webnovel

1 Chapter 1: Francisco Ferrer

Jade POV

Bagong lipat lang ako dito sa aking bagong tahanan malayo sa tahanan ko noon, may iilan na akong kakilala pero hindi ko pa kabisado ang mga lugar dito, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna para naman malaman ko kung saan ako dadaan kung may gusto akong puntahan.

Hapon na kya naisipan ko nang maglakad pauwi, nang malapit na ako sa bahay ko ay may nakita akong isang malaking bahay, katabi lang ito sa bagong bahay na aking tinitirhan 'ngayon ko lang to napansin ah' may kalumaan na ang bahay at kinakalawang narin ito, mukang matagal nang walang nakatira rito.Nakita ko ang aming kapit bahay na si Manang Dolor kaya naisipan kong magtanong.

"Uhm excuse po manang."

"oh ano iyon ija?"

"Magtatanong lang po sana ako, sino po ba ang may-ari ng bahay nayan?" sabay turo ko sa lumang bahay.

"Matagal nang patay ang may ari niyan ija"

"Talaga po? kaya po pala kinakalawang na."

"Oo ija, pero Jade ija wag kang papasok jan."

"Bakit po?"

"Dahil may nakatira daw na multo diyan, yan ang sabi-sabi nila."

nakakapagtaka man ay tumango na lamang ako.

Nandito ako ngayon sa aking silid, nakadungaw sa bintana habang nakamasid sa lumang bahay. Katapat lang kasi ito sa bintana ng aking silid kaya malaya ko itong namamasdan.

'Ano kaya ang nasa loob dyan sa bahay nayan?'

hindi ako naniniwala sa sinabi ni manang na may multo na nakatira sa bahay na iyan, dahil I don't believe in ghosts.

Sa aking pagmamasid nagulat ako dahil may nakita akong ilaw sa loob.Sa aking pagkagulat napatayo ako at napatitig sa bintana kung saan may maliit na ilaw na akong nakita. Dali-dali akong kumuha ng jacket at flashlight, bumaba ako at dali-daling lumabas ng bahay.

Nakita ko nalang ang aking sarili nakatayo sa harap ng gate ng lumang bahay.Naalala ko ang sinabi ni manang kaya nagdalawang isip ako kung papasok ba ako, but dzuh I don't believe in ghosts so sa huli ay lumakad ako papasok ng gate at pumunta sa pinto papasok ng lumang bahay.

Pagpasok ko sa lumang bahay ay bumungad sa akin ang maraming alikabok kaya napaubo nalang ako at nagtakip ng ilong.Naglakad pa ako at nakita ko ang sala, maraming mga lumang kagamitan na aking nakikita.

Nilibot ko ang aking paningin at may nakita akong hagdan papuntang second floor kaya naisipan kong umakyat, pagkarating ko sa taas ay bumungad sa akin ang mahabang hallway.

Nagsimula akong maglakad at halos ang mga makikita mo lamang ay mga lumang painting na nakasabit sa dingding at mga vase na maraming alikabok, may nakikita rin akong mga pinto ngunit isa lamang na pinto ang nakaagaw ng aking atensyon, ito lamang ang naiiba sa lahat ng pinto kasi mas malaki ito ng bahagya kumpara sa ibang pinto at nasa pinaka dulo ito ng hallway.

Dahil curious ako, naisipan kong pumasok, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Sa loob ay may king size bed at sa tabi nito ay may maliit na mesa at umiilaw na lampara at sa both side nito ay may pinto.

Nilibot ko ang aking paningin at dumapo ito sa isang malaking painting, lumapit ako rito at agad na napatulala dahil ang nakaukit dito ay isang lalaki, may matangos na ilong, almond eyes,and thin lips. napatingin ako sa kanyang mata at para akong hinihipnotismo nito, kulay abo ito at napakagandang tingnan ang kanyang seryosong mga mata para bang hinihigop ang aking kaluluwa.

Dumapo ang aking tingin sa ibabang parte ng painting at maynakita akong nakasulat doon at mukhang ang nakasulat ay ang pangalan ng lalaking nasa painting, humakbang ako ng isang hakbang palapit at binasa ang nakasulat.

"Francisco Ferrer..."

Natigilan ako at saglit tumigil sa pagtibok ang aking puso and after that my heart start beating so fast, napahawak nalang ako sa aking dibdib "May sakit ba ako?", I feel something in my stomach and it's weird.

Pagkatapos kong tingnan ang painting ay napatingin naman ako sa may pinto sa right side ng higaan, binuksan ko ang pinto at sinilip ko ang loob, my jaw dropped when I saw what was inside, puno lang naman ito ng mga libro at sa gitna ay may mesa at tatlong upuan, para itong office at may mga painting materials rin na nakalagay doon.

Lumapit ako sa may lamesa at may nakita akong sketchpad, umupo ako sa isang silya at binuksan ko ang sketchpad, sa loob ay may mga drawing ng mga tanawin ang isa ay parang park, ang isa naman ay garden na puno ng mga klase-klaseng mga rosas, at ang isa ay drawing ng isang bahay, ito ang bahay kung saan ako nakatayo ngayon, at marami pang magagandang drawing.

Naisipan kong lumabas na at umuwi, pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa aking kwarto at naligo muna, pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa aking higaan at humiga na.

Lumipas nalang ang ilang minuto ay hindi parin ako makatulog dahil sa kakaisip tungkol sa lumang bahay at sa lalaki sa painting kanina.

Dahil sa aking pag-iisip, hindi ko namalayang unti-unting pumipikit ang aking mga mata at ako ay nakatulog na.

Hi to my readers!

This is my first story, sana magustuhan niyo❤️

And if you want me to continue this story, just let me know po, cause I don't want to continue if I don't know if someone or no one likes what I write.

myInkcreators' thoughts
Next chapter