webnovel

61 The Kiss? Magkatabi sa Kama?

Parang nasusunog ako sa mga haplos nya. Kakaiba at nakakabaliw iba talaga ang sensasyon na naramdaman ko ngayon. Itinulak ko sya ng malakas. Biglang tumigil ito.

" Sige na. Magtootbrush kana. Iintayin kita sa loob " bumitaw na ito ng hawak sa akin at lumakad ng palayo.

Pagkatapos ng halik na yon parang hindi ako makahinga. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganon? Grrr!!! He is annoying! Napahawak ako sa aking bibig. Nakakadalwa na sya!!!!!

Nilimot ko ang toothbrush saka sinundo muli. Napailing nalang ako. Magreretouch narin sya.

*******************

PAGPASOK KO ng kwarto. Tulog na ito pero hubad ito natatakpan lamang ito ng kumot. Biglang namula ang mukha ko kaya bigla akong napatalikod. Narinig yata nya ang pagkilos ko kaya...

" Oh! nariyan kana pala. Tumulog kana. Dito ka sa tabi ko. Inaantok na kasi ako " pahangang-ngayon pulang-pula parin ang mukha ko.

" Ah-eh.....Di pa ako makatulog. Ikaw nalang. Dun muna ako sa sofa " bigla akong napakislot at binuksan ang door knob. Pero yumakap ito at inamoy ang leeg ko. Na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

" Ang bango naman ng buhok mo " pero wala akong maisagot.

" Ah....eh...t-tu-tumulog ka na. M-m-ag papaantok lang a-a-ko sa sofa " paputol-putol kong sabi. Nakakainis!

" Sige. Iintayin kita dito. Goodnight! " tumango ako at binitawan nya ako. Bukas na ang pinto pagkahakbang ko. Iniharap nya ako sa kanya at ipinako sa pinto pasara. Kaya nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

" Ah...eh.....Anong ginagawa mo? " lumapit ang mukha nya sa akin.

" Pwede bang.....dito ka nalang samahan mo ako dito. Nakakalungkot kasi na magkahiwalay pa tayo " napansin kong nakabalandra sa akin ang abs nya. My god Cassie! umayos ka!

" Ah...eh..." lalong kinabahan ako isang dangkal nalang ng mga labi namin.

" Nagdadalawang isip kaba? " Napapikit ako naamoy ko ang hininga nya. Nakakabaliw sa bango. Sumagap ako ng hangin tapos mumulat. Lord! sana tama ito!

" S-s-sige " ngumiti ito. Nakatalikod ako sa kanya sa paghiga. Biglang gumalaw ito at niyakap ako.

" Goodnight...." napahigit ako ng hininga.

Pamaya-maya pakinig kong mahimbing ang tulog nito.

" Sa gantong posisyon nakakatulog sya. Eh ako nga di makatulog. Sobrang kabado ko" mahina kong sabi.

" Humarap kaya ako sa kanya o wag nalang " hindi mapakali ang utak ko.

" Pero....basta bahala na...1...2...3 " humarap ako sa kanya. Nagulat ang mata ko sobrang lapit nito sa mukha ko.

" Hmm....Wag kang malikot " Sabi nito habang nakapikit. Panay kinukorot ko ang binti ko. Para mawala ang kaba ko. Kumalma na naman ako.

" Goodnight...." Ang mahina kong wika sa kanya.

**********************

NAGMULAT AKO ng mata. Napangiti ako sa mukhang nakaharap sa akin. Mahimbing itong natutulog. Kanina umaakto lamang akong tulog na. Nang marinig ko ang sinabi nito. Napangiti ako ng matindi.

" Hayaan mo Celine.....Babaguhin ko ang kapalaran mo. Sa susunod mong landas magiging masaya ka. Magiging maligaya, gagawin ko ang lahat para sayo. Para sayo pipilitin kong magbago " saad ng isip niya. Kinumutan nya ito. At pumikit syang muli.

©Love To The Destiny

Next chapter