22 22 Overpass

Matapos ang lahat ng alala nakatingin parin kami sa isa't-isa. Tumalikod ako sa kanya hinawakan ang isang bakal.

" Bakit ka nagpunta dito? " tanong ng dalaga sabay punas ang mga luhang pumatak.

" Hinahanap mo ba ako? " tanong nito naparabang walang kasiguraduhan.

" Bakit naman kita hahanapin? " sagot ko na walang pakialaman.

" Celine mahal mo pa ba ako? " biglang na hesitate si ang dalaga.

Humarap ako sa kanya tinitigan.

" Pagiisipan ko pa. Umuwi ka na hindi ka bagay sa mundo ko. Masasaktan lang kita " umalis ako sa harapan nya naglakad patungo sa sasakyan.

Pinigilan nya ako.

" Sagutin mo ang tanong ko, Mahal mo pa ba ako? " humigit ako ng lakas ng loob para harapin sya.

" Ewan ko, hindi ko alam, baka, Sana ,siguro hindi ko alam. Sabi ko nuon tinanong ko sa sarili ko masakit ba talagang masaktan? pero dahil Mahal Kita sumubok ako sumugal ako. Pero alam ko naman kahit hindi ko subukan mahina itong puso ko " humihikbi ako sa harapan nya.

" Alam ko naman nuon nahihirapan ka na, pagod ka na pero pinipilit mong bumangon. Alam ko naman na ubos kana ubos na ubos " umiyak ako muli.

" Nagdaan ang mga araw matapos ang existence natin. Tinanong ko muli sa sarili ko, may tayo pa Kaya? babalik pa kaya ang dating tayo? " tumalikod na ako sa harap nya.

Naglakad ng mabilis. Nagmaneho ako paalis ng lugar na yon. Umiyak ako ng umiyak sa loob ng kotse. Hindi mapigilan ang sarili ko kaya inihinto ko ang kotse.

NARITO ako sa daan naiwan sa pagkakatulala sa hangin. Hindi namalayan na umalis na ang dalaga na kanina lamang ay tinatangisan siya nito. Kailangan ko naring umalis sa lugar na ito. Na tangapin na wala na talagang tayo.

" Ahhhhhh!!!!! " sumigaw si Celine sa kotse.

" Hanggang kailangan ko ba mararanasan ang sakit ng ito. Kaylan pa ba hihilom to?" hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagring ang cellphone ko. Ngunit hindi ko sinagot ang tawag. Hindi ko kaylangan na sagutin pa.

Nagtungo ako sa Club. Naroon ang mga taong nagpapakasaya sa sayaw. Napakalakas ng mga tutugan, ibat-iba ang ilaw, maraming taong nakapaloob bawat sulok. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Panay lang ako ng inom ng alak para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Habang nakaupo sa bartender.

©Love To The Destiny

avataravatar
Next chapter