1 Love You Two

Mag aalas 10 na ng umaga nga magising si Samantha. Agad siyang bumangon, sinuklay ang blondeng buhok, at nagsipilyo saka pumanaog para kumain ng agahan.

"Oh anak! Gising ka na pala! Pumuwesto ka na sa tabi ni Angela para makakain na tayo", malambing na paanyaya ng ina.

Si Samantha ang panganay sa limang magkakapatid na sina Alucard, Vexana, Angela, at Leomord. Mula sa pagsasaka at pagtitiyaga nga kanilang pamilya, naihon ni Samantha ang pamilya sa kahirapan. Mula sa maliit na kubo na dati nilang tinitirhan, nagsasama ng masaya ang magkapamilya sa isang 2-storey house ni tinayo at dinisenyo mismo ni Samantha. Labis ang kasiyahan ng mga magulang niya sa natamong tagumpay ng anak. Nagtatrabaho ngayon si Samantha sa isang malaking kompanya ng pagdedesinyo. Ang SHMIlY Co. ang pinakasikat at nangungunang kompanya sa bansa. Isang interior designer doon si Samantha. Hinahangaan din siya ng mga katrabaho hindi lang dahil sa siya ay matalino at maabilidad at dahil na rin sa maamo niyang mukha. NBSB si Sam o sabihin na nating walang naging kasintahan. Marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya ngunit lahat sila ay basted. Alam ni Samantha na kailingan niya munang unahin ang pamilya bago ang pansariling kasiyahan.

"Uwi ka na ba? Sabay na tayo", malambing na sambit ni Matt.

"Oh sige ba! Basta libre mo ko pasahi ha?!" pangulit na sabi ni Samantha.

"Oo ba naman. Hintayin mo lang ako dito sa tapat ng gate may kukunin lang ako."

"Sige! Maghihintay ako."

Si Matt ay ang bestfriend ni Sam mula pa noong elementarya at hanggang sa nagkatrabaho sila magkasama ang dalawa. Minsan napangkakamalan silang magsyota pero tinatawanan lang nila ito.

Peep...peep!

"Tatayo ka na lang ba jan? Ayaw mo sumakay?" pabirong tugon ni Matt sa kanya.

"Ay iba! May sasakyan na siya. Saan mo naman kinarnap ito? Biro ni Sam.

"Napulot ko lang sa tabi. Nakatambak lang kaya kinuha ko at pinaandar. Di ko nga lam paano to gamitin eh."

Tawang tawang sabi niya may Sam.

Habang nasa biyahe...

"Pwede ba may dadaanan muna tayo bago umuwi? May papakita lang ako sayo," tanong ni Matt.

"Oo ba naman. Ikaw pa ba. Bestfriend kita eh. Sasama ako sayo kahit saan mo ako dalhin."

"Sweet naman!"

Pagkatapos ng halos isang oras....

"Nandito na tayo, Sam."

"Wow! Ang ganda ng bahay. Asensado na talaga bestfriend ko. Ang ganda talaga."

"Oo maganda nga siya. Pero mas maganda ka!"

"Ikaw talaga. Maliit na bagay", sabay siko sa kaibigan.

"Gusto mo tingnan ang loob? Ang loob ng puso ko?"

"Ikaw talaga. Mga biro mo..."

Pumasok ang dalawa sa bahay. Lingid sa kaalaman ni Samantha, may hinandang surprisa ang kaibigan.

Habang nasa rooftop ang dalawa, biglang may kinuha si Matt sa kanyang bulsa at lumuhod ito sa harapan ni Samantha.

"Sam, alam ko matagal na tayong magkaibigan. Matagal ko na rin tinatago ang nararamdaman kong ito. Pero ngayong araw na ito, di ko na kaya pang itago. Nafefeel ko na sasabog na talaga siya. Bago pa man mahuli ang lahat, gusto ko sabihin sa iyo na mahal na mahal kita noon pa. Papakasalan mo ba ako?"

Hindi makaimik si Sam sa sobrang pagkabigla. Hinagkan niya ang kaibigan ng mahigpit at nilapit ang mukha sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa sa mata, at paunti unti nilapit ni Matt ang mga pisngi sa dalaga. Hinawakan ni Sam ang mukha ni Matt saka sinimulang ilapit ang labi sa pisngi ng binata.

"Mahal din kita Matt at oo papakasal ako sayo!"

Sa araw na ito, lumuhad ang mga tala.

Hinagkan ni Matt si Samantha at hinalikan. Habang hawak sa beywang, dahan dahang tinulak ni Matt ang kanyang katawan sa manipis na katawan ng dalaga. Napapikit mata ang dalaga.

"Para sayo Matt, iaalay ko ang buhay ko."

Ginugol nga dalawa ang buong gabi at pinakita kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Habang sandal ang ulo sa malaking balikat ni Matt, pinagplanohan nga dalawa kung kelan gaganapin ang kasal at paano susurprisahan ang pamilya nila.

Bandang alas 3 ng hapon nagdesisyon ang dalawa na umuwi para ibalita sa pamilya ang balak na pagpapakasal.

Excited ang dalawa at lara bang di na makapaghintay na makasama at magsama sa iisang bubong.

"Congratz sa inyong dalawa. Kelan lang ng buhat buhat kita sa aking mga bisig ngayon ikakasal ka na. Masaya ako para sayo Sam", maluha luhang sambit ng ina.

"Welcome sa aming pamilya Matt. Salamat sa pagmamahal mo kay Sam. Hangad ko ang inyong kasiyahan."

"Salamat tita", sambit ni Matt.

"Nanay na itawag mo sa akin mula ngayon. Anak na din kita", sabay yakap sa binata.

"Salamat, Nay. Wag ka pong mag alala. Aalagaan ko si Sam tulad ng pag aalaga niyo sa kanya. Mamahalin ko siya tulad nga pagmamahal mo sa kanya", pangako ni Matt.

Makaraan ang 6 na buwan nga paghahanda, dumating na amg araw na inaantay nila. Ang pag iisang dibdib ni Samantha Alcantara at Matthew Caleb.

Excited ang lahat sa araw na ito. Puno ng pagmamahal at saya sa mga mukha nga mga bisita at pamilya.

Ang lahat at handa na sa seremonya. Inaantay na lang nila ang pagdating ng Groom at Bride.

Lumipas ang isang oras...

dalawang oras...

napaisip ang lahat bakit hindi pa din dumadating ang dalawa.

Biglang may kabang nadarama ang ina ni Sam.

"Bakit wala pa ang dalawa. Dapat nandito na ang mga yun eh", pag aalala ng ina.

Nang biglang....

kring....kring... kring...

"Hello!"

"Pwede po ba makausap si Esmeralda Alcantara?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Ako nga po ito, sino po sila?"

"Wag ho sana kayong mabibigla. Tumawag po ako para ipaalam sa inyo na wala na po si Samantha at Matthew. Nangyari po ito sa magkahiwalay na aksidente. Wala na pong buhay ang dalawa ng tinakbo sila sa ospital. I'm sorry po."

Biglang pinanghinaan si Aling Esmeralda sa mga narinig. Di niya lubos maisip na mangyayari ito sa dalawa. Pero wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran ng dalawa. Malungkot man isipin na sa isanv iglap nawala ang pinakamamahal nila. Pero sa kabilang dako, alam nilang masaya na ang dalawa kung saan man sila.

"Ang kamatayan hindi nangungulugan ng katapusan. Ito ay bagong simula sa bagong buhay na tatahakin sa magkabilang mundo. Kaya habang may panahon pa tayo, gawin ang tama at iparamdam sa mahal natin sa buhay kung gaano sila ka importante at gaano natin sila kamahal."

~Ang Katapusan~

avataravatar