6 C H A P T E R 4

Oo

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi sakin ni Eric. Oo, dahil ginugulo pa rin ako ng boses niya! Lecheng konsensiya eh.

Nagising na lang ako sa realidad nang marinig ko ang splash ng tubig galing sa swimming pool. Yep, di kami gumawa ng report. Naligo lang ang dalwang gago dito na parang walang tubig sa kanila. Kilala naman kasi silang dalawa nila mama. Aside sa bestfriend ko si Eric ay nakapunta na rit non si Jomarie dahil magkaklase kami noong elementary.

" Lalim ng iniisip ah."

Napalingon naman ako sa nagsalita. Umupo siya sa tabi ko at hindi ko maiwasang titigan ang biceps niya. Yes, high school pa lang kami pero porma na ang biceps nilang dalawa ni Eric. May abs nga silang dalawa eh, kaya di nahihiyang ibandara sa karamihan ang katawan. Ang kaibahan lang nilang dalawa ay kayumanggi si Jomarie dahil na rin sa sport nitong volleyball.

" Alam kong gwapo ako, Nycil."

Agad naman akong napaiwas ng tingin. Wala na. Nahuli na niya akong nakatingin sa kanya. Siguradng mas lalaki ang ulo nito.

Umirap ako at tinaasan siya ng kilay para maisalba ang kagandahan ko sa kahihiyan.

" Kapal naman ng mukha mo. Bakit kinakausap mo ako ngayon eh halos kanina mo pa ako di pinapansin?" Pagtataray ko sa kanya.

Pagbukas ko kanina ng gate ay seryoso niya lang akong binati at nagtanong kung pwedeng pumasok.

" Nagtatampo lang naman ako sayo eh."

Napaawang ang labi ko nang ngumuso siya. Shit. Di bagay sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang halakhak na gustong kumawala pero di ko mapigilan dahilan para matigil si Eric sa kakalangoy at lumingon sa amin. Agad naman siyang bumalik sa kanyang ginagawa.

" Damn! I cant believe I made you laugh." Dun ako napatigil sa pagtawa. " Shit. Me and my darn mouth."

Inirapan ko nalang siya dahil nawalan ako ng sasabihin. Yes, ito yung una na napatawa niya ako. Lagi kasi niya akong inaasar.

" Im sorry." Basag ko sa katahimikan. In my peripheral view ay alam kong lumingon siya sakin. I sigh and continue talking. " Im sorry if I said those words. I know I hurt you and I messed up big time." Narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim.

" Yeah. I was hurt when you said that. Pero partly, may kasalanan ako dahil nasagad ko na siguro ang pasensiya mo. I cant help it kasi. Ang ganda mo kasi lalo na kapag nagagalit ka. "

Napataas naman ang maganda kong kilay na kasing taas na siguro ng Mt. Everest.

" Alam kong maganda ako ako, Jomarie. Dont state the obvious." Pagtataray ko dahilan para matawa siya ng mahina.

" Are you hitting on me, Jomarie?" Taas noo kong tanong. Dapat di mahiyang magtanong ang mga dyosa na kagaya ko. Dapat proud ka kasi inggit ang iba sayo.

" Paano kung oo?"

Mapanghamon niyang sagot. Bago pa ako makasagot ay ay binuhat na niya ako at isinabay sa paglundag sa pool.

avataravatar
Next chapter