webnovel

Chapter 41: I Can’t Let Her Go

Sneak Preview Of Chapter 41: I Can't Let Her Go

TININGNAN lamang ni Harold si Brielle at bakas sa mukha ng boss niya ang malalim na galit ng mga sandaling ito.

"Harold, tumabi ka!" muling dumagundong ang boses ni Brielle sa buong paligid na lalong nagpasindak kay Samantha. Nang mga oras na ito isa lamang ang tumakbo sa isipan niya, tanggapin ang anumang masakit na salita ni Brielle laban sa kanya. O maaaring saktan siya nito.

"I'm sorry, sir, you have to hurt me first rather than letting you hurt Miss Samantha, and later on, you will regret it. Hindi po nareresolba sa ganito ang anumang problema ninyo ngayon," mahinahon ang boses ni Harold ngunit may diin ang bawat salita nito.

"I'm your boss, Harold. Hindi ka ba natatakot na sisibakin kita?" banta niya rito.

Harold shrugged his shoulders and said, "Kung gusto niyo po akong tanggalin noon pa sana,"

Naglitawan ang malalaking ugat sa noo ni Brielle at gusto niyang itulak si Harold upang umalis ito sa harapan niya, ngunit bago pa man nagawa ito tumayo na mula sa upuan si Samantha.

"Brielle, if hurting me physically will make you feel better, I would let you do it," mahinahong tugon niya at lakas loob niyang sinalubong ang galit na titig nito sa kanya.

"Did you hear that, Harold? She's willing to accept the losing end of my anger. Kaya tumabi ka!" malakas na itinulak ni Brielle si Harold ngunit handa naman itong salagin ang galit niya.

He ignored Brielle's anger, "Miss Yun, please leave now,"

Lalong nagngitngit ang kalooban ni Brielle ng marinig ang sinabi ng assistant niya, "Harold, don't test my patience!" He yelled. At pilit niyang itinulak si Harold ngunit agad siyang niyakap nito ng mahigpit na lalong nagpairita ng pakiramdam niya.

"Please, Miss Yun. Leave!" nakipagpambuno si Harold sa lakas ni Brielle habang nililingon si Samantha. Alam niyang gulo ang kahihinatnan kapag pinayagan niyang makawala si Brielle.

Naramdaman ni Samantha ang sinseridad sa boses ni Harold kaya't napilitan siyang sumunod dito. Tumalikod na siya ngunit narinig niyang sumigaw pa si Brielle bago niya tuluyang lisanin ang meeting room.

"Bumalik ka dito, Samantha. Bumalik ka dito,"

"Sir, sir Brielle, huminahon kayo," boses ni Harold habang unti-unting pinakawalan ni Harold ang boss niya.

PAK! Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Harold galing kay Brielle matapos niyang luwagan ang pagkakayapos dito. Napaatras siya ng bahagya dahil sa lakas ng suntok nito.

Sneak Preview Of Chapter 42: Comforting Carl

PUMUNO sa buong paligid ang malakas na halakhak ni Harold na lalong ikinainis ni Brielle. "Ito naman di na mabiro. Relaks, ka lang sir Brielle. Aalis na nga ako!"

"Sipain kita diyan, eh. Lumayas ka nga sa harapan ko," tumaas ang boses ni Brielle.

Halos takbuhin ni Harold ang elevator papuntang second floor kung saan naroon ang clinic ng kompanya. Ngunit bago pa man siya tuluyang pumasok sa nakabukas na elevator, muling bumukas ang bibig niya.

"Bawas-bawasan mo ang pagkakape sir Brielle,"

"Harold!!!....." iritableng sigaw ni Brielle. Batid niyang binibiro siya ng assistant niya ngunit di man lang ito nakabawas sa pagkabalisa niya. Nakita pa niyang kinawayan siya ni Harold bago nakangisi itong sumakay sa nakabukas na elevator.

Di na lamang niya ito pinatulan at agad na siyang tumuloy sa opisina niya. Nang dumaan siya sa harapan ng secretarial office napansin niyang nagbulungan ang mga ito. Nahagip pa ng pandinig niya ang usapan ng mga ito. Walang ibang topic kundi ang pagsugod ng mga reporters kanina sa harapan ng HUO GROUP building.

"Hush! Girls, stop the gossip. Parang ang dami ng bakanteng oras ninyo para magtsimisan ah," boses ni Adela ang pumukaw sa atensyon ng mga sekretarya. Mabilis na tumahimik ang mga ito lalo na ng tumayo siya mula sa cubicle niya at tiningnan isa-isa ang mga ito.

Walang naglakas loob na sumagot sa mga ito dahil takot silang lahat kay Adela. Adela has been working in HUO GROUP for many years, and she's now the secretary head and Brielle's assistant too.

"Balik sa trabaho. Puro kayo tsismisan,"

Nagkatinginan ang bawat isa at tila may dumaang anghel sa paligid na naging dahilan ng pamamayani ng katahimikan. Lumabas si Adela sa secretarial office at nagtungo sa opisina ni Brielle. Bago siya pumasok doon, dumaan muna siya sa pantry at gumawa ng jasmine tea para kay Brielle. She's always been thoughtful to him.

A tray of hot jasmine tea was placed in her hand, she headed to Brielle's office. She gently knocked when she arrived at Brielle's office. She heard him saying to come in. Push-opened the door and placed a gentle smile before coming in.

"Sir, I brought you a jasmine tea,"

Nag-angat ng mukha si Brielle at bahagyang tumango kay Adela. Hinintay niyang mailapag nito ang bitbit na tray.

"I hope this will calm you down," she added.

"Thank you, Adela,"

"You're welcome, sir!"

"Can you bring me the personal data of Samantha Yun?" agad na tanong ni Brielle.

"Si Miss Yun po, sige sir. Kukunin ko po sa HR department at dadalhin ko rito," akma na siyang tatalikod ng muling magsalita si Brielle.

******************************************************************************************************

Dearest Lovely readers,

First, I would take this opportunity to apologize that it takes how many months for me to update this novel. I've been so busy with my English novels on three platforms including WEBNOVEL.

Secondly, I only posted a sneak preview for the chapters of this novel simply because this one has been exclusively contracted on GoodNovel. Yes, you can read all the love and revenge series on that platform. Hence, head to that mentioned platform, download the app on Google Play Store and search the novel title.

Lastly, since chapters were on premium, you need to top up or do a daily login and collect coins to unlock it, and also a number of accumulated reading time has corresponding coins and gem. Coins can be used to unlock premium chapters and gem can be used to vote for this novel. Where to find it? It's under on Earn Rewards.

The billionaires club series would be posted on that platform too.

Stay safe wherever you are! Have a blessed day ahead!

Here's the link of Love & Revenge: The Stubborn Heiress : [ https://bit.ly/3vUpItu ]

See you there,

Anna Shannel Lin

Next chapter