25 25 Material Things doesn't Important as long as you love him is enough

" IM SORRY " ang natirang lumabas sa aking bibig.

" Anong nangyari sayo? Ano yang mga sugat mo? Sinong gumawa nyan sayo? " nagtatakang tanong nito. Yumakap ako sa kanya.

" Maganda pang umalis muna ako. Para makapagusap kayo ng maayos " singit ni kuya.

" You know what? Lagi mong tandaan na hindi ako aalis sa tabi mo. I'm here from you, to protect you and to love you forever " ang makahulugang salitang nahaplos ang aking puso. Sabay haplos nito sa buhok patuloy nitong hinagod. Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa akin.

" Sorry kasi mali ang pagkakaintindi ko sayo. Akala ko kasi kaya umalis kana pagod kana. Hindi mo na ako Mahal. Kaya umalis kana " tumitig ito sa kanya.

" Hindi talaga ganon yun. Ginawa ko yun kasi sobra kitang mahal " tumalikod ako sa kanya at nagkibit-balikat.

" Buong araw, buwan, taon dekada ewan wala na akong pakialaman nuon sa mga nakasulat sa kalendaryo. Hindi ko narin inaalam ang mga lumipas. Basta inintay kita nun. Kahit text o tawag man lang galing sayo. Pero wala eh. Basta nabasa ko nalang sa diary ko. Monthsary na pala natin. Hindi ka man lang nagparamdaman " pinunasan ko ang luha ko.

" Kaya napagtanto ko, na hindi ka na babalik. Kasi kung tatagalan ko pa ang tanga-tanga ko na pero wala eh sabihin na nila na gaga ako. Na sana babalik ka pero ano wala. Kaya nung nakagraduate ako naghanap agad ako ng trabaho. Pumasok ako bilang secretary ng isang shop. Nang maka-(3 years) na. Naging isang manager na ako ng isang Milktea shop " bumuntong hininga ako.

" Hindi ko rin akalain na kaya ko pala magpalago ng negosyo. Kahit magisa lang ako. Di ko rin namalayan na nakalimutan ko na ang word na (us) tayo. Natatawa ako sa oras na yon " humarap muli ako sa kanya.

" Gusto mong malaman ang nangyari sa amin ni Ramos. Sige kwento ko sayo. Inimbitahan nya ako sa birthday nya. Syempre bilang isang long friend ko na sya. Pumayag ako galing ako sa trabaho nun. Bago ako pumunta don umuwi muna ako sa bahay. Pagkatapos non nagpunta na ako sa kanila. Nakipagbirthday uminom kami ng Wine. Siguro nga tanga ako pumayag akong makipaginuman sa kanya " nangunot ang noo nito.

" Bakit ka pumayag? Kahit alam mong baka may mangyari sa inyong dalawa " tinatagan ko ang loob ko.

" Tiwala. May tiwala ako sa kanya. Siguro natukso din ako. Pero patuloy ko yun pinagsisihan pahangang-ngayon. Hindi ko talaga kailangan ang ganon para maging masaya. Ang gusto ko mahalin ako, hindi iwan at ipaglaban. Yun lang naman ang hinihingi ko. Siguro humihingi ako ng materyal na bagay dati pero hindi mo naman dapat pilitin ang sarili mo na ibigay yon. Hindi naman ako magagalit. Ang importante sa akin ikaw, tayo. Basta masaya tayo, mahal natin ang isa't-isa wala nang hihigit pa don " bigla nya akong hinalikan.

©Love To The Destiny

avataravatar
Next chapter