21 C H A P T E R 1 9

Shot

Gaya ng inaasahan pagkabalik namin ng Manila ay may mga reporters na nag aabang kaya todo namang higpit ang pagyakap sakin ni Jomarie. May mga security naman pero alam niyo na ang mga reporters. Aggressive.

"Were having an exclusive interview tomorrow. We'll just see you there." Dinig kong sabi ni Jomarie sa kanila. Pagkasakay sa van ay agad kong hinubad ang cap at cardigan na suot ko. "You okay, hmm?"

"Yeah. Mainit lang." Agad naman siyang lumapit sakin at inayos ang buhok ko at pinony tail.

"Matulog ka muna. I know you're tired." At parang isang magic word ay hinila na ako ng antok.

******

"I want to tighten the security tomorrow. Yes." Nagising na lang ako na nasa condo ko and natagpuang may katawag si Jomarie. Ipinagkibit-balikat ko na lang yun at pumunta sa kusina para magluto when I felt his hug behind.

"May problema ba?" Tanong ko habang naghahalo. Pinatong naman niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Nothing. I just called the security team and requested to tighten the security for tomorrow." Napahinto naman ako sa pagluto at ini off ang stove para harapin siya.

"Bakit naman? Wala namang manggugulo satin dun ah." Takang sabi ko.

"Its better to be sure honey." Napailing na lamang ako at binalikan ang niluluto ko.

Kinabukasan ay busy na kaming dalawa sa paghahanda. Gaya ng inaasahan, maraming reporters ang nasa audience. Flash dito, flash roon. Inaalalayan ako ni Jomarie paupo sa harapan.

"Good morning everyone. Today, the famous supermodel Nycil Idulsa and the famous architect in town Jomarie Condeza invited us to this exclusive interview. Reporters, its your time now to ask questions." Sabi ng host kaya huminga ako ng malalim para mag ready.

"Miss Nycil, ayon na rin sa nangyari sa E-Showbiz, nilinaw mo na wala kayong relasyon ni Mr. Adams." Tumango ako sa sinabi niya. "Nung interview ring yun nabunyag na may relasyon kayo noon ni Mr. Condeza. Kailan po yun?" Tumikhim muna ako bago sumagot.

"When we were still in high school, dun nagsimula yung relasyon namin." Sagot ko.

"Paano kayo nagbreak?" Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay sa tanong. Naramdaman kong hinawakan ni Jomarie ang kamay ko sa ilalim at kinuha ang mic. Siya siguro ang sasagot.

"Honestly, that's a personal question. But then, I will just give you an idea. We broke up because of a certain picture. That's all."

"What's the real score between you two right now?" Nagkatinginan kaming dalawa. Oo nga. Ano nga ba ang relasyon namin ngayon? Kita ko ang pag aalinlangan ng kanyang mga mata. Siguro dahil wala akong binigay na sagot para sa relasyon namin. Yes, we're saying i love you's to each other but we never clarify things between us. Kaya ngumiti ako sa kanya at ako ang sumagot.

"We're officially in relationship right now." Ngiting sabi ko. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Panigurado, masaya tong gagong toh. Habang siya naman ang tinatanong ay may napansin akong isang bagay na nakatutok sa dibdib ni Jomarie. Sinundan ko ito ng tingin at mas lalo akong kinabahan sa nakita. Followed by my instinct, I quickly covered him with my body na sumunod ang putok ng baril.

" NYCIL!"

avataravatar
Next chapter