1 Prolongue

..... That sudden sadness...

Yan ang palagi nyang nararamdaman sa tuwing titingin sya sa matataas na building... Sa tuwing titingin sya sa patak ng ulan sa labas ng sasakyan... Tila ba nangyari na noon.... Tila ba isang parte mg pagkatao nya ang paulit ulit na namamatay sa tuwing mangyayari ang bagay na iyon....katulad ngayon..

May parte ng pagkatao nya ang nagsasabing isang bagahi ng nakaraan nya ang naiwan sa kung saan. Sa tuwing mararamdaman nya ang lungkot, sasabay ang luha nya sa pag patak tila ba nagluluksa ang puso nya sa isang bagay na hindi nya mawari kung ano, Ngunit isang bagay ang alam nya... Sobra syang nasaktan... At ang pakiramdam na hindi lang sya ang nag iisang nasaktan sa pangyayaring iyon ang lalong nagpapatindi sa pagkabagabag na nararamdaman nya....

Kaylangan nyang malaman kung ano, bakit at sino ang mga parte ng kalungkutang nararamdaman nya....

Kaylangan nyang malaman kung ano ang kinalaman sa pagkatao nya ng mga bagay na pirming dumadalaw sa panaginip nya.... Baril... Gitara.... Motor..... mga bagay na tila malaki ang kinalaman sa nakaraan nya...

Yan ang pakay ni Amiel, habang nasa byahe galing La Union.

Kaylangan kong malaman kung bakit.... Gusto kong malaman...

avataravatar
Next chapter