8 DESTINY PLAYED THE GAME

Destiny knew its role in the game. The excitement that Skye wished for on her birthday has just started.

The 20 peso bill where Skye's number was written circulated through different people within Baguio City until it found its rightful new owner.

********

"Kuya Alvin, pa-refill po ng tubig." Anang isang binatilyo na nakatira sa malapit sa water station.

"Coming up!" Masigla niyang inabot ang container nito, hinugasan, sinabunan, binanlawan at pinahanginan sa loob, saka pinuno ng alkaline water. Nang mapuno ay tinakpan niya ito saka sinelyuhan, pinunasan ng malinis na basahan saka iniabot sa binatilyo.

Nakangiting inabot niya ang bayad nito. "Thank you!"

Ngunit hindi pa umaalis ang binatilyo. "Kuya, gusto talaga kita para sa ate ko. Guwapo na, masipag pa. 'San ka pa?"

Tinawanan niya ito. Matagal na nitong sinasabi ang ganoon, ngunit inaakala niyang biro lang ang lahat kaya sinasakyan lamang nito ang biro nito.

"Kailan mo ba dadalhin ang ate mo dito?"

"Busy pa siya eh."

Muli siyang tumawa. "Baka hindi alam ng ate mo na ipapakilala mo ako, lagot ka sa kaniya."

"Alam niya. Pero busy pa nga daw siya."

"Ako din busy eh."

"Saka na lang kapag hindi na kayo busy na dalawa." Nagkamot ito ng ulo. "Sige kuya, alis na ako."

Tinanguan niya ito.

Inayos nya ang lukot na tig-bente pesos na bayad ng binatilyo bago ilagay sa box. Ngunit isa sa mga bente pesos ang naka-agaw ng kaniyang pansin dahil may sulat ito sa bandang dulo.

Sinipat niyang mabuti ang nakasulat. SKYE 0915--------------.

Pangalan kaya ito ng babae or lalaki? Parang babae naman.

Hindi niya sukat akalaing sa panahon ngayon ay may nagtangka pa ding nagsulat ng pangalan at numero nito sa perang papel. Isa pa, bawal na ito ngayon, kaya naisipan niyang itago na lang ito.

Inilabas niya sa kaniyang wallet ang isang malutong na bente pesos at ipinalit sa perang may sulat.

Sakto namang may dumating ulit na magpapa-refill ng tubig kaya itinuloy na niya ang pagtratrabaho.

********

Naging abala si Skye sa trabaho kaya saglit niyang nakaligtaan ang keypad phone sa kaniyang drawer. Lumipas ang mga araw na hindi niya ito chine-check man lang.

Kaya naman nang may nagmessage sa keypad cellphone ay hindi na rin niya ito napansin.

avataravatar