9 C H A P T E R 7

Ex

Padabog ko siyang pinaupo sa silya pagkapunta namin sa clinic. Buti kami lang ang tao rito.

'' Ano sa tingin mo ang ginawa mo dun, Jomarie Oblig Condeza?'' tanong ko habang nilalagyan ng bulak ang kanyang pasa.

'' Aray naman, Nycil! Papatayin mo ba ako sa sakit?'' Reklamo niya. Aba, papatayin ko talaga siya kapag di siya umayos.

'' Nice one you got there, bro.'' Natatawang sabi ni Eric dahilan para ibato ko sa kanya ang bote ng Betadine na iniwasan niya lang.

'' Wala na ba talaga kayong matinong isasagot sakin?'' Inis kong tanong. '' Yun ba yung sinasabi mong manonood ako, huh Jomarie? Ang makipag - away!''

'' Hindi ko naman kasalanan yun eh. Kasalanan yun ng gago mong ex!''

Oo. Ex ko si RJ. Matagal na panahon na yun pero kung maka react tong lalaking toh akala mo siya pa yung hiniwalayan dahil sa pagiging bitter ng itsura niya.

'' Kung makagago ka naman sa kanya parang di ka rin gago.'' Dinutdot ko pa sa pasa niya ang bulak, kaya hinawakan niya ang kamay ko para patigilin.

'' Masakit na huh.'' Aba, siya pa tong may ganang samaan ako ng tingin. Kapal ng mukha.

'' Ano ba ang pinag awayan niyo, bro?'' tanong ni Eric habang kumakain ng kettle korn na para bang nanonood siya ng movie.

'' Virgin ka pa ba, Nycil Idulsa?''

Napaubo bigla si Eric at ako naman ay napanganga sa tinanong niya.

*******

Napupuyos ako ng galit na tinahak ang room nila RJ.

'' Nycil, pwede namang mapag-usapan yan ng mahinahon.'' Pigil sa akin ni Natalie.

'' Hindi ako madadala sa mahinahong usapan, Natalie Rose. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yun!''

I could see red from here nang makita ko si RJ na nakipagtawanan sa mga kaibigan niya. Binitawan ko ang kamay ni Natalie na pumigil sakin at lumapit kay RJ na sinamaan siya ng tingin. Pagkalapit na pagkalapit ko ay agad ko siyang sinampal sa harap ng mga kaibigan niyang gago gaya niya!

'' Ang kapal ng mukha mo RJ para sabihin yun kay Jomarie! For your information, walang nangyari satin! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako malandi kagaya mong gago ka!''

'' Nakaabot pala yun sayo. Sumbungero pala yun. Ang bakla naman.'' Sinampal ko ulit siya.

'' Hindi siya bakla! Ikaw ang bakla leche ka!''

'' I want you back, Nycil. Kaya nagawa ko yun.''

Hindi ko mapigilang pagtawanan siya. Pinaypayan ko pa ang sarili ko dahil parang maiiyak na ako sa katatawa.

'' Gosh, RJ! Its been what? 3 years na nung naghiwalay tayo. Di ka rin ba naka move on?Poor you. Well, I'm sorry. Hindi na ako papatol sayo. Its gross. ''

Tinalikuran ko na siya pero hinarap ulit nang may nakalimutan akong sabihin sa kanya.

'' Sinayang mo ang chance na binigay ng isang dyosang kagaya ko, RJ. Kaya its your loss. Lesson for the day para namang may matutunan ka papaano. Never waste the chance that is given to you because second chance is rare if you're talking about the goddess.'' Sabi ko sabay flip ng mahaba at curly kong hair.

avataravatar
Next chapter