15 C H A P T ER 1 3

Breakfast

"Nycil Idulsa! Ano na namang issueng toh?!" Leche namang bestfriend kong toh. Ang aga-aga manggising.

"Good morning,papa." Tignan niyo, nagising yung bata dahil sa gago niyang ama. "Good morning,Ninang Ganda." Ang sweet talaga ng batang toh. "Papa, why did you shout? Are you angry at Ninang Ganda?" Binelatan ko naman yung papa niya.

"I'm sorry, baby. Can you go to your mama? I just talk to your Ninang Ganda." Napabungisngis ako nang marinig ko ang tawag niya.

"Turuan mo nga yang anak mo, Eric nang tagalog. Mauubos na yung English ko eh." Sabi ko nang umalis na si Erilyn. Pero ang gago, sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ano na namang isyu yan?" Inis kong sabi. May tinapon siyang newspaper sakin. Headline: Famous Supermodel Nycil Idulsa steal the spotlight at Amanda's party. Napatawa na lamang ako.

"Anong nakakatawa, Nycil?" Haayy.... Ang caring talaga ng bestfriend ko. Tumayo naman ako para maligo.

"Lets talk about this over breakfast." Parang may sasabihin pa siya pero di ko na narinig dahil agad kong sinarado ang pinto ng banyo.

********

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang wala akong marinig na ingay sa kusina except sa tinig ni Erilyn. This ia unexpected. Usually, umalingawngaw sa buong bahay ang ingay ng pamilyang toh. Kaya dali-dali akong bumaba. At di ko mapigilang mapataas ng kilay nang makitang may isang masamang hangin na nakaupo sa tabi ng dapat upuan ko.

"May bisita pala kayo." Basag ko sa katahimikan.

"Ninang Ganda." Unang bumati sakin ang bata. Binuhat ko siya at umupo sa dulo. Ayokong makatabi ang masamang hangin noh. Sayang ang ganda ko.

"Nycil, its all over the news. Kaya galit na naman yang bestfriend mo." Panimula ni Lodelyn dahilan para matigil sa pagkain si Eric.

"Ano bang plano mo sa buhay mo, Nycil Idulsa huh? Sunod-sunod na ang issue tungkol sayo! Tinatapakan na ang reputasyon mo!" Di ko mapigilang umirap. Parang tatay ko na talaga tong si Eric.

"Anong tinatapakan,Eric------"

"Yung issue tungkol sa manager mo! Maraming nagsasabi sa lahat ng lalaki sa showbiz, manager mo pa ang pinatulan. Yung picture na nagkalat kasama yung gagong yan----" sabay turo kay Jomarie. '' na issue ka na nanakit ng kapwa! Ngayon naman, sumira ka ng party!''

''Alam mo, Eric, dont stress yourself. Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba. Basta nagagawa ko ang gusto ko. Just think positively. Diba, baby girl?'' Napatawa naman ako nang tumango ang bata kahit alam naming di niya naiintidihan ang sinasabi ko.

'' Diko na talaga alam ang gagawin ko sayo, Nycil. Virgin ka pa ba?'' Napahalakhak ako ng malakas nang sabihin yun ni Eric. Sinapak pa siya ni Lodelyn dahil may bata. Yung katabi ko naman nasamid. Sana nga di na makahinga eh.

'' Paano kung hindi?'' Mapanghamon kong tanong. Bago pa makareact si Eric ay may humila na sakin at dinala ako sa garden.

'' Hindi ka na virgin?! Sinong nakakuha huh?! Yung manager mo ba na payatot?! Bakit ba di ka nag-iingat?! Nilagyan niya ba ng lason ang kinain o inumin mo kaya ka nakuha?! Nycil, sumagot ka naman!''

Mas hindi ko napigilang tumawa ng malakas sa mga pinagsasabi niya. Damn, ang dami kong tawa ngayon.

Nang biglang may naramdaman akong malambot na bagay sa labi ko dahilan para matigil ako sa pagtawa.

avataravatar
Next chapter