3 C H A P T E R 1

Jomarie

"May bago daw tayong classmate." Balita ni Sofie.

"Talaga? Lalaki ba? Gwapo? Pogi?" Singit naman ni Joylyn. Napailing na lang ako sa sinasabi nila. Mga gwapo talaga hanap. Well, ako rin naman pero kapag wala yung asungot na best friend ko. Baka tawagan naman ako na malandi. Tsk.

"Maghanap ka ng upuan, Nycil." Sabi ni Eric kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Sinong nagsabi na magtatabi tayo?" Asik ko kaya ayan nagkasalubong na naman ang kilay ng lolo niyo. Sanay na ako uyy..

"Bakit? Magtatabi naman talaga tayo ah." Galit na sabi niya.

" Correction Eric Seth Obedencio." Singit ni Natalie sabay hila sakin. " Kami ang magtatabi pati sila Elisha. Kaya shoo!" Sabay hand sign na alis. Napailing na lang ako at nilingon siya.

" Dun ka na sa tabi ni Lodelyn, Eric. Sa kanila ako tatabi." Ngiting sabi ko.

Wala naman siyang magawa kundi huminga ng malalim.

"Mamaya ka sakin." Bulong niya bago kami iniwan.

"Anong binulong ng abno mong best friend?" Tanong ni Natalie. Umiling na lang ako at umupo.

"So, sino yung transferee?Lalaki ba? " Tanong ko habang nakangiti. Tumabi naman siya sakin.

" Hindi gaga. Babae. Si Gialyn. Yun oh." Sabay turo ng babae sa unahan na nakaupo.

" Ayy akala ko pa naman lalaki." Sabay lungot ang mukha ko para naman feel niya na nasayangan talaga ako noh.

" Pero madadamihan tayo ngayon ng lalaki. Yung galing sa ibang section noon, may makakaclassmates natin!" Napaayos naman ako ng upo sa sinabi niya

" Sino naman?" Bago pa siya makasagot, may narinig na akong sigaw na akala mo babae.

" NYCIL!" Kasabay ng paglingon ko ay marinig ang isang ingay ng silya na padabog ang pagkuha.

Galing kay Eric at Jomarie.

avataravatar
Next chapter