngiti ni Ivan.

"Oo ang ganda niya!" walang gana kong sabi, kasi parang nawala ako sa mood.

"maganda talaga tsaka mabait sobra,mahinhin pa."Biglang yung kamay niya nilagay niya sa dibdib niya

"Ang bilis ng pintig ng puso ko inlove naba ko?" sabay napa tingin siya samin dalawa.

ganun ren naramdaman ko it means may crush ako sa kanya,kasi lagi ko na aalala yung mukha niya ilang araw nag daan  lagi ko siyang nakikita sa school tuwing break time.

"baka nga!" sang ayon naman ni alex.

napatingin ako kay  ivan.

"Ivan ano name niya sa Fb?"ewan

bahala na gusto ko siyang maging

friend sa Fb tsaka first time ko siguro mag a add dun kasi sila nag a add sakin diko  sila ina accept kasi  di ko naman sila kilala.

"Sol baladad."

******************************

Tapos nako mag gabihan at nasa kama nako.Kinuha ko yung phone

ko at hinanap ko Fb account niya.

ilang minuto ang lumipas nakita ko at pinindot ko ang *Add friend* sabay ako nag wala sa kama kinikilig ako .Naku yari ako kay mama kasi may maganda na siyang anak at maganda ren ang hanap hahahhaa.

shet! inaccept niya  ako agad  huhuhu.

"Hi." Paunang chat ko,Kinabahan ako.

"Hello Po." Ang galang naman this girl.

"kilala mo pako?" sabay pindot ko ng  call sa messenger.

Sagutin mo sana...Nag ca calling pa.

Sinagot na niya yay!

"hi?" ang tahimik sa kabilang linya.

"tanda mo paba ako? ako to si Luna hehehe." ako lang nag sasalita pero sana matandaan niya ako.

"I know na hihiya lang ako." mahinhin niyang sabi.

nakakakilig talagang totoo yung mala boses niya parang anghel kapag galit na siya hindi mo parin mababakas na galit siya kasi ang sweet prin ng boses niya.

"hindi mo ba alam na ang ganda ng boses mo partida hindi kapa kumakanta hahaha." pabiro ko sa kanya.

tumayo ako mula sa kama at pinatay na ang ilaw tas humiga na ulit.

"Ha? boses ko lang ba ang maganda? " Pag bibiro niya sakin

tas narinig ko yung tawa niya.

"Sana all no? magandang tumawa." napapangiti ako hahaha.

" Baliw! Hindi naman kasi

maganda,tsaka buti na isipan mong i add ako."  aniya niya sakin.

"Tsaka i didn't expect na kakausapin moko kasi sa tingin

ko hindi ikaw yung taong unang makikipag usap sa tao." Nakikinig lang ako sa kanya sabay pindot ko ng loudspeaker sa linya at tumingin ako sa kisame.

"Hindi mo ba alam na inlove sayo yung best friend ko." may lungkot na sabi ko.

"yup nag confess siya sakin sa chat." as a matter of fact na sabi niya sakin.

"Sana ako nalang si ivan no?" mahina kong sinabi.

"ha?" confused niyang sabi.

"Hakdog!" sabay tawa ko at ganun ren siya.

"Ang daldal mo no?" ha? ako madaldal?"Ang Cute mo kaya."

wow kikiligin naba ako?"tsaka

ang Cool mo ren." sa totoo lang?

observer ata to eh.

" kikiligin naba ko?" sabay tawa ko.

"Kiligin ka sana Boom!" wow marunong pala siya bumanat kung banatan ko kaya to.

"what makes you happy?"  curious kasi ako kaya ko natanong sa kanya kung ano yung mga bagay na nag papasaya sakanya.

"Playing Ukulele habang malungkot ako writing poems na rin." Namangha ako ah.

"Hindi mo ba alam na nakaka inlove sa babae ang magaling gumawa ng poem" OMG! bat ko na sabi yun.Mag asalita na sana ako

kaso may sinabi siya sakin na ikinabigla ko.

" Actually gusto kita noon Pa!"

avataravatar
Next chapter