webnovel

A Fading Voice

"Promise me babalik ka, 'di ba?"

Napasinghap ako. Binati ako ng pamilyar na putting ceiling ng aking kwarto. The soft light of the morning sun drifted across my bed as I sat up. Hearing the ringing buzz in my ear, napakurap-kurap ako, waking myself from the drowsiness.

What was it again? Hindi ko maalala. Parang may nangyari pero 'di ko matandaan. Panaginip ba?

Then I heard some muffled sounds downstairs.

"Kung hindi dahil sa'yo then hindi ito mangyayari!"

"How come this is my fault? You have been doing nothing but pointing me with your stupid finger and blaming me if something goes wrong!"

"Because it is your fault! You always come home late! Saan ka pumupunta ha?! Sa mga kabit mo?!"

"Listen here, woman. All you do is running your mouth off, complaining non-stop—"

"Complaining?!" the woman screeched. "You dirty, filthy, disgusting whore! 'Wag mo akong dinuduro-duro ng kamay na 'yan!"

What's with the ruckus? I grumbled inside my head as tumayo ako sa aking higaan. Agang-aga ang ingay-ingay nila. Removing the earphones plugged in my ears, the soft hum of melody constantly ringing in a never-ending loop. I decided to play along and found myself playing the same tune over and over again.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa may hagdan.

"I need coffee," I muttered tiredly.

Crash!

Gulat akong napatalon ng may bumangga sa dingding malapit lang sa akin.

What the heck! It barely missed me!

Napatulala na lang ako sa basag na pinggan. Paano nakapunta ang plato rito?!

I peered over the railings from the second floor to see that in the entrance were two familiar figures.

I should have guessed. Sila na naman. Itong mag-jowa na 'to. Tsk.

"Aminin mo na may kabit ka, noh? May nakita akong kasama noong isang araw!"

Deciding that my life is not worth risking for just a cup of coffee, pumasok ako ulit sa loob ng aking kwarto at pumunta sa banyo para simulan magmumog.

"What are you two doing?" someone yelled, interfering at the two disputing couples. "If the madam finds out kung anong ginagawa niyo, matatanggal kayo!"

I nearly choked on my own spit. I coughed up the lingering water as I tried to wipe the excess with a towel hanging from the rack.

Did they break one of Mom's collection?

Nagkaroon naman ng katahimikan na kung saan makikita mo na umalis na nakayuko ang dalawa habang tinitingnan sila ng masama noong matandang babae.

I sighed.

"Ayusin niyo 'yan bago bumaba ang young miss!" rinig ko na namang sabi n'ong matanda.

Rinig ko na naman ang sigawan kahit na ang layo nila. Not to mention, umabot pa dito ang kawawang plato. Buti na lang at hindi 'yon paborito ni Mom.

Lumabas ako sa banyo at natagpuan ko naman si Dane, kasambahay namin na kanina lang ay pinigilan ang dalawa na gumawa pa ng gulo.

'Yong dalawa kanina ay katulong namin. Parati na lang silang magkasintahang nag-aaway pero magbabati rin sila pagkatapos ng isang araw. Hindi ko sila maintindihan.

"Gising ka na pala," ngiti niya sa akin.

Siya ang nag-aasikaso sa bahay na ito kapag wala sina Mom and Dad. Malaki ang tiwala nila sa kanya at maayos naman siyang magtrabaho. Maputi-puti na rin ang buhok niya hudyat ng kanyang matandang edad pero masigla pa rin ang kanyang katawan.

"Na'san sina Dad?" tanong ko kahit alam ko naman na kung anong sagot.

"Umalis sila ng maaga, parehas na may appointment."

I knew I shouldn't have asked pero minsan hindi ko pa rin mapigilan ang bibig ko sa pagtanong. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa bintana.

Light peaked down from shadows of the tree just out the clear window, creating a moment of tranquillity contrast from the event that transpires just a while ago.

"Ah," I softly breathed. "Then kailan sila uuwi?"

"Not for another three days or so," she replied.

I hummed. Why am I not surprised?

I heave another sigh.

"Late ka na ulit sa school mo," sabi naman niya na kung saan hindi naman ako nagulat. Mataas na ang sikat ng araw at nagiging mainit na rin ang panahon. Ang tagal matapos ng school.

"Anong oras na po?"

"It's time."

"Po?"

"Mag-e-eight na," sagot naman niya. Nginitian naman niya ako and nudge me towards the bathroom which kagagaling ko lang. "Maligo ka na, bilisan mo. Isang oras ka nang late."

Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya at pumasok ulit sa banyo kung saan nagsimula akong maligo. Napatingin ako sa glass na nakapalibot sa shower.

Droplets of water stick to it, occasionally sliding down forming a trail in its wake, clearing the vapour formed by the hot water I used. In the midst of it, I saw my reflection.

Baggy panda eyes from my lack of sleep and soulless obsidian irises, not to mention my pale sheet skin. Dang, I really do look like a panda, sometime later baka ngangatngat na ako ng bamboo.

My hand went up to the cold frame. What is it? What was it? An empty feeling...

"Rose, are you pooping?"

I jolted as a knock came from the other side of the door. This brought me back from my daze.

What is that old woman thinking?!

I quickly shuffled at pinatay ang shower. To suddenly state that in a loud voice, gusto ba niyang malaman lahat ng tao kung anong ginagawa ko sa bathroom? Aish, hindi naman ako nagbabawas.

I peeked through the slight opening of the door. "What is it?"

"Nilagay ko na sa higaan ang uniform mo."

"Okay."

"Then nilinis ko na rin ang nabasag na plato," dagdag niya. After that, she gave me a smile and quickly left.

~~

I tugged at the handle of my bag securing it behind me. Tumatakbo ako sa hallway ng building at papunta sa hagdan upang makaabot ako sa susunod na klase. Buti na lang at walang katao-tao sa dinadaanan ko at napadali ang pagpunta ko roon.

"Good day and thank you, Ma'am Camorta."

Bumalik ako sa may hagdan at nagtago nang marinig ko ang pagbati ng aking mga kaklase sa aming guro. Lumabas siya at pumasok naman sa kabilang silid na kung saan nagpapaalam na rin sa kanilang guro.

Agad kong tinakbo ang pintuan sa likod ng aming classroom at doon pumasok bago pa makalabas ang susunod naming teacher. Medyo nag-iingay na rin ang klase kaya walang nakapansin nang umupo ako sa likuran.

"Hiiii," masayang bati sa aking katabi. "Late ka na naman."

"Oh, uh, yes," sagot ko sa kanya habang lumayo ako sa palapit niyang mukha. "Meron ka bang notes--?

"Maaaaay!" tawag sa kanya ng isa sa mga kaibigan niya na kung saan napatingin naman siya agad. "Tingnan mo ito, oh!"

"Ano 'yan!" excited naman niyang tanong at lumapit agad sa kanila.

Naiwan akong mag-isa at napatingin na lang sa kanila.

Hindi tulad ko, masiyahin si May. She was loved by all and she gets along with others pretty well. Masasabi nating extrovert siya at kaibigan niya lahat. Kahit mga baguhan at freshman kilala siya.

Let's say that she's the total opposite of me.

"Everyone back to their proper seats." Biglang pasok naman ng teacher namin sa Science.

After the lengthy discussion, dumating naman ang paboritong subject ng lahat--Recess.

May lumapit sa akin na grupo ng kababaihan. "Rosellia, gusto mong sumama sa amin mag-recess," aya nila sa akin.

Alam ko na kung anong gusto ng mga 'to.

I shook my head in disapproval. "Hindi na," sagot ko at binigyan sila ng ngiti.

Mukha naman silang nadismaya at nagsabi, "Aw, ayaw mo ba kaming kasama?"

Ganito ang hilig nilang gawin, kapag ayaw mo gagawa sila ng paraan para mapa-oo ka.

"May dala akong baon," pagsisinungaling ko para tigil-tigilan na nila.

"Kainin mo na lang 'yan papunta sa canteen," she insisted. "Ga! 'Wag mong sabihin na ayaw mo ng kaming makasama."

Desidido talaga ang mga kupal na ito. Gusto lang nilang magpalibre sa akin kaya nila ako nilalapitan at sigurado akong marami silang bibilhin.

Dinampot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nilagay ko ito sa aking tenga. "Hello, Mom?"

Nagtahimikan naman sila at naghihintay kung ano ang sasabin ko na susunod.

"Papunta na po," sabi ko naman at nilagay ulit ang phone ko sa bulsa. "Nasa baba 'yong parents ko."

Kinuha ko ang bag ko at nilampasan sila. Nagulat na lang ako ng may humila sa kamay ko.

"S-sandali lang! Samahan ka namin, gusto mo?"

Gusto ko mang itapon ang kamay niya, hindi ko magawa. At saka hindi rin nilang p'wedeng malaman na gawa-gawa ko lang 'yong tawag. "H-hindi na."

"Sige na~"

"Parang hindi mo kami kaibigan, ah."

"Kaya nga."

"Atsaka gusto naming batiin sina Tita and Tito, tagal na nating magkakilala, hindi ko pa sila nakikita."

Lies. Gusto niyo lang na mapakilala kayo sa parents ko dahil sa kayamanan nila.

Napayuko ako. "Sasamahan ko na kayo sa canteen. Sige na," I mumbled.

"Oh? Paano parents mo?"

Nginitian ko sila. "Kaya naman nilang maghintay."

As if.

Their faces brighten with delight as they skipped in their steps, gossiping about the newest school couple and leaving me following behind.

Napabuntong hininga ako.

Bakit hindi ko sila mapagsabihin ng hindi?

Welcome dear readers!!

geewintGcreators' thoughts
Next chapter