webnovel

26 Comeback Is Real [Ramos]

Bigla nya akong hinalikan. Yung dating masakit parang unti-unting humilom. Dahil ba ito sa paghalik nya sa akin o sya talaga ang pinakakamamahal ko. Dahan-dahang naglayo ang mga labi.

" Celine I won't leave you again hindi ko kayang mawala ka. Akala mo ba Celine na ikaw lang ang nasaktan? Ako din nagsikap ako na abutin ko ang future ko. Na baka pagbalik ko dito. May babalikan pa ako pero bakit ganon parang nag-iba na ang mundo. Kasama na don ang pinakamamahal ko " hinawakan nya ang parehong bisig ko kaya napaharap ako ng masyado.

" Celine can we start again? Can we together again? Believe me please give me some chance " lumuhod ito sa akin na ang isang kamay ay nakahawak sa akin.

" Marisse Celine Smith,Will you be my girlfriend....again? " napahikbi ako sa kanya.

Sapat na ba ang narinig ko na paliwanag niya pero kailangan ko pa ng isang araw baka pagnagpadalos-dalos ako baka masaktan ulit ako. Hinay-Hinay muna.

" Amm sorry please give me some time to think about it " tumango ito. Sabay tayo.

" Sige pagnakapagdecide kana babalik ako dito " hay salamat naiintindihan naman niya ako.

" Sige see you " sabay halik sa noo ko.

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang umalis na ito sakay sa Sports car. Tumawa ako sa kanya. Saka nagpatuloy pinabilis ang takbo ng sasakyan pa alis sa bahay.

Pumasok ako muli sa gate. Pero biglang may tumakip sa bibig ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa tainga ko. Saka nagsimula na magsalita.

" Nagkita muli tayo. Namiss mo ba ako? Huh?" nangatal ang mga katawan ko sabay ng pagdabog ng puso ko sa takot.

" Swerte nakatakas ka pero ngayon hindi ka na makakatakas pa " sumigaw ako ng sobrang lakas. Pero tinakpan nya ang bibig ko.

" Subukan mo pang sumigaw tutuluyan na kita" Pananakot nito sa akin.

" Bitawan mo ang kapatid ko! Nasabi nang bitawan mo ang kapatid ko!!! " ang matigas na boses galing kay kuya. May dala pa itong kutsilyo.

Inalis nito ang kamay sa akin. Kaya nakahinga ako ng maluwag.

" Pagbinigay ko sayo to. Magiging masaya na sila ni John. Hindi.....Hindi ako papayag! " sigaw nito.

" RAMOS!!!! " napatingin si Ramos kung saan naggagaling ang tinig na iyon.

" O.K narito na pala ang prince charming mo. Ang liligtas sayo. Sa taong nanakit sayo. Na ibig sabihin na ako yun. Hahahaha. Nakakatawa " napahalakhak pa.

" John easy ka lang. Hinga-hinga ka muna tense na tense ka baka mahighblood ka nyan " sabay tapik sa balikat nito.

May inalabas na baril si Ramos sa bulsa.

" Celine pwede bang pumasok sa bahay nyo? " tinaliman ko sya ng tingin.

" Hindi! Hindi pwedeng pumasok ang mga demonyo, demonyong tulad mo! " napatawa ng mahina ito.

" Ay...natakot naman ako " tinutukan nya ang noo ko.

" Sige na....Papilit ka pa.....Namiss mo ba ang pinagsaluhan natin nung isang araw? " napatawa pa ito.

" Walanghiya ka!!!! " may dalawang lalake kaladkad ang isang lalake.

" Hayden..." napaluha ako sa sinapit nya. Puno sya ng suntok at bugbog.

© Love To The Destiny

Next chapter