webnovel

WAIT IN VAIN

The play with destiny game is driving her crazy! It made her anxious and expectant at the same time.

Kung ano-anong thoughts ang pumasok sa kaniyang isipan. May makapansin kaya sa number niya na nakasulat sa papel na pera? Kanino kaya iyon mapupunta? Sino kaya ang unang magse-send ng message sa kaniya? Makakahanap kaya siya ng true love dito?

Silly questions! But who knows! Love moves in mysterious ways anyway.

Nang maka-upo siya sa likod ng kaniyang mesa sa kaniyang opisina, she brought the keypad phone out of her bag at tinitigan ito. No notification of a message received.

She sighed.

Kababalik lang niya sa trabaho mula sa dalawang araw na day-off. She spent it well with her mom as a celebration for her birthday.

Naikwento niya dito ang play of destiny game ni Nora para sa kaniya. Her mom found it unusual but fun at the same time.

She told her about her fear of being penalized because it is illegal to tamper a paper bill.

"Maybe it will not." She assured her. "Besides, you have the option not to reply to any messages. You can stop it from there."

"Right." She agreed.

"Are you expecting it to be something good?" Teased her mother.

"No, of course not!" Pinandilatan niya ito ng mga mata. But, I don't know, whispered her thoughts.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

She also told her mom na parang iyon ang katuparan ng kaniyang birthday wish, kaya it made her clung to it a little.

"Interesting!" Maging ang kaniyang ina ay expectant na rin.

"Yeah." Maikling sagot niya.

However, she pitied herself of giving a little hope on the game, because she felt pathetic now!

Padabog niyang isinilid ang keypad phone sa kaniyang drawer and she let out a shriek! Loud enough for the people outside her office to hear. Later did she realized na nakabukas pala ang door ng kaniyang office.

Napalingon ang lahat sa kaniya, pati ang water delivery boy na abalang nagpapalit ng empty container sa water dispenser sa tapat ng kaniyang office.

Nagsalubong ang kanilang paningin. Gusto niyang alisin ang paningin dito at ibaling sa ibang nakatingin sa kaniya pero hindi niya nagawa.

Wait. Are those brown eyes? Tukoy nito sa mga mata ng lalaki. She's a bit amazed, although medyo malayo ito sa kaniya, pero kapansin-pansin ang kulay ng mga mata nito.

He smiled.

Teka! Hindi niya inaasahan iyon! Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. She felt her cheeks flustered.

Ngunit ayaw pa rin kumawala ng mga mata niya sa pagkakatingin dito, ni hindi kumukurap! Sobra na siyang nahihiya sa nangyayari. Damn eyes!

Gumala ang mga mata niya sa mukha nito na para bang may sariling buhay ang mga ito dahil kahit anong dikta niya na "huwag" ay hindi niya napigilan ang mga ito.

In fairness, may hitsura ito! Lalo na noong ngumiti ito sa kaniya dahil lumabas ang nag-iisa at malaking dimple nito sa kanang pisngi! Nagustuhan niya rin ang malinis nitong mukha, walang bigote at balbas. Overall, she liked what her eyes are seeing.

Dadako na sana ang mga mata niya sa mga labi nito pero this time ay napigilan niya ang mga ito, kaya naman muli niyang itinuon ang paningin sa mga mata nito. Medyo malaki ang mga ito pero bumagay sa makapal nitong kilay. Para sa kaniya, ito ang pinakamagandang parte ng mukha nito.

Pakiramdam niya ay lalong nag-init ang mga pisngi niya, kaya bigla siyang natauhan. Ano na nga ba ang gagawin niya? Kanina pa sila nakatingin sa isa't isa. Hindi na rin ito nakangiti.

Composure, Skye. She told herself.

This kind of incident was not new to her. Marami na siyang embarrassing moments with a guy before but this moment was quite different. There was something in the way he looked at her, plus what she thought were beautiful eyes, that made her feel conscious and brought chills inside her. Hindi niya iyon maipaliwanag. He did not even felt the same sensation with her first love.

It was actually her first time seeing his face. Puro likod lang nito ang nakikita niya sa tuwing schedule nitong magpalit ng mga empty water containers doon. She always took a quick pause every time she watched him do his work. He admired his back and his masculinity. Although she was curious about what he looked like, she did not expect to see it in an embarrassing and awkward moment like this.

Finally, she gestured him to go back to what he was doing with her hand to redeem herself.

Saglit itong tumango at agad na tumalima.

Thank goodness!

Nang hindi na ito nakatingin, dahan-dahan siyang tumayo at isinara ang pinto ng kaniyang opisina.

She let out a sigh of relief but still, she felt embarrassed! She felt her cheeks, still hot!

Damn!

Next chapter